Huwebes, Mayo 18, 2006

Life, so far

Wala naman talagang mahalagang nangyayari sa buhay, sa totoo lang. Pumunta ako sa book launch ng "Pag-aabang sa Kundiman" ni Sir Egay. Pero hindi ko gabi iyon, kay Sir. Naroon lang ako dun sa may likod, nakikinig sa mga pagbasa. Hindi ko pa nga pala napapa-sign ang kopya ko. Sa susunod na lang siguro.

Noon namang nakalipas na Sabado, kinuha ko ang entrance test para sa Graduate School ng Ateneo. Ok lang yung test. Naasar ako sa Math, kayang-kaya pero ang bagal ko. Ganun rin naman yung nangyari sa entrance ko ng ACET, nakakatuwa.

Kaya sa darating na Lunes, dadaan ulit ako sa Fil Dept. para sa kausapin si Sir Vim. Parang interview pero kilala na naman niya. Ano kayang pag-uusapan namin? Siguro kung anong gagawin ko habang nasa M.A. Makapagsulat kaya ng nobela? Meron na akong naiisip na kuwento (actually, dalawa). Bahala na, ika nga ng mga Pinoy.

Sa Lunes rin simula na ng pasukan ni Tetel, kapatid ko at pangatlo sa aming apat. BS Bio siya sa La Salle. Nakakatuwa nga naman ang tadhana, ano?

Walang komento: