1.
Pinanood ko ang "Endo" noong Linggo. Medyo weird na mapanood ang isang kaklaseng hindi mo madalas napapanood na umarte. Maganda ang pelikula. Simple lang ang buong istorya pero malakas ang dating. Hindi napakamadrama ang pelikula. Syempre may iyakan pero kering-keri naman. May eksenang over the top (yung sa dulo nang magkita sina Tanya at Leo pagkatapos ibalik ni Leo ang kanyang celphone sa dating girlfriend) pero, dahil napakamatimpi sa pagpapakita ng damdamin ang mga tauhan at ang buong pelikula, mababagabag ka talaga kaya okey lang yun. Tapos ang ironic noong ending. Magaling si Ina dito. Napangiti ako nang sabihin ng kanyang tauhan na magaling siyang sumayaw. Magaling din si Jason Abalos.
2.
Sale ngayon sa National Bookstore. Kaya nakabili ako ng murang kopya ng "Invisible Cities" ni Italo Calvino. Tuwang-tuwa ako dito ngayon. Mas gusto ko ito kaysa sa "if on a winter's night a traveller". Pero may kahawig na pagtalakay ang dalawang nobelang ito ni Calvino tungkol sa kakayahan ng pagkukuwentong abalahin ang buhay ng mga nakikinig/nagbabasa. Pagdating sa technique, mas madaming ginawa ang "if on a winter's night a traveller" pero mas matindi ang lirisismo ng "Invisible Cities" at nakakaapekto ang nostalgia ng buong nobela. Maikli lang ito, kaya mukhang matatapos ito ngayong araw.
3.
Pero siyempre, hindi dapat kalimutang basahin ang "Sun" ni Michael Palmer.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento