Biyernes, Disyembre 03, 2010

Mozart's Journey To Prague ni Eduard Morike

Lungkot ang naramdaman ko pagkatapos basahin ang maikling nobelang ito ni Eduard Morike. Isinulat nang malaon nang patay si Mozart at matatag na ang kanyang reputasyon bilang dakilang kompositor, muling isinasalaysay ni Morike ang tila munting anekdota ng paglalakbay ni Mozart patungong Prague para sa unang pagtatanghal ng Don Giovanni. Inilalahad ng akda, sa loob ng 90 pahina at sa banghay (sjuzet) na tumatagal lamang ng dalawang araw, ang buhay at paghihirap ni Mozart.

Isang madamdaming henyo ang pagkakalarawan kay Mozart. Madali siyang madala ng kanyang damdamin at pabugso-bugso kung magdesisyon. Dahil mapagbigay sa mga kaibigan, madalas siyang pagsamantalahan ng kanyang mga “kaibigan” sa pangungutang. Sa paglikha, madalas niyang napapabayaan ang kanyang pamilya at maging ang kanyang sarili, ang imahen ng tempremental artist. Hindi kumakain at hindi madaling makausap kapag lumilikha. Pero madalas ay isa siyang masayahing tao.

Sa kabuuan ng nobela, bagaman makikisalamuha ang mag-asawang Mozart sa sirkulo ng mga maharlika ng Europa, nabubuhay sila sa panganib ng kawalan ng pera at ang pangunahing namomroblema dito ay si Gng. Mozart. Siya ang nagsisilbing rasyonal na pundasyon sa loob ng kanilang relasyon. Siya ang namamahala sa kanilang pinansiyal na kalagayan. Siya rin ang nangangarap sa isang panatag na kabuhayan. Sa paglalakbay na ito papuntang Prague, ito ang kanyang pinapangarap. Bagaman may reputasyon na si Mozart, hindi siya kumikita nang tuloy-tuloy. Sa pagtatanghal ng Don Giovanni, inaasahan ni Gng. Mozart na makapagdudulot ito ng pinansiyal na kapanatagan. Mga alok ng pagtuturo. Mga alok ng pagtatanghal ng Don Giovanni at ng iba pa niyang dula na magdudulot ng dagdag na kita.

At sa kabuuan ng akda, ito ang lumalabas na tensiyon: ang henyong tiwalag sa mundo at isang alipin sa Musa o Paraluman na nabubuhay sa mundo ng praktikalidad at salapi. Tinitingnan si Mozart bilang isang puwersang hindi mapigilan. At sa dulo ng akda, nang pinagmumunihan ng bagong kasal na dalaga ang pambihirang gabing iyon na bumisita si Mozart sa kanilang palasyo at nagtanghal ng ilang sipi sa di pa tapos na opera ni Mozart, nauunawaan ng niya na ang tulad ni Mozart ay hindi bagay sa mundong ito. Maitatanghal niya ang kanyang henyo subalit kapalit nito’y mauupos ang kanyang pisikal na katawan. Pero hindi na mahalaga iyon. Ang mananatili’y ang kanyang sining at doon siya magiging imortal.

15 Anime Characters

The Rules: Don't take too long to think about it. Fifteen anime characters who've influenced you and that will always stick with you. List the first fifteen you can recall in no more than fifteen minutes. Tag at least fifteen friends, including me, because I'm interested in seeing what characters my friends choose.

1. Eugene (Ghostfighter)

Kasi mayroon siyang raygun! Hindi na niya kailangan ng baril, daliri lang niya, weapon na!

2. Son Gokou (Dragonball)

Medyo nabawasan ang pagkaastig ni Gokou kasi naputulan siya ng buntot. Noong mayroon siyang buntot, pwede siyang maging halimaw. Pero pwede pala siyang maging Super Saiyan kaya, okey lang na nawalan siya ng buntot.

3. Hanamichi Sakuragi (Slamdunk)

Tulad ni Hanamichi, naniniwala rin akong isa akong henyo.

4. Tuxedo Mask (Sailormoon)

Medyo bading ata ng pagpili kong ito. Pero, maniwala kayo sa akin, hindi ang mga Sailorgirls ang tunay na bida ng "Sailormoon", kundi si Tuxedo Mask.

5. Yaiba (Yaiba)

Kasi isa siyang samurai. At kaya niyang lumipad gamit ng kanyang sandata.

6. Kenshin Himura (Samurai X)

Kasi isa rin siyang samurai. Pero talo siya ni Yaiba kasi hindi niya kayang lumipad gamit ang kanyang sandata.

7. Lupin III (Lupin III)

Kalimutan na si Richard Gutierrez. Ito ang tunay na Lupin na dapat mapanood ng lahat. Trivia: alam n'yo bang dinerehe ni Hayao Miyazaki ang unang season at ang unang pelikula ng Lupin III?

8. Genma Sautome (Ranma 1/2)

Kasi isa siyang panda. And you don't say no to panda.

9. Vash the Stampede (Trigun)

Kasi isa siyang naglalakad na sandata.

10. Rick Hunter (Robotech/Macross)

Kasi mayroon siyang dalawang babaeng pinagpipilian. At nakasasakay siya sa isang giant robot!

11. Shinji Ikari (Neon Genesis Evangelion)

Kasi mayroon siyang dalawang babaeng pinagpipilian. At nakasasakay siya sa isang giant robot! Ang dami nga lang existential BS.

12. Richard Hartford (Daimos)

Minus points kasi wala siyang babaeng pinagpipilian (kay Erika na siya). Pero nakasasakay din siya sa isang giant robot kaya astig pa rin!

13. Cedie (Cedie)

Kasi gusto ko ring maging prinsipe. At mayroon siyang kabayo! Kabayo! (Ang bading ata ng choice na ito.)

14. Peter Pan (The Adventures of Peter Pan)

Kasi nakalilipad siya. At may higante rin siyang robot. Saan ka pa?

15. Tom Sawyer/Huckleberry Finn (Adventures of Tom Sawyer)

Hindi ko pa nababasa ang mga nobela ni Mark Twain. E ano ngayon? Napanood ko naman ang anime.

Huwebes, Setyembre 23, 2010

15

15 Body Parts

The rules: Don't take too long to think about it. Fifteen body parts that you've had that will always stick with you. List the first fifteen you can recall in no more than fifteen minutes. Tag friends, including me, because I'm interested in seeing what kind body parts you love.


1. Tuhod (Noong bata ako, nadapa ako at ang laki ng sugat ko sa tuhod noon. Aray.)

2. Baga (Noong bata rin ako, tinamaan ako ng dengue. Dalwang beses pero yung una ang malala. Kinailangan akong lagyan ng tubo papunta sa baga kasi nagtutubig ito.)

3. Foreskin (Alam n'yo na. Memorable talaga iyon.)

4. Kuko ng kaliwang hinlalaki (Home Econ. namin noong grade school ay paggawa ng kung ano-anong arts and crafts. Pagminsan, kailangan mong gumamit ng martilyo. Iyon, namatay ang isa kong kuko.)

5. Ilong (Hindi naman ako madalas balisungsungin pero minsan binalisungsung ako sa gitna ng klase. Nagulat ang mga kaklase ko. Nakakita lang ng dugo. Dinala ako sa infirmary. Iyon, bulak lang at yelo, okey na.)

6. Mata (Naalala ko, first year kami noon, pa-field trip kami noon tapos kumalat ang sore eyes sa klase namin. Hindi ako nakapunta sa field trip pero yung ibang may sore eyes, pumunta pa rin. Ang daya.)

7. Dila (Napaso ko ang dila ko nang tinikman ko ang superhot na bagong lutong bananaque na niluto sa bahay. May peklat pa rin ang dila ko hanggang ngayon.)

8. Wisdom Tooth (Isang linggo akong nagturo na may tahi sa loob ng aking bunganga. Nasa akin pa rin ang tinanggal na ngipin. Gusto mong makita?)

9. Bigote at Balbas (Noong bata ako, nakapatong sa ibabaw ng drawer ang pang-ahit ni Dad. Naisip ko, "Paano kaya ang feeling ng mag-ahit?" Nag-ahit ako. Ayon, nasugatan. Ngayon, bihira na akong masugatan kapag nag-aahit.)

10. Tainga (Wala lang. Masayang may tainga, di ba?)

11. Tiyan (My peborit body part.)

12. Bituka (My secontd peborit body part.)

13. Siko (Alam mo yung kapag matamaan ang nerve sa siko mo, yung kapag tamaan e parang nakuryente ka? Ang sakit noon.)

14. Buhok (Noong bata ako, semi-kalbo ang hair style ko. Ngayon, nakakalbo na ako.)

15. Puso (Hindi pa ako inaatake sa puso pero gusto ko sanang umibig.)

***

15 Luto ng Itlog

The rules: Don't take too long to think about it. Fifteen recipes of egg that you've eaten that will always stick with you. List the first fifteen you can recall in no more than fifteen minutes. Tag friends, including me, because I'm interested in seeing what kind of eggs you ate.

1. Sunny-side up

2. Scrambled

3. Boiled

4. Poached

5. Century

6. Pula

7. Balut

8. Penoy

9. Adobong Balut

10. Egg soup

11. Ham and cheese omelette

12. Pound cake

13. Egg bhurji

14. Egg sandwich

15. Pickled

Linggo, Setyembre 19, 2010

Kung bakit sumasakit ang braso ko at paa ko

1. Photoshoot

Dahil malapit na paghantong sa pinakatatakutang edad na 18 ang bunso kong kapatid na si Marol (hi, bunchuy), todo-all-out ang paghahanda para sa kanyang debut sa Oktubre. Magrerekord siya ng ilang kanta (nakarekord na siya ng isa, yung kay Jordin Sparks, nakalimutan ko ang pamagat) at gagaw ang music video. May photoshoot pa sa isang hotel na inatupag namin ngayong weekend. Posturang-postura ang buong pamilya habang pinagtitinginan ng mga bisita ng hotel. Kaya sumakit ang paa ko, lalo na ang paa ng mga kapatid (high heels iyon suot nila ano), sa katatayo.

2. Bookfair

Pero bago ng photoshoot e masakit na ang paa ko dahil sa pagpunta ko sa bookfair gayong malapit lang naman ang hotel sa Mall of Asia. Kaya pagkatapos kong iwan ang mga gamit ko sa hotel, diretso ako sa SMX-MOA para sa book buying extravaganza. Nakasalubong ko nga pala si Gian Lao sa daan nang papunta akong ATM para mag-withdraw at sa loob ng SMX. (Shout out!) Heto ang sandali ng pagyayabang habang ililista ko ang aking nabili:

Death by Garrote: Looking Back 3 - Ambeth Ocampo (Anvil)
101 Stories on the Philippine Revolution - Ambeth Ocampo (Anvil)
Mga Prodigal - Luna Sicat-Cleto (Anvil)
Secrets of the Eighteen Mansions - Mario I. Miclat (Anvil)
Different Countries - Clarissa Militante (Anvil)
The Proxy Eros - Mookie Katigbak (Anvil)
Lost and Found and other essays - Rica Bolipata-Santos (UP Press)
Muling-Pagkatha sa Ating Bansa - Virgilio S. Almario (UP Press)
Si Rizal: Nobelista - Virgilio S. Almario (UP Press)
Amado V. Hernandez: Tudla at Tudling - Rosario Torres-Yu (UP Press)
& Vol. I 2008 - Conchitina Cruz (UP DECL)
Diwalwal: Bundok ng Ginto - Edgardo M. Reyes (C&E)
Laro sa Baga - Edgardo M. Reyes (C&E)
Tatlong isyu ng Philippine Studies

Napamahal ako dahil puros bago ang binibli kong libro pero OK lang kasi wasak naman iyan. Goodbye sembreak.

3. Pagtsetsek ng mga papel at exam

Bakit ko ba pinahihirapan ang sarili ko sa pagnanasang pahirapan ang mga estudyante ko? (Sa aking mga estudyante: Keep Quiet.)

Miyerkules, Setyembre 15, 2010

10th Ateneo National Writers Workshop Fellows Named

The 10th Ateneo National Writers Workshop, organized by the Ateneo Institute of Literary Arts and Practices (AILAP) with the support of the National Commission for Culture and the Arts (NCCA) and the Office of the President, Ateneo de Naga University (AdNU), will be held on October 24-28, 2010 at the AdNU Campus, Naga City.

Twelve fellowships were awarded, with six going to writers from the Bicol Region who write in the Bikol languages. Covered by the fellowships are their board and lodging, a modest stipend, and the opportunity to learn from an esteemed panel of Atenean writers and critics. The fellows for this year’s workshop are:

For poetry in English: Alyza May Timbol Taguilaso (Quezon City); For poetry in Filipino: Noel T. Fortun (Las Piñas City), Maureen Gaddi dela Cruz (San Pedro, Laguna); For fiction in English: Glenn Diaz (Manila City), Michelle Abigail Tiu Tan (Quezon City); For fiction in Filipino: Arnold Matencio Valledor (Panganiban, Catanduanes); For poetry in Bikol: Gerry Rubio (Virac, Catanduanes), Adrian Remodo (Naga City, Camarines Sur), Eduardo Uy (Gubat, Sorsogon), Richard Madrilejos (Tabaco, Albay), Rodel Añosa (Ticao, Masbate); For fiction in Bikol: Jimple Borlagdan (Tabaco, Albay).

Panelists for this years workshop include prize-winning writers like Benilda S. Santos, Alvin B. Yapan, Marco AV. Lopez, Michael M. Coroza, Frank Peñones and Carlo Arejola to name a few. This year’s workshop is co-directed by Kristian Cordero and Yolando Jamendang, Jr.

Sabado, Setyembre 11, 2010

24 atbp.

1.

Ano ba ang ginawa ko noong birthday ko? Wala lang. Natulog. Nagsimba. Naghanda ng isang long test. Ganoon. At parang ganoon na nga lang talaga ang ginagawa ko. Trabaho lang. Hindi na nga ako masyadong makapagbasa o makapagsulat. Bumigat pa ito nang makakuha ako ng mga klase mula kina Ma'am Christine at kay Ecar. Hindi naman sa nagrereklamo ako. Siguro kailangan ko lang baguhin ang aking ritmo. Mas sipagin pa. Kung hindi, baka hindi ko magawa ang gusto ko talagang gawin. Ngayon, tatangkain kong isingit ang pagsusulat sa pagitan ng paghahanda para sa mga klase at pagtse-tsek ng mga papel at exam. Kailangan ko lang talagang bawasan ang panonood ng TV. Iyon lang talaga ang umaaksaya sa oras ko.

2.

Nakapagbabasa naman ako kahit pautay-utay lang. Hindi ko pa rin natatapos ang "Landscapes Painted with Tea" pero malapit na at mabilis kong natapos ang "Landscapes" ni Clinton Palanca. Ang layo ng pamagat ng dalawa, di ba? Natapos ko na ring basahin ang "Mozart's Journey to Prague", isang novella ni Eduard Morike. Gagawan ko ang mga ito ng rebyu, kahit maikli lang sa darating na mga araw. Kung pagbibigyan ng panahon.

3.

Pwede ko na nga palang kunin mula sa NCCA ang mga kopya ko ng aking chapbook pero, letse, 10AM hanggang 4PM lang sila bukas. Ang daming ginagawa sa trabaho, parang nakakatamad. Magko-commute ako papuntang Intramuros para kunin ang mga kopya ko. Mas mahaba pa ang magiging biyehe ko kaysa sa pag-stay ko doon. Hay. Tingnan ko na lang.

4.

Malapit na nga pala ang MIBF. Wala lang.

Martes, Hulyo 06, 2010

Call for Manuscripts for the 10th Ateneo National Writers’ Workshop (ANWW) Poster

















I-click lamang ang poster para sa mas malaking bersiyon nito. / Click the poster for a larger version

Sabado, Hulyo 03, 2010

Ang Daming Nobela sa Mundo at Hindi Mo Pa Nababasa ang mga Iyon

Updates, updates...

Buong araw ang komite para sa exhibit sa Intramuros. Secret na lang muna kung para saan. Hintayin n'yo na lang, Imaginary Reader, ang buwan ng wika. Basta nakakapagod. At muntik na ring bumigay ang kamera ko. At hindi pa tapos ang trabaho. Hay. Gatalabet.

Nakakailang linggo na rin ang lumipas nang magsimula ang klase. So far so good. Pero parang lagi akong lata at pagod sa dulo ng araw. At tatlong klase lang ito. Mag-exercise kaya ako? Yeah, right.

Nga pala, kung gusto mong makita, Imaginary Reader, ang disenyo ng mga pabalat ng UBOD New Authors Series II, punta ka lang dito.

Nga pala, alam mo bang ang sagot sa bugtong na "batong sakdal ng tigas, sa bulong lang naaagnas" ay "puso ng dalaga"? Medyo sexist, ano? Pero panalo.

Miyerkules, Hunyo 30, 2010

Call For Contributions: Kritika Kultura Anthology Of New Philippine Writing

Contributions are now welcome for the first special exclusively literary issue of Kritika Kultura, the international online journal of language, literary and cultural studies published by the Department of English of Ateneo de Manila University. This issue is intended to be an anthology of new Philippine writing.

The Philippine literary community has a relatively longstanding tradition of releasing anthologies focusing on young writers. However, it can be gleaned that the notion of the “new” remains unarticulated, as recent anthologies simply focus on the “young,” and what becomes apparent is the persistent maintenance of an aesthetics solidified in various creative writing institutions and workshops, a notion that is rapidly rendered inaccurate by a healthy production of writing that these anthologies do not include.

What this issue of Kritika Kultura intends to accomplish is to represent the kind of writing that is rarely published, the kind that is not often legitimized by mainstream publications. The kind of writing that we, as editors, can confidently call “new.”

New, in this case, as the word that most succinctly describes literary texts that are mindful of—by way of formal response/appropriation and/or thematic confrontation—several cultural phenomena such as the preponderance of piracy, the simultaneous/schizophrenic sociopolitical conditions of the nation, the “new” government that includes so many of the old names, the highly provisional stances in criticism pertaining to society and art, the currency and increasing value of topicality and ephemera (as evidenced by BPOs, SEOs, and Facebook), the persistent dominance of celebrity culture, and the gossip paradigm of discourse. The anthology welcomes contributions that transgress genre boundaries, revise traditional modes and forms, formally engage with the largely oral, nontextual/extratextual literary practices of the Filipino audience, and display a technical alertness to the quandaries presented by blog-driven writing, Facebook fiction, protest poetry, the malleability of languages, the hegemony of academic publishing in “legitimate” literature, the dominion of western literary models, and, in light of these, the strategic and arguably fictionalizing construction of Filipino identity.

Contributions are welcome from Filipino writers who have not yet published books of their own. Submissions can be in any language, but English translations must be provided. Multiple submissions are accepted, but each submission (belonging to a particular genre) has a 5,000-word count limit. Submissions must not have appeared in national publications. When emailing submissions, provide a genre-label (such as Poetry or Nonfiction) for each. Submissions may be emailed to kk.litissue@gmail.com. The deadline for submissions is September 30, 2010. The issue will be released in February 2011.

Mark Anthony Cayanan
Conchitina Cruz
Adam David

Martes, Hunyo 22, 2010

Sipi tungkol sa Libro mula sa mga Libro

Mula sa "The Name of the Rose" ni Umberto Eco

"Until then I had thought each book spoke of the things, human or divine, that lie outside of books. Now I realized that not infrequently books speak of books: it is as if they spoke among themselves." p. 286

"Books are not made to be believed, but to be subjected to inquiry. When we consider a book, we mustn't ask ourselves what it says but what it means..." p. 316

Mula sa "Landscape Painted with Tea" ni Milorad Pavic

"A book, if you expect wonders of it, should also be read twice. It should be read once in youth, when you are younger than its heroes, and the second time when you are advanced in age and the book's heroes become younger than yourself. That way you will see them from both sides of their years, and they will be able to put you to the test on the other side of the clock, where time stands still. This means that sometimes it is forever too late to read some books, just as sometimes it is forever too late to go to bed." p. 67

Miyerkules, Hunyo 16, 2010

Call for Manuscripts for the 10th Ateneo National Writers’ Workshop (ANWW)

Call for Manuscripts for the 10th Ateneo National Writers’ Workshop (ANWW)

Erratum: Inquiries about the workshop through email to Christine Bellen should now be addressed to her new email address: christinebellen@yahoo.com

The Ateneo Institute of Literary Arts and Practices (AILAP) with the support of the National Commission for Culture and the Arts (NCCA) is now accepting applicants for the 10th Ateneo National Writers Workshop (ANWW) to be held from Oct. 24-28, 2010 at the Ateneo de Naga University in Naga City.

This year, six (6) slots will be allocated exclusively for writers writing in any of the Bikol languages. The qualifications are: a) a resident of the Bicol region, b) writes in a Bikol language and c) can translate his/her manuscript into Filipino or English. Each applicant must submit a portfolio in triplicate (3 copies) of any of the following: a suite of five (5) poems OR a collection of three (3) short stories written in any Bikol language with a title page bearing the author’s pseudonym and a table of contents. The portfolio must include translations either in Filipino or in English. Entries in the Bikol languages must be addressed and submitted to Kristian S. Cordero, Philosophy Department, Ateneo de Naga University, Naga City 4400.

Another six (6) slots will be allocated for writers writing in Filipino and English. Each applicant must submit a portfolio in triplicate (3 copies) of any of the following: a suite of five (5) poems OR a collection of three (3) short stories written in Filipino or English with a title page bearing the author’s pseudonym and a table of contents. Entries in Filipino and English must be addressed and submitted to the Ateneo Institute of Literary Arts and Practices (AILAP) c/o Department of Filipino, School of Humanities, 3rd Flr. Dela Costa Bldg., Ateneo de Manila University, Loyola Heights, Quezon City 1108.

The portfolio must be in Garamond, font size 12 with one (1”) inch margins on all sides. The portfolio must also be accompanied by a CD containing a file of the portfolio saved in MSWord (.doc or .docx) or Rich Text format (.rtf). All submissions must include a sealed envelope containing the author’s name, address, contact number, e-mail address and a one-page resume including a literary CV with a 1X1 ID picture.

Food and accommodations will be provided for all accepted applicants. Deadline of submission will be on Aug. 13, 2010. For more information, visit www.ailap.org, or call 426-6001 loc. 5320/5321 or e-mail Christine S. Bellen at christinebellen@yahoo.com and Kristian S. Cordero at boronyog@yahoo.com.

Lunes, Mayo 10, 2010

Rebyu: Cosmicomics (Mag-ingat sa Spoilers)


Ngayong buwan ay Short Story Month ayon sa Emerging Writers Network. At bilang pakikibahagi ko sa pagdiriwang na ito, magbibigay ako ng rebyu ng dalawang kalipunan ng maikling kuwento: Cosmicomics ni Italo Calvino at Collected Fictions ni Jorge Luis Borges. Noon nakalipas na mga buwan ko natapos ang pagbabasa ng mga librong ito pero dalawang dahilan lang naman talaga kung bakit ngayon ko lang ginagawa itong rebyu na ito: thesis at katamaran. Pasisimulan ko rin ang serye ng mga sanaysay tungkol sa mga paborito kong mga maiikling kuwento. Hindi ko matatapos ang serye na sa buwan na Mayo pero mainam na simulan na bilang balanse sa mga rebyu na ginagawa ko sa mga nobelang binabasa ko.

Sa ngayon sisimulan ko muna sa Cosmicomics ni Italo Calvino. Binubuo ng labindalawang kuwento ang kalipunang ito at pinag-uugnay ng iisang tagapagsalaysay, si Qfwfq, isang nilalang o kamalayan na dinanas ang simula ng uniberso at nabuhay hanggang sa kasalukuyang panahon. Lahat ng mga kuwento’y nagsisimula sa isang scientific theory o fact na nagiging premise para simula ni Qfwfq ang kanyang mga kuwento. Bagaman nakaugat sa agham ang premise ng mga kuwento, may oral na katangian ang mga kuwento sa Cosmicomics. Interesante ang mga premise ng mga kuwento subalit ang boses ni Qfwfq, ang kanyang pagsasalaysay ng mga nakaraang karanasan at ang mga damdaming nakaugnay sa mga karanasang ito, ang nagdadala sa lahat ng mga kuwento. Mapapansing halos lahat ng mga kuwento ay mga kuwento ng pag-ibig. Tanging ang “A Sign in Space,” “Games Without End,” “How Much Shall We Bet?” at “The Light-years” lamang ang mga kuwento na hindi kuwento ng pag-ibig. Sa mga kuwento na ito ng pag-ibig, nagtatapos ang lahat sa pagkasawi. Maaaring maiugat ito sa mismong premise ng mga kuwento. Lahat ng mga kuwento’y nakaugat sa isang sinasabing pinagdaanang pagbabago na nangyari sa mundo at maging sa uniberso. Halimbawa’y sa kuwentong “The Distance to the Moon,” nasanay ang mga tauhan na malapit lamang ang buwan sa Earth na kayang tumalon mula sa mga bangka sa gitna ng dagat ang mga tao tungo sa buwan. Napaibig si Qfwfq kay Mrs. Vhd Vhd at nang biglang magsimulang lumayo ang buwan sa Earth. Sa pagkakataong iyon, tinangka ni Qfwfq na makasama nang matagal si Mrs. Vhd Vhd subalit malinaw na hindi siya iniibig nito at nakaranas si Qfwfq ng matinding lungkot at pangungulila nang bumalik na siya sa mundo at iwan sa si Mrs. Vhd Vhd sa buwan.

Sa kabilang dako naman, paglalaro sa lawak ng mga scientific at mathematical premise ang nabanggit ko nang mga kuwentong hindi kuwento ng pag-ibig. Halimbawa nito’y sa kuwentong “The Light-years.” Minamasid ng tagapagsalaysay ang langit gamit ang kanyang teleskopya at nakita niya sa isa sa mga bituin ang isang plaka na nagsasabing “I SAW YOU.” Nabagabag ang tagapagsalaysay at ayon sa batas ng limitasyon ng paglalakbay ng liwanag ayon na rin kay Einstein, nakalkula ng tagapagsalaysay ang haba ng taon paroon at pabalik (na umaabot ng 200 milyong liwanag-taon) at inisip niya ang kung ano ang ginawa niya noong sandaling iyon. Sa kahabaan ng pakikipag-usap niya sa unang nagpaskil ng plaka na iyon, nagsulputan ang ibang plaka mula sa ibang mga bituin at mga galaxy tungkol sa kanyang ginawa. At dahil sa kanyang pagiging self-conscious sa mga plakang ito, tinangka niyang itama ang unang pagkakakilala ng mga tao sa kanyang ginawa pero nahihirapan na siya dahil unti-unting lumalayo ang mga bituin at galaxy sa bilis ng liwanag at dumating ang pagkakataon na hindi na niya kayang makipag-usap sa taong iyong unang nagpaskil ng “I SAW YOU.” At habambuhay na niyang dadalhin ang panghihinayang at pagkahiya ng isang sandaling nagawa milyon-milyong taon na ang nakararaan.

Ulit, bagaman may katangian ng pantasya at agham ang mga kuwentong ito, nakaugat pa rin sa payak at madaling maunawaang mga damdamin ang mga kuwento. Hiya. Lungkot. Pag-ibig. Inggit. At iba pa. At ito ang kapangyarihan ng kabuuang koleksiyon, ang bigyan ng pagkatao ang mga konseptong hindi natin binibigyang halaga. Gamit ng mga kuwentong ito, iniaangat ni Calvino ang mga konseptong pang-agham sa wika at kabuluhang lampas sa siyentipiko nitong katangian tungo sa antas ng talinghaga na may ipinakikita sa ating pagkatao.

Miyerkules, Mayo 05, 2010

Mga Patalastas Pampanitikan para sa Hunyo


  1. Bukas ang HEIGHTS’ KUWENTONG PAMBATA sa lahat ng mag-aaral, guro at alumni ng Pamantasang Ateneo de Manila bagamat hindi maaaring sumali ang sinumang hurado at kasapi ng lupon ng pagpili ng Heights.
  2. Maaaring kahit anong paksa ang piyesang hindi lalagpas sa 500 salita, sa wikang Filipino man o Ingles, subalit dapat angkop ito para sa antas ng pagbasa ng mga mag-aaral ng elementary edad 7-12.
  3. Maaaring Rich Text Format (.rtf) or in a Microsoft Word Document (.doc) ang ipapasa, laktawan sa 8.5” x 11” bond paper, na may isang pulgadang palugit. Maaaring gamiting font ang Arial sukat 11, Times New Roman sukat 12, o Calibri sukat 12.
  4. Sa isang hiwalay na dokumento isasama ang mga sumusunod: ang pangalan, sagisag-panulat, larawan (mainam kung 1×1 o 2×2), at 2-5 pangungusap ukol sa may-akda; at ang synopsis ng kuwento na hindi lalagpas sa 100 salita.
  5. Ilakip ang dalawang dokumento sa ipapadalang e-mail sa heights.filipino@gmail.com na may paksang pamagat: KUWENTONG PAMBATA bago o sa mismong araw ng Hunyo 7, 2010.
  6. Nangangahulugang hindi tagumpay sa pagpapasa ang anumang kakulangan sa hinihinging impormasyon at hindi maisasalang sa deliberasyon ang piyesa.
  7. Magtatanghal ang lupon ng pagpili at ang mga hurado ng isang (1) mananalong piyesa upang mailathala bilang KUWENTONG PAMBATA 2010.
basahin ang Ingles na bersiyon dito.

***
CALL FOR ENTRIES FOR CCP ANI 36 JOURNAL

The Literary Arts Division of the Cultural Center of the Philippines is accepting contributions to its ANI 36 journal. The year’s volume focuses on the theme “Disaster and Survival”.

Works accepted are poems, short stories and essays in Filipino, English or any Philippine language with translation (or gist for prose) in Filipino or English.

The first decade of the 21st century brought record-breaking disasters such as typhoons, floods and landslides that tested the resiliency, resourcefulness and spiritual strength of the Filipinos and changed the history of the nation. This year’s best literary works reflective of the lessons learned from such events will be put together in ANI 36.

Submissions must be typewritten or computer-encoded in Arial 12 points, double-spaced on short bond paper (8.5” x 11”), accompanied by a sheet containing the author’s five-sentence biographical note, contact numbers and address, and tax identification number (TIN) for payment purposes.

Contributions must be submitted by email (aniyearbook@yahoo.com)as an MSWord attachment in rich text format (.rtf) addressed to The Editor, ANI 36, Literary Arts Division, Cultural Center of the Philippines, Roxas Boulevard, Pasay City 1300. Deadline for submission is June 30.

(For verification, please contact Mr. Hermie Beltran, tel. no. 832-1125 local 1706, 1707.)

mula dito ang anunsiyo.

Sabado, Abril 24, 2010

The Universal Concern of the Writer

In the blog Bibliophile Stalker, a nerve has been hit because of the post entitled No Foriegners Allowed, which earned a response from deepad. Although the failings of the essay "No Foriegners Allowed" has been discussed by deepad, the real and true problem of the essay is that fails to ask the right questions. In his Response to Deepad's Open Letter, Charles restated the question that started the whole discussion, "So what's your opinion on what was supposed to be my main theme, which is whether it's permissible for someone to write about a culture that's not their own? Is it bullshit, or if the answer is yes, what are your qualifications before one does so?" As I have said in the comments section, this is an utterly superficial question. And as what all the other responses, it really would not matter for a writer and nothing could really stop him/her from doing so.

Again, I would like to point out the politics of representation. Charles's essays treat culture like it is made up of empirical data (or at least that how I got the impression) that can be portrayed transparently. (Lets side step, for now, the issue whether langauge can actually portray anything transparently.) No amount of research or immersion can give a writer everything that he/she needs because there will always be a gap with the culture that one was born into to the one that is being studied/portrayed. Culture is not made up of facts and data but is made up of signs. The signs of culture has many unsaid meanings that cannot be easily explained. Portraying these signs without fully understanding the meanings behind these signs could lead to many shortcomings like exoticism, Orientalism, even racism and neocolonialism. These problems doesn't just appear in writings of a writer from a majority culture writing about a minority culture, it can happen with the minority culture writing about a majority one. Again, either way, the politics of representation still come into play. The difference of cultures, each having different signs that embody a different understanding of the world, will always lead to misrepresentation.

The question then should be: can a writer go beyond this politics of representation? I would like to give the example of David Mitchell as a possible example of how one can go beyond the issues of misrepresentation. I've read Mitchell's "Ghostwritten" and "Cloud Atlas". I'll focus more on "Ghostwritten" because in this novel Mitchell writes about nine interconnected stories and each is set in a different country with characters from different nationalities. In summary of the novel, there is a Japanese cultist trying to escapes to Okinawa after he takes part in a gas attack in Tokyo's subways, a young Japanese boy working in a record store finds love with a half-Japanese, half-Chinese girl from Hong Kong, an Englishman who is caught up in a money laundering scandal lives in an apartment haunted by a ghost, a Chinese woman recounts her life living on a mountain in mainland China from her youth during the time of the warlords through the Cultural revolution until her old age during China's economic boom, a "non-corporeal entity" that can possess living creatures tries to find the mystery of his existence through inner and outer Mongolia, a group of Russian art thieves try to steal valuable paintings at a St. Petersburg museum, a day in a life a ghostwriter in London, an Irish scientist tries to run from the government so that they could not use her research for world domination, and finally, a Latino DJ in New York gets calls from what seems to be a sentient supercomputer. Especially with the narratives dealing with East Asian countries, one can always ask how faithful and true Mitchell's portrayal is of those other cultures. But reading through the novel, one really doesn't even care. You could easily understand that Mitchell is interested in themes that surpasses culture. He uses ALL his narratives to portray and examine the human existence. The recurring motif of "ghost" through out the novel become the jumping point for Mitchell to pose philosophical questions. What makes us human? Is the soul the only thing that makes us human? What is the soul? Is the soul inherently moral and ethical?

With the example of Ghostwritten, the issue of misrepresentation is side stepped because Mitchell's concerns himself with themes beyond race and culture. Again, it is Mitchell's particular world view that drives the novel and one can easily suspect it. But Mitchell is such a powerful writer that one can easily trust his voice. That though he uses postmodern techniques, one can trust him because of his deep concern for humanity.

One can now ask if there are things beyond culture and race. And I would like to believe that there is. Primal emotions like fear, hate, anger, greed and even the positive ones like love, kindness and joy. Again, each culture represents and portray these emotions differently because each culture signifies the world differently. But no matter what the differences may be, a writer's duty is for the truth, universal, cultural or class specific these may be. In the end, a writer is pulled and pushed by the specificity of one's cultural and personal experiences to the universal and primal concerns and emotions. In the end, we read to understand others and we write to understand ourselves.

Linggo, Abril 18, 2010

Rebyu: Pedro Paramo

(Mag-ingat sa spoilers)

Walang mga pagbabahaginan o mga kabanata, tila isang mahabang panaginip ang "Pedro Paramo" ni Juan Rulfo. Nagsisimula ang nobela sa pagtatangkang hanapin ni Juan Preciado ang kanyang amang si Pedro Paramo. Pagmumulto ang pangunahing motif sa buong nobela. Pagdating na pagdating pa lamang ni Juan ay makakasalubong na siya ng isang multong magdadala sa kanya sa mismong bayan ng Comala at doo'y halos ang buong bayan ay pinamumugaran na lamang ng multo. Sa kalagitnaan ng nobela'y tila inihahayag na maging si Juan Preciado'y isang multo. At matatanong kung bakit nga ba nagmumulto ang halos buong bayan ng Comala? At dito papasok ang tauhang si Pedro Paramo. Siya ang naging sentro ng buhay ng buong Comala bilang kanilang don at patron. Kinain ni Pedro Paramo ang kanilang buhay kaya't pagdating sa kamataya'y nanatili silang tali sa Comala, puno ng pighati, galit, pangungulila at iba pa. Kaya kahit na hindi talaga nakilala ni Juan Preciado si Pedro Paramo (patay na si Pedro Paramo nang makarating si Juan Preciado sa Comala), bumalik siya't tila naging multo dahil, tulad ng iba pa, malaking anino si Pedro Paramo maging sa kabilang buhay.

Linggo, Abril 04, 2010

Linggo ng Muling Pagkabuhay

Isang maligayang Linggo ng Muling Pagkabuhay sa inyong lahat. Sa huli kong post, nabanggit ko na ang ilang mga bagay na gusto kong gawin sa bakasyon. Sa post na ito, bilang pagdiriwang sa muling pagkabuhay ni Hesus, iisa-isahin ko ang mga mahahalagang bagay na iyon.

1) Tapusin ang unang isyu ng Tapat. (Tingnan ko kung magkakasalubong kami ni Egay sa Lunes para ayusin na ito.) [ ]
2) Magsulat ng mga maikling kuwento. (May ipinangako akong isang kuwento sa isang kaibigan dagdag pa ang isang kuwentong kasunod sa mga kuwentong isinulat para sa thesis at isang "wala lang, mukhang masaya lang talaga ang ideya" na kuwento. So tatlong kuwento.) [ ]
3) Mag-rebisa ng mga kuwento. (Bukod pa sa mga kuwentong kasama sa thesis, may ilan pa akong mga kuwento na hindi kasama sa thesis na kailangan ding rebisahin.) [ ]
4) Magpasa sa kung saan. (Konektado sa bilang 3, kailangang na muling malathala. Para hindi mawala sa balat ng lupa. :P) [ ]
5) Ayusin ang syllabus. (Dahil magulo pa rin ang aking mga lecture notes at gusto kong magkaroon ng powerpoint lectures para hindi na ako maging dragging. Sana bigyan ako ng load next school year. :D) [ ]
6) Magbasa. (Binili ko, di syempre, kailangang basahin ang mga librong naipon, di ba?) [ ]
7) Magpahinga aka magtamad-tamaran. (Sa tendensiyang maging tamad, mukhang itong bilang 7 ang magawa ko imbes sa unang anim. Huwag naman sana.) [ ]

Babalikan ko ito sa pagtatapos ng bakasyon para sukatin ang sarili ko. Time is money at para umasenso kailangang gumawa. (Sana hindi ko kainin ang sarili kong mga salita.)

Lunes, Marso 22, 2010

Uy, nakapag-update

1.

Dalawang bagay lang naman talaga ang kumain ng aking panahon sa nakalipas na tatlong buwan: pagtuturo at tesis. At madalas ay nasapawan pa ng tesis ang pagtuturo. Mabuti na lang at nakahabol na ako sa pagtsetsek ng mga papel at nakapagpaskil na ng prefinal grade. (Yehey!) Kaya ngayon balik tesis na ako.

2.

Katatapos ko lang magtanggol ng tesis ko noong isang Martes at ngayo'y rerebisa ang inaatupag ko. Okey naman ang naging pagtatanggol. Nakulangan lang ang aking mga mambabasa (salamat ulit sa kanila) sa aking ginawang intro. Hindi ko kasi masyadong nabago ang nauna kong intro para sa proposal. Komento nga e pang proposal ang intro at hindi para sa pagtatanggol. Kaya pinarebisa sa akin. Natapos ko na ito noong Biyernes. Ang inaatupag ko ngayon ay ang editing ng mismong mga kuwento. Madami pa rin kasing mga typo. Paspasan kai ang paggawa. Sana'y matapos ko ang rebisyon sa loob ng linggo. (Sinong gustong magload? :P) Hanggang sa susunod na linggo pa ang deadline ang pasahan pero mabuti na ring tapos na ang mga rebisyon at edit para mga papeles na lang ang kailangan kong atupagin. Basta, ga-graduate ako kahit na hindi ako magmartsa!

3.

Kahapon, bumili kami ni Dad ng DSLR para sa akin. Advance congratulations gift siguro. Basta, hindi porke may DSLR ako, photographer na ako. Nakakatuwa lang at hindi ko na kailangang hiramin ang Nikon D90 ni Mae, pero feeling ko na mas maganda pa rin na camera ang D90 kumpara sa nabili ko. A, basta, may DSLR na ako. Iyon na iyon.

4.

Kaya iyan, hindi ko pa rin feel na magbabakasyon na. Wala pa rin ako sa vacation mode. At wala talaga akong mga plano para sa tag-araw. Maliban sa tapusin na ang sinimulan sa tesis at magsulat ng isang libro. (Umaambisyon.) At pagbabasa ng mga libro. At paglalaro ng videogames. At panonood ng pelikula. At pagtulog. At kumain. Pero siyempre, wetaminit, may TAPAT pa nga pala. At siyempre, pinakahihintay ko rin ang paglabas ng UBOD. At, oo nga pala, boboto nga pala ako. Ang dami palang gagawin sa tag-araw.

Sabado, Pebrero 20, 2010

Excerpt 5

Isang sipi mula sa isang kuwentong bahagi ng thesis. "Isang gabay para sa manga indio tungcol sa manga sacramento at para sa icabubuti nang caloloua upang mapalapit sa Dios Ama, Anac at Espiritu Santo at maabot nang canilang manga caloloua ang Langit" ng pamagat ng kuwento. Nagpapasya pa ako kung paano ko babaybayin ang akdang ito. Gusto ko sanang estilong Espanyol circa Siglo 17 pero baka maging unreadable. Kung circa siglo 19, medyo off pagdating sa petsa ng pagkakasulat ng texto. Sinulat dapat ito ng isang Padre Enrique de la Rosa noong 1680. A, basta. Ulit, may talababa ang kuwentong ito.

Tungcol sa manga anting-anting, at ang tunay na cahulugan nang cruz, nang iconografia, nang Salita nang Dios

Isa sa maraming manga masasamang pamahiin na patuloy na laganap ang pananalig sa manga anting-anting nang manga indio. Hindi cacaunting pagcacataon acong nacaquita nang manga anting-anting na suot nang manga indio at capag naquiquita co ito ay cucunin co agad ang manga ito mula sa canila. Iba’t iba ang hugis at laqui nang manga anting-anting tulad na iba’t iba ang hugis nang manga dahon subali may manga catangian ang manga ito na magcacahauig. Una ay puno ang manga ito nang manga simbolo na pinaniniualaan nilang mayroong macapangyarihan o sinasabi nilang mayroong bisa tulad na lamang na matatagpuan nang cruz ang manga anting-anting dahil naquiquita nang manga indio ito sa manga simbahan. Icalaua ay mayroon din ito nang manga iconografia na inaacala nang manga indio na mucha nang P. Dios Ama, Anac at Espiritu Santo casama na ang mucha nang Virgen at nang manga Santo at Santa at tulad nang manga cruz ay pinaniniualaan nilang may bisa. Icatlo ay may manga letra ang manga anting-anting na nacasulat dito at bagaman muchang uicang Latin o caya ay Castilla subali cung babasahin nang mabuti ay uala itong cabuluhan caya madaling masasabing isang mangmang sa uicang Latin o Castilla. Mapapansing manga pinaghalo-halong manga salita lamang ang manga ito mula sa manga libro nang manga dasal at sa manga nacasulat sa simbahan. Sa paglalarauan na ito,i maquiquita na ginagaya lamang nang manga indio iba,t ibang simbolo na caniyang naquiquita sa paligid lalo na cung pinaniniualaan itong malapit sa pinanggagalingan nang bisa. [23]

Inaacala nila na cung macucuha nila ang manga anting-anting na ito na puno nang manga simbolo na may bisa ay magcacaroon sila nang capangyarihan. At ang pag-aacalang ito ang bibigay sa canila nang capanatagan nang mabuting buhay at ualang masama ang mangyayari sa canila. Caya may ilan ang lumacas ang loob upang lumabag sa batas at gumaua nang iba’t ibang crimen tulad na lamang nang lumaganap ang pagnanacao sa Cabangga. Tatlong bouan na hindi nacatulog ang buong bayan dahil sa pagsalacay nang magnanacao na itong ginagaua ang caniyang crimen sa calaliman nang gabi. Ginagamit niya ang dilim upang hindi madaling mabanaagan at gayoon din ay madali siyang macapasoc sa manga tahanan at macatacas. Malacas ang loob nang magnanacao na ito na maging ang bahay ni Potenciano na isang cabeza at ginagalang na tauo ay caniyang ninacauan. Nahuli lamang siya noong magtalaga nang manga bantay para sa buong bayan at napagtulungan siya nang manga mamamayan na nagsaua na sa caniyang panglalamang. At natagpuan sa caniyang ang isang anting-anting. Isang maliit na tela iyong may lamang itim na buto nang pusa at isang tinuping papel na puno nang manga simbolo, letra at salita na sinasabi niyang nagbibigay sa caniyang nang cacayahang maging anino at maging casing tahimic nang hangin. [24] Subali hindi dahil sa anting-anting caya hindi siya nahuli caagad cung hindi dahil pinili niya ang gabi upang gauin ang caniyang crimen at hindi maicacaila ang caniyang galing bilang magnanacao.

Ang manga anting-anting na ito ay malinao na isang pagbabaluctot sa manga mahal na simbolo nang ating pananampalataya. Caya icao indiong nagbabasa nito, paquitandaan na hindi capangyarihan o bisa ang ibig sabihin nang manga simbolo, letra at salita. Simbolo ang cruz nang paghihirap at sacrificio na ginaua ni Jesucristo upang tubusin ang ating manga casalanan at isa itong simbolo nang pagpapacumbaba at pag-ibig nang Dios Anac at hindi nang Caniyang capangyarihan. Gayoon din ay hindi ginagamit ang iconografia nang Virgen at manga Santo at Santa bilang tanda nang capangyarihan cung hindi bilang tanda at halimbaua nang manga natatanging manga tauo sa casaysayan nang simbahan na nagpaquita nang hindi natitinag na pananampalataya na maaaring sundin nang manga Cristiano. Pagdating naman sa manga salita, lalo na sa manga Salita nang Dios, tunay nga na mayroon itong capangyarihan subali matatagpuan ang capangyarihan nito sa cahulugan nang manga salita halimbaua na lamang sa manga dasal na ating isinasaloob. Hindi lamang natin inuulit-ulit ang manga dasal upang maranig ang alingaongao nang manga salita na bagaman masarap paquinggan lalo na cung ito,i inaauit subali ito ay isang pang-ibabao na catangian lamang nang manga salita. Cailangang isaloob ang manga cahulugan, ang manga aral at utos upang maisabuhay nang tauo ang manga nilalaman nang manga salita. Ito ang tunay na tunguhin nang manga simbolo at salita na cailangang unauain mo, indiong nagbabasa nito. [25]
__________

[23] Noong nasa hayskul ako, binigyan ako ni Dad ng isang anting-anting na minana niya mula kay Lolo. Isa iyong maliit na libro na puno ng mga salitang parang pamilyar pero hindi ko maintindihan. Nang tumanda na ako at nadiskubre ang tinatawag na “research,” sinaliksik ko kung ano ba ang sinasabi ng mga salita sa anting-anting. Iyon pala’y isa iyong libro ng mga dasal sa wikang Latin. Ibinigay ko iyon kay Allie nang magkasakit siya. Kahit na alam ko na ang “misteryo” at “hiwaga” na nakapaloob sa maliit na libro, gusto ko sanang maniwala na may bisa na rin kahit papaano ang anting-anting na iyon. Mula kay Lolo. Mula kay Dad. Mula sa akin.

[24] Naaalala ko tuloy si Diego Dimajuli. Di kaya sa magnanakaw na ito namana ni Diego ang kanyang agimat? Biro ko kay Allie na baka naglakbay sa panahon si Diego at natawa naman siya. Hindi naman ang magnanakaw na ito ang huling gagamit ng isang makapangyarihang bagay para labagin ang batas, legal man o pisikal. Kilala ang mga miyembro ng Samahan ng Diyos Langit, Lupa at Tubig sa paggamit ng anting-anting. At maging ako’y sumalalay sa anting-anting na ibinigay ni Dad sa akin sa pandaraya sa pagsusulit—doon ko isiningit ang kodigo ko. Kaya lang nahuli. Hindi pala kayang gawing inbisible ng anting-anting ko ang kodigo.

[25] Pero nga problema, nagkalat ang mga misyunaryo tulad ni Padre de la Rosa ng mga tanda sa paligid ng mga katutubo gayong hindi nila alam ang ibig sabihin ng mga iyon. Ang solusyon, gumawa ng sariling kahulugan. Ito siguro ang dahilan kung bakit kakaiba ang Katolisismo sa San Gabriel. Dahil may sarili na ritong mga kahulugan na mahirap nang itama o di kaya’y umugat na.

Excerpt 4

Sipi mula sa isang kuwentong bahagi ng thesis. Ang pamagat ng kuwento ay "Walong Leyenda ni Diego Dimajuli" at ito ang isa sa walong leyenda. Ulit, may talababa ang kuwentong ito.

Si Diego at ang Labindalawang Tulisan [7]

Mayroong labindalawang tulisan na kinatatakutan ng lahat. Wala silang sinasanto’t ginagalang. Kanilang ninanakawan ang kung ano mang dumaraang karwahe at kalesa dumaraan sa kanilang teritoryo, hinahila man ang mga ito ng kabayo o kalabaw, pinaglulunanan man ng mayaman o mahirap. Naging malaking problema ang mga tulisan para sa pamahalaang Kastila ngunit hindi mahuli-huli ang mga tulisan na nagtatago sa mga kagubatan at kabundukan.

Isang araw, nagulat na lamang ang mga tulisan nang makabalik sila sa kanilang kampo pagkatapos ng isang matagumpay na panghaharang at pagnanakaw. Natagpuan na lamang nila ang isang lalaking nagpakilalang si Diego Dimajuli na naghihintay sa kanilang pagdating.

“Ano’ng ginagawa mo dito?” tanong ni Manuel Tabas, ang nagsisilbing pinuno ng mga tulisan. Siya ang pinakamalakas at ang pinakamatapang sa kanila.

“Kilala na kayo sa halos buong kapuluan,” simula ni Diego. “Ngunit hindi maganda ang ginagawa ninyo. Kailangan ninyong tigilan ang pagnanakaw sa mga mahihirap. Hindi ba’t sapat na ang pagnanakaw sa mga mayayaman?”

At natawa ang lahat ng mga tulisan sa kanyang sinabi. “At narito ka ba para utusan kami?” tanong ni Manuel.

“Hindi. Narito ako para kumbinsihin kayong naririto tungo sa isang higit na tamang landas,” sagot ni Diego.

“Hindi kami nakikinig sa isang taong hindi namin nasusukat ang pagkatao’t kakayahan,” sabi ni Manuel. “Patunayan mo muna ang iyong galing sa amin at saka kami makikinig sa iyo.”

“At ano ang kailangan kong gawin?” tanong ni Diego.

“Tatlo lamang na pagsubok,” sagot ni Manuel. [8]

“At ano ang mga pagsubok na ito?” tanong ni Diego.

Para sa unang pagsubok, dinala ng mga tulisan si Diego sa tabing-ilog. Doon, sa gitna ng mga naglalakihang mga bato, hinamon ng tulisan na buhatin ang isa sa malalaking bato at ihagis ito sa kabilang pampang. Nagtawanan ang mga tulisan dahil wala naman talaga sa kanilang ang kayang gawin ito. Kaya’t namangha’t nagulat sila nang buhatin ni Diego ang pinakamalaking bato sa tabing-ilog at inihagis sa kabilang pampang. Nginitian sila ni Diego at nagtanong, “At ano ang pangalawang pagsubok?”

Para sa pangalawang pagsubok, sinamahan ng anim na tulisan si Diego at binaybay ang tabing-ilog habang naglakad naman ang iba pang tulisan sa salingat na direksiyon. Nang hindi na halos makita nang bawat grupo ang isa’t isa, binigyan si Diego ng pana at sinabihang kailangan niyang tamaan ang dahon ng sampalok na nakapatong sa ibabaw ng isang bato kung saan naroroon ang kabilang grupo ng mga tulisan. At natawa ulit ang mga tulisan dahil alam nilang wala naman talaga sa kanila ang kayang gawin ang pagsubok na iyon. Kaya’t namangha’t nagulat lamang sila nang pakawalan ni Diego ang pana at tamaan nito ang dahon ng sampalok sa kabilang dulo ng ilog. At sa sobrang lakas ng pagkakatama ng pana, bumaon ito’t nawarak ang batong pinagpapatungan ng dahon ng sampalok. Nginitian ni Diego ang mga tulisan at tinanong, “At ano ang huli ninyong pagsubok?”

Bumalik sila sa kampo ng mga tulisan at doon ibinigay ang huling pagsubok. “Sagot mo ito,” sabi ni Manuel at nagbigay siya ng isang bugtong, “Isang bugtong na bata, hindi mabilang ang diwa.”

Matagal na nag-isip si Diego at tahimik na naghintay ang mga tulisan. Ngunit hindi matagal na naghintay ang mga tulisan dahil ngunit si Diego’t sinabi ang sagot, “Bugtong, bugtong ang sagot sa bugtong na iyan.” [9]

At nakapasa si Diego sa lahat ng mga pagsubok at mula noo’y sa mayayaman na lamang nagnanakaw ang mga tulisan at ibinibigay ang sobra sa mahihirap.
________

[7] Mula sa isang panayam kay Samuel Peñaflor, manunulat at direktor ng anim na pelikula tungkol kay Diego Dimajuli, mga pelikula na naging popular at tumabo sa takilya noong dekada 60 hanggang dekada 80. Kasalukuyan siyang executive producer ng isang serye batay sa buhay ni Diego Dimajuli at na sinimulan noong Pebrero 2002. Nagulat ako nang makakuha kami ng panayam sa kanya. Si Maureen ang nagkakuha noon. Ninong pala niya si Direk Sam. Sa mismong set ng “Ang mga Tagapagtanggol” kami nakipagpanayam sa kanya. Katatapos lamang ng taping nang gawin namin ang panayam. Medyo kinabahan kami kasi ang daming mga artistang nasa paligid namin. Pero mabait naman si Direk Sam at malugod na sinagot ang mga tanong namin. Hindi niya inaaming isa siyang eksperto tungkol kay Diego Dimajuli bagaman nagsaliksik din siya noon para sa kanyang mga pelikula. Unang narinig ang leyenda ni Diego Dimajuli mula sa isang magtataho na nakilala niya noong isang mababang scriptwriter siya para sa LSX Studios noong 1960. Nakagawa na siya noon ng isang iskript para sa isang pelikula pero kinontrata siya na magsulat ng apat pa. At timaan siya ng matinding writer's block. “Marahil sa pressure kaya nagkaganoon,” sabi niya. Noon niya nakilala si Mang Ando, isang magtataho, minsang naninigarilyo siya sa labas ng kaniyang inuupahan noong apartment. Dalawang linggo na siyang nadaraanan ng magtataho't nabebentahan ng taho. Naintriga si Mang Ando sa kanya at tinanong kung ano ang kanyang trabaho. Sinabi nga niyang nagsusulat siya ng pelikula pero wala siyang masulat noon. Dahil naging suki na rin naman siya, nagkuwento si Mang Ando sa kanya ng leyenda ni Diego Dimajuli. “Kasi iyon lang daw ang kuwentong alam niya bukod pa sa kuwento ni Hesus,” sabi ni Direk Sam. At ang leyendang ikinuwento ng magtataho ang naging inspirasyon niya at pinagbatayan ng pangalawa niyang pelikulang pinamagatang “Si Diego at ang Labindalawang Bayani.” Nang kumita ang pelikulang iyon, hinanap muli ni Direk Sam si Mang Ando at binigyan niya ang magtataho ng malaking pabuya. At nang maging matagumpay ang sumunod na mga pelikula niya, binigyan na rin niya si Mang Ando ng bahay at lupa at tinulungang pag-aralin ang mga anak nito. Mga interpretasyon at muling pagsasalaysay ang ginagawa niya sa mga pelikula't palabas at hindi mga matapat na historikal na kuwento. “Mas mura iyon e,” sabi nga niya. Nang gawin niya ang “Si Diego at ang Labindalawang Bayani,” tinangka niyang maging matapat sa historikal na detalye noong buhay pa si Diego Dimajuli pero masyadong at nakauubos ng oras. Kaya ang ginawa niya'y mga pagsasakontemporanyo ng mga kuwento ni Diego Dimajuli. Ito ngang “Ang mga Tagapagtanggol” ay paglalapat ng leyenda ni Diego Dimajuli sa mga gang at iskuwater ng Catalina. Tinanong ko si Direk Sam kung pakiramdam niya'y hindi siya nagiging tapat sa alaala ng isang taong tulad ni Diego Dimajuli. “Hindi naman sa naging tapat ako hindi,” sabi niya, “Binubuhay ko lang ang sa tingin ko’y isang mahalagang bahagi ng kultura natin, ng kasaysayan natin.”

[8] May mga bersiyon na humihiling lamang ng isa o dalawang pagsubok habang may iba naman na humihingi ng apat at mas marami pa. May bersiyong ginawa itong laro at isang walang katapusang pagsubok ang kakaharapin ni Diego hanggang mapagod na ang mga kalahok at tatapusin na lamang ang leyenda sa “At nagtagumpay si Diego sa lahat ng mga pagsubok na iniharap sa kanya at mula noo’y sumunod na ang mga tulisan sa Dakilang Diego Dimajuli.” Ang kalahok na nagbigay ng pinakamaraming pagsubok para kay Diego Dimajuli ang nagwawagi. Kalimitang nilalaro ang bersiyon ng leyendang ito sa mga lamay. Minsan ko nang nalaro ito nang makipaglamay ako sa Cabangga nang mamatay ang ama ng isang katrabaho sa pahayagan noong Mayo 2007. Talong-talo ako sa larong iyon at inabot nga naman kami ng magdamag. Nawala na ako sa bilang ng mga pagsubok na ibinigay kay Diego pagdating ng hating gabi.

[9] Paiba-iba ang bugtong sa iba’t ibang bersiyon ngunit kung ano man ang bugtong ay palagi itong nasasagot ni Diego.

Biyernes, Pebrero 05, 2010

Ilang Patalastas Pampanitikan

1. Dumaguete/Silliman National Writers Workshop

The Silliman University National Writers Workshop is now accepting applications for the 49th National Writers Workshop to be held 3-21 May 2010 in Dumaguete City.

This Writers Workshop is offering fifteen fellowships to promising young writers who would like a chance to hone their craft and refine their style. Fellows will be provided housing, a modest stipend, and a subsidy to partially defray costs of their transportation.

To be considered, applicants should submit manuscripts in English on or before 19 March 2010 (seven to ten poems; or three to five short stories; or three to five creative non-fiction essays). Manuscripts should be submitted in hard copy and on CD, preferably in MS Word, together with a resume, a recommendation letter from a literature professor or a writer of national standing, a notarized certification that the works are original, and two 2X2 ID pictures.

Send all applications or requests for information to Department of English and Literature, attention Dr. Evelyn F. Mascuñana, Chair, Silliman University, 6200 Dumaguete City.

2.Lumbay ng Dila

Genevieve L. Asenjo will be launching her first novel, Lumbay ng Dila, on February 19, 2010 at 2 p.m. at Ariston Estrada Seminar Room, LS Bldg., De La Salle University, Manila . Published by C & E Publishing, Inc. for the Academic Publications Office of De La Salle University, the launching is co-sponsored by the Bienvenido N. Santos Creative Writing Center and the Department of Literature.

The synopsis says: Siya si Sadyah Zapanta Lopez. Apo ng dating Assemblyman ng Antique na inakusahang mastermind sa Guinsang-an Bridge Massacre noong 1984, anak nina Kumander Pusa at Kumander Rafflesia ng Coronacion "Kumander Waling-Waling" Chiva Command ng Central Panay . Sundan ang paghahanap niya ng katotohanan mula Antique, Iloilo, Manila, Naga, at Bangkok kasama sina Stephen Chua, Ishmael Onos, at Priya Iyer.

Cirilo F.Bautista in his blurb notes: “Ang nobelang ito ay patunay sa malikhaing diwa at malalim na kakayahan ni Genevieve Asenjo. Isang pambihirang akda.”

Asenjo is the author of Komposo ni Dandansoy (collection of short stories in Hiligaynon and Filipino, UST Press, 2007), Pula ang Kulay ng Text Message (collection of poetry in Kinaray-a and Filipino, University of San Agustin Press , 2006), taga-uma@manila kag iban pa nga pakipagsapalaran (collection of short stories in Kinaray-a, NCCA, 2005). She holds a Ph.D. in Literature (with High Distinction and Outstanding Dissertation award) from De La Salle University Manila where she is Assistant Professor. She was awarded Centennial Model Iskolar ng Bayan Awardee of UP Visayas-Iloilo (BA Literature 2000). Her works have won awards from Don Carlos Palanca Awards for Literature and the Komisyon ng Wikang Filipino. She serves at the panel of the IYAS National Creative Writing Workshop in Bacolod City and in the San Agustin Writers Workshop in Iloilo City. She was 2009 Overseas Writing Fellow in Seoul, South Korea. RSVP: 524-4611 loc.541/0917-581-1979.

3. Likhaan Journal 4

• For its fourth issue, Likhaan: the journal of Contemporary Philippine Literature 4, will accept submissions in the following genres, in both English and Filipino:

• Short stories ranging from about 12 to 30 pages double-spaced, in 11-12 points Times New Roman, New York, Palatino, Book Antiqua, Arial or some such standard font. (A suite of short pieces will be considered.)

• A suite of four to seven poems, out of which the editors might choose three to five. (Long poems will be considered in lieu of a suite.)

• Creative nonfiction (essays, memoirs, profiles, etc.), subject to the same length limitations as short stories (see above).

• Critical/ scholarly essays, subject to the same length limitations as short stories (see above).

• Excerpts from graphic novels, or full short graphic stories, for reproduction in black and white on no more than 10 printed pages, 6” x 9”. (Excerpts should be accompanied by a synopsis of the full narrative.)

• All submissions must be original, and previously unpublished.

• All submissions must be accompanied by a biographical sketch (no more than one or two short paragraphs) of the author, including contact information (address, telephone number, E-mail address).

• Submissions may be E-mailed to likhaanjournal4@gmail.com as Rich Text Format (.rtf) files, or posted to The Editors, Likhaan Journal, UP Institute of Creative Writing, Rizal Hall, University of the Philippines, Diliman, Quezon City, 1101.

• All submissions should be received (whether by E-mail or post) no later than April 30, 2010.

• Submissions which do not follow page and format requirements will be disqualified.

• All submissions will undergo a strict pre-screening and blind refereeing process by the editors, and a panel of referees composed of eminent writers and critics from within and outside the University of the Philippines.

• Writers whose work will be accepted for publication will receive a substantial cash payment and a copy of the published journal.

• The editors reserve the right to edit any and all materials accepted for publication.

• The editors may also solicit or commission special, non-refereed articles outside the aforementioned genres and categories to enhance the editorial content and balance of the journal.

• Please direct any and all inquiries to the editors at likhaanjournal4@gmail.com

Huwebes, Pebrero 04, 2010

Rebyu: Wizard of the Crow

Mapagsiwalat at isinisiwalat ng nobelang ito ni Ngugi wa Thiong’o ang absurdong kalagayan ng buhay sa ilalim ng diktadurya. Umiikot kay Kamiti, kinuha niya ang pagkatao ng isang witch doctor na nagngangalang Wizard of the Crow upang makatakas sa awtoridad, subalit kinailangan niyang akuin ang responsibilidad na ito upang tulungan ang mga mamamayang naghahanap ng lunas sa kanilang pang-araw-araw na problema. At sa sobrang laki ng naipon niyang impluwensiya, lumapit maging ang mismong diktadurya sa kanya upang tulungan ito sa problema nito sa mga rebelde at nambabatikos na mga elemento.

Mapapansin ang oral na katangian ng nobela. Madalas gamitin ang kapangyarihan ng sabi-sabi at iba’t ibang bersyon ng iisang pangyayari para makabuo ng isang mas buong paglalarawan at pagsasalaysay. Binibigyan ng kapangyarihan ng oralidad ng naratibo na bagaman fantastiko ang marami sa mga pangyayari ay totoo ito dahil nagmumula ito sa kamalayan ng nakararami. At paniniwala ng nakararami ang humuhubog sa realidad. Kaya mahalaga ang itong folk/popular na kamalayan na ito dahil kahit na anong gawing represyon o pagbabaluktot ng isang mapaniil na estado ay mayroong sariling opinyon at pananaw pa rin ang mga taumbayan at taliwas sa itinakda ng estado. Gayundin, mahalaga ang oral na katangian ng nobela dahil ipinakikita dito ang kawalan ng kontrol ng estado sa ganoong uri ng pagkalat ng impormasyon. Na bagaman kayang bayaran at kontrolin ang mass media tulad ng dyaryo at TV, hinding-hindi makokontrol ang dila at tainga.

Isinisiwalat din ng nobela ang relasyong postkolonyal ng mga lumayang bansa sa mga bansang dating colonial masters nila. At malinaw na bagaman kinakabit ang nasyonalistikong retorika ang mga gawain at proyekto ng mga postkolonyal na estado, sunod-sunoran pa rin sila sa mga dating amo hindi lamang dahil sa lumang “pagtingala” sa mga ito kundi pati na rin sa kalagayan ng mga dating amo bilang mayayaman at makakapangyarihan. Kaya’t bagaman siya ang pinakamakapangyarihan sa buong Aburiria, ang kinathang bansa na matatagpuan sa Aprika, kahihiyan at kahinaan ang nararamdaman ng Ruler ng Aburiria dahil, una, isa siyang relikya ng isang lumipas na panahon, at, pangalawa, kailangan niyang magpakababa para makuha ang pera at pabor na nagmumula sa mga dating amo. At bagaman kayang pilitin at batikusin ng mga dating amo ang dati nitong mga alagang bansa na maging higit na demokratiko, sa katotohanan ay wala silang kapangyarihan upang ipatupad ang ganoong pagbabago dahil (maliban kung sakuping muli ang postkolonyal na bansa at sapilitang ipataw ang demokrasya tulad ng ginawa sa Iraq) wala naman talaga sa kanila ang kapangyarihan at maging ang karapatan upang bigyan ng laya ang ibang tao. Tanging ang mamamayan lamang ng Aburiria ang kayang magpalaya sa sarili nito. At bagaman sa dulo ng lahat ay nagkaroon ng bagong diktador ang Aburiria, mababanaagan ang patuloy at walang katapusang laban sa pagitan ng estado at taumbayan. Dahil lagi’t laging may limitasyon ang kapangyarihan ng estado at tila walang katapusan at walang hangganan ang salita’t kuwentong paulit-ulit na binibigkas.

Sabado, Enero 23, 2010

Updates at Ilang Tala ng mga Nabasang Libro

1.

Oo, natutuwa ako tungkol sa huli kong post. Pero alam ko na noon pang isang buwan pero ayoko lang na ipagpalandakan gayong wala pa ngang press release. Pero nae-excite din ako ngayong nagbigay na ako ng cover image. Nakita ko yung ginawang cover spread ni Sir Joseph at maganda ang naging resulta. Kung wala akong thesis baka naglalakad na ako sa langit ngayon. Hay. Oo nga pala, may thesis pa ako. "Paglalayag Habang Naggagala ang Hilaga at Iba Pang Kuwento" ang pamagat ng aking chapbook. Post na lang ulit ako sa susunod tungkol sa launch details kapag meron na.

Anyway, heto ang ilang tala tungkol sa ilang mga nabasang libro. Noong isang taon pa ito. Ngayon lang nagkaoras (at lakas) para magsulat ng ilang mga pangungusap tungkol doon.

2. The Savage Detectives

Mahaba-haba itong nobela ni Roberto Bolaño pero hindi maikakaila ang halina ng prosa niya. Tungkol sa grupong “visceral realism” partikular ang mga unang nagpundar nito, sina Arturo Belano at Ulises Lima, binubuo ang buong nobela ng mga tagni-tagning salaysay ng iba’t ibang taong nakasalamuha nina Belano at Lima. Walang partikular na banghay ang nobela at ang tangi lamang talagang nag-uugnay sa buong nobela ay ang mga pangunahin nitong mga tauhan. Pero bagaman mga pangunahin silang mga tauhan, nananatiling misteryoso ang kanilang pagkatao dahil isinasalaysay ang buong nobela sa punto de bista ng ibang mga tao.

Ewan ko ba pero ngayong tapos ko na ang pagbabasa ng nobelang ito, gusto kong matawa sa pagdadrama nito tungkol sa buhay ng mga manunulat. Bagaman ipinapakita ng nobela ang mga manunulat sa iba’t ibang pinanggalingang uri at politika, halos nagkakaisa ang lahat sa pagtatangi sa gawain ng pagsulat at sa mga manunulat. Na wala naman talagang pinagkaiba ang lahat ng manunulat dahil pare-pareho lang nilang itinatangi ang sarili nila at kung ano man ang pinagkaiba nila ay pang-ibabaw lamang. Kaya ang paghahanap ng “tunay” na panitikan o “tunay” na tula ay isang quixotic na paglalakbay, tulad ng paghahanap na tinahak nina Belano, Lima at Madero sa disyerto ng Sonora para sa paghahanap kay Cesarea Tinajero.

3. (H)ISTORYADOR(A)

Isang kakaibang nobela ang (H)ISTORYADOR(A) ni Vim Nadera. Hindi ito realista, malinaw iyon. Tulad ng pagpansin ni Rolando Tolentino sa “Sipat at Kultura” kung saan binigyang-pansin niya ang “Prologo/Epilogo” ng nobelang ito na inilathala sa kalipunang “Kuwentong Siyudad,” kumakapit ang nobela sa antas ng datos upang bigyan ng “laman” ang kabuuan nitong tensiyon. Hindi talaga gumagalaw ang buong nobela sa banghay kundi sa diyalogo. Pero dahil nasa anyo ng diyalogo ang karamihan ng historikal na datos, nagmumukha itong tsismis na pinagpapasa-pasa ng mga tauhan sa isa’t isa o sa mambabasa na parang tsismoso na nakikinig sa kanilang kuwentuhan. At kapag sinabi kong tsismis, hindi ibig sabihin ay masama iyon. Marahil itong pagbababa sa historikal na kaalaman ay kailangang gawing tsismis upang bigyan ito ng isang personal na dimensiyon di tulad ng ibang mga historikal na datos na nakukunwari/nagmumukhang apolitikal/obhektibo. Pero sa (H)ISTORYADOR(A), hindi obhektibo ang kasaysayan. Mayroon tayong taya sa nakaraan at dahil dito mahalagang iugnay ito sa ngayon upang bigyang-daan ang isang kinabukasan.

Miyerkules, Enero 20, 2010

UBOD New Authors Named

UBOD New Authors Named

The National Commission for Culture and the Arts (NCCA) and the Ateneo Institute for Literary Arts and Practices (AILAP) have finalized the list of accepted new authors for the project entitled UBOD: The New Authors Series II. This creative endeavor had its first inception back in 2005, when the chapbooks of forty (40) new authors from different parts of the country were launched at the Cultural Center of the Philippines.

For this year, fourteen (14) authors from different regions were chosen to have their literary works published as chapbooks. These new authors are: Sherma Espino Benosa (Short story, Iluko), Aida Campos Tiama (Poetry, Iluko), Christoffer Mitch Cerda (Short Story, Tagalog), Mar Anthony Simon dela Cruz (Short Story, Tagalog), Marlon Hacla (Poetry, Tagalog), Francisco Arias Montesena (Poetry, Tagalog), Jerome Hipolito (Poetry, Bikol), Adrian V. Remodo (Poetry, Bikol), Jay Gallera Malaga (Poetry, Hiligaynon), JV Perez (Short Story, Hiligaynon), Leonilo Lopido (Poetry, Waray), Phil Harold Mercurio (Poetry, Waray), Janis Claire B. Salvacion (Poetry, Waray), and Noel P. Tuazon (Poetry, Binisaya-Sugbuanon).

The authors were selected by a prestigious pool of readers/editors/translators and themselves, accomplished writers, such as, Cles Rambaud, Eli Rueda Guieb III, Michael M. Coroza, Kristian S. Cordero, Timothy R. Montes, John Iremil Teodoro and Merlie M. Alunan. Dr. Soledad Reyes will be the general editor of the collection. Details on the launching of the chapbooks are to follow.

For inquiries, please contact the AILAP Director and UBOD Project Coordinator, Ms. Christine Bellen, at telephone number 426-6001 local 5320, or email csbellen@yahoo.com.

Martes, Enero 12, 2010

IYAS 2010 Call for Applications

Erratum: Nakalimutang ilagay na maaaring magpasa ng mga lahok sa wikang Ingles/English

Be One of the 15 Fellows!
10th IYAS Creative Writing Workshop
April 25-May 01, 2010
University of St. La Salle, Bacolod City

• Applicants should submit original work: either 6 poems, 2 short stories, or 2 one-act play using a pseudonym, in five (5) computer-encoded copies of entries; font size 12, bound or fastened, in separate folders, and soft copies in a CD (MSWord).
• These are to be accompanied by a sealed size 10 business envelope with the author’s real name and pseudonym, a 2x2 ID photo, and short resume, which must be mailed on or before March 12, 2010.
• Entries in Cebuano, Hiligaynon, Kinaray-a, Tagalog, or Filipino may be submitted. Fellowships are awarded by genre and by language.
• The grant covers board and lodging and a partial transportation subsidy.

PANELISTS

Prof. John Iremil Teodoro Dr. Genevieve L. Asenjo
Dr. Elsa Coscolluela Dr. Dinah Roma-Sianturi
Dr. D.M.Reyes Dr. Anthony Tan

Submit your Application to
glofuentes2003@yahoo.com
Dr. Gloria Fuentes
Assistant Vice Chancellor for Academics Affair
University of St. La Salle, La Salle Avenue, Bacolod City

Biyernes, Enero 01, 2010

2010

Naging mabunga naman ang nakalipas na 2009 para sa akin. Nakapasa na sa compre at nasimulan na ang thesis (matapos kaya? hahaha). Patuloy na natututo habang nagtuturo. Nakatulong sa paghahanda't pagdaraos ng 9th ANWW. Kahit na kung ano-anong mga kalamidad ang tumama sa Pinas, pakiramdam ko'y naging mabuti naman ang lahat. At sa tingin ko, magiging maganda pa kumpara sa 2009 ang 2010 lalo't maraming nakahanda mangyari. Sana'y mangyari nga ang mga ipinaplano tulad ng pagtapos ng thesis at pagdaraos ng 10th ANWW sa Bikol. At sana maraming mga bagay na hindi inaasahan pero mabuti ang mangyayari sa 2010.