Pina-photocopy ko kanina ang "Banaag at Sikat" ni Lope K. Santos at "Ninay" ni Pedro Paterno sa library. Maikli lang ang "Ninay" pero ang HABA ng "Banaag at Sikat". Ang haba pa ng pila sa mga photocopy machines. Dapat sa Filipiniana ko pinakopya ang "Banaag" pero nasira makina doon kaya lumabas pa ako. Dalawa lang ito sa mga nobelang babasahin ko. Mukhang maganda na gumawa ako listahan. May tatlo pa akong ipapa-photocopy.
[x] Origins and Rise of the Filipino Novel (May kopya sa UP!)
[x] Rise of the Novel: Chapters 1 and 2 (mula sa lib)
[x] Urbana at Feliza (galing www.gutenberg.org)
[x] Dona Perfecta (galing ding www.gutenberg.org)
[x] Ninay (galing lib, inilimbag ng La Salle pero wala daw doon sabi ng kapatid ko)
[ ] Noli Me Tangere
[x] Banaag at Sikat (galing lib at ang pinakamahaba)
[x] Pinaglahuan (may kopya sa ateneo press)
[ ] Nena at Neneng
[x] Sugat ng Alaala (galing ding ateneo press, bago pang kopya 2006 na reprint)
[ ] Ang Pagkamulat ni Magdalena
Bakit kaya walang kopya ng karamihan ng librong iyan sa mga bookstores? Nakakapanghinayang pa namang magpa-photocopy. Tapos ang haba-haba pa ng mga pila panahong itong nagsisimula pa lang ang semestre. Gusto ko ng tunay na libro! Hay.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento