Linggo, Pebrero 24, 2008

Tumatalon

1.

Pinanood ko ang "Jumper" kanina. Okey lang siya na pelikula. Para sa akin, madaming mga tanong na hindi lubos na sinagot ng pelikula. (Baka nais ng mga producer ng isang bagong series.) Hindi ko alam kung ano nga ba talaga ang scope ng labanan sa pagitan ng mga Paladin at mga Jumper. Marami rin ang mga problema sa naratibo. Kamangha-mangha ang special effects para sa mga teleportation sequence pero kaunti lang talaga yung sobrang kamangha-mangha, tulad ng eksena ng malaking bus at ng kotse. Overall, isa siyang okey na action movie.

2.

Kakabukas noong isang linggo ang "the 12 senses" na installation art exhibit sa Ateneo. Nang una kong makitang itinatayo ang mga iyon sa quad sa pagitan ng Soc Sci at Dela Costa, una kong iniisip ay gagawin nilang playground ang Ateneo. Ang tingkad kasi ng kulay na ginamit para sa mga pieces. Medyo hindi bagay sa boring na kulay ng kaligiran ng Ateneo. And lo and behold, ginawa nga nilang playground ang Ateneo! Puno ang quad ng mga interactive na installation. Para ka nga talagang naglalaro. May sungka pa nga e. Sa simula parang, "Ano iyan?" ang reaksiyon mo. Pero pagkalipas at nagsimula ka nang "makipag-interact" sa mga installation, natuwa na rin naman ako. Cute.

Walang komento: