Pina-photocopy ko kanina ang "Banaag at Sikat" ni Lope K. Santos at "Ninay" ni Pedro Paterno sa library. Maikli lang ang "Ninay" pero ang HABA ng "Banaag at Sikat". Ang haba pa ng pila sa mga photocopy machines. Dapat sa Filipiniana ko pinakopya ang "Banaag" pero nasira makina doon kaya lumabas pa ako. Dalawa lang ito sa mga nobelang babasahin ko. Mukhang maganda na gumawa ako listahan. May tatlo pa akong ipapa-photocopy.
[x] Origins and Rise of the Filipino Novel (May kopya sa UP!)
[x] Rise of the Novel: Chapters 1 and 2 (mula sa lib)
[x] Urbana at Feliza (galing www.gutenberg.org)
[x] Dona Perfecta (galing ding www.gutenberg.org)
[x] Ninay (galing lib, inilimbag ng La Salle pero wala daw doon sabi ng kapatid ko)
[ ] Noli Me Tangere
[x] Banaag at Sikat (galing lib at ang pinakamahaba)
[x] Pinaglahuan (may kopya sa ateneo press)
[ ] Nena at Neneng
[x] Sugat ng Alaala (galing ding ateneo press, bago pang kopya 2006 na reprint)
[ ] Ang Pagkamulat ni Magdalena
Bakit kaya walang kopya ng karamihan ng librong iyan sa mga bookstores? Nakakapanghinayang pa namang magpa-photocopy. Tapos ang haba-haba pa ng mga pila panahong itong nagsisimula pa lang ang semestre. Gusto ko ng tunay na libro! Hay.
Miyerkules, Hunyo 28, 2006
Sabado, Hunyo 24, 2006
Hearthrob ng Canossa
Sobrang nakakatawa nito, kailangan kong i-share sa inyo ito.
May isang 1st year student ang lumapit sa kapatid kong si Marol:
Estudyante: Hi, anong pangalan mo?
Marol: Ah, Marol.
Estudyante: Marol? Yung HEARTHROB NG CANOSSA?
HAHAHA! Iba na talaga ang Cerda! :D Kaya ngayon ang bagong palayaw namin kay Marol ay "hearthrob".

Huwebes, Hunyo 22, 2006
And So, It Begins
May tatlo akong klase ngayon para sa unang sem ko sa M.A. at marami akong babasahin (duh). Unang pasasalamatan ang Fil 201, Teorya at Kritisismong Pamnatikan sa ilalim ni Dr. Benilda Santos. Marami akong babasahing mga artikulo lalo na mula sa Norton Anthology of Theory and Criticism, gusto ko itong tawaging "The Big Blue Book."
At ang pangalawang mabigat na babasahin, at ang pinakamarami, ang Fil 205.3, Araling Heneriko: Nobelang Tagalog sa ilalim ni Sir Vim Yapan. Oo, nobela ang babasahin namin, siyam. "Dona Perfecta" ni B. Perez Galdos, "Ninay" ni Pedro Paterno, "Urbana at Feliza," "Noli Me Tangere" na salin ni Patricio Mariano, "Ang Kasaysayan ng Magkapatid na Nena at Neneng," "Banaag at Sikat" ni Lope K. Santos, "Pinaglahuan" ni Faustino Aguilar, "Sugat ng Alaala" ni Lazaro Francisco, at "Pagmulat ni Magdalena" ni Alejandro G. Abadilla. Wala pa diyan yung babasahin naming teoretikal at historikal na analisis. "Binawasan" na nga iyon ni Sir Vim, i.e. pinalitan ng mas maikli likha ang mas mahaba. Nakatoka sa akin ang "Pagmulat ni Magdalena" pero required kaming basahin ang lahat. Masasarapan ako ngayon sa pagsusunog ng kilay. Pero meron naman daw na reading break.
Mukhang hindi ganoong kabigat ang babasahin para sa Fil 200, Pamaraan sa Pagsasaliksik sa ilalim ni Sir Jerry Respeto. Hindi pa naibibigay ni Sir Jerry ang reading list pero, tantiya ko, mas kaunti ito. Ang mahirap sa klaseng ito ay ang mock first draft ng thesis. Pero kaya ito nang kaunting sipag. Ewan ko nga lang kung may matitira pa mula sa unang dalawa.

Lunes, Hunyo 19, 2006
Isa pang Unang Araw
Bukas na ang simula ng klase sa Ateneo at unang araw ko sa pagiging M.A. student. Excited na ako pero hapon pa ang klase ko. Mabuti na lang at narito na ako sa condo (hindi pa rin ako lumilipat ng lugar) at mukhang mas marami ako masusulat habang narito sa QC. Ewan ko ba, masyado akong komportable sa bahay at wala akong natatapos. Ilang minuto lang ang lumipas nang dumating ako dito, nagsusulat na agad ako. Weird. Nakakaasar lang at hindi ko nadala yung USB cord ng iPOD ko, hindi ko tuloy ma-access ang mga files ko: yung mga kuwentong sinusulat ko tapos yung mga dinownload kong pelikula (Princess Mononoke at Spirited Away). Sisimulan ko na lang siguro yung mga nasa isip ko't hindi pa sinisimulan o yung nasimulan ko pero uulitin ko. Bahala na. Relax-relax na lang muna habang hindi pa mabigat ang load ko. Sabi ni Sir Vim mabigat daw ang mag-M.A. Sana hindi naman ganoong kabigat.
Linggo, Hunyo 11, 2006
Bakit Wala (o Bihira) ang mga Car Chases sa Filipinas
Nakautuwa ang mga TV shows tungkol sa car chase. Yung mga tipong may pamagat na "Wild Car Chases 14!" Pero nakapagtataka, sa daming mga krimen na nangyayari sa Filipinas, bakit bihira ang mga car chases dito? Sa natatandaan ko, isa lang ang car chase ang napanood ko sa balita sa TV sa tanang buhay ko. At ito, sa tingin ko, ang dalawang pangunahing dahilan:
1) Pulis
Mahirap mahabol dito ng mga pulis dahil madali lang silang itaboy. Kapag pinara ka ng pulis, kalimita'y madali lang aregluhin kaya hindi natakbo ang mga motorista. Kung may nagawa ka ring paglabag sa batas, pagminsan ay hindi pa pinapansin ng pulis dahil pipitsugin ang hitsura ng kotse mo. Hindi kagaya sa USA at sa ibang mga bansa sa Europa na bihira ang krimen. Traffic violent lang, hahabulin ka talaga ng mga iyan dahil bagot na bagot ang mga iyan sa kawalan ng krimen.
2) Traffic
Bihira sa Metro Manila ang mga maluluwag na kalsada. Kung magkakahabulan, wala pang isang bloke e hulika na dahil sa traffic. Mas maganda pa ang tsansa mo sa pagtakbo sa pasikot-sikot ng mga eskenita kaysa magmaneho sa Maynila. Kaya mataas ang habulan sa LA dahil maluwag at malalaki ang mga highway dun. Mahirap namang makipaghabulan sa probinsiya, kung hindi lubak-lubak, hindi patag o kaya'y wala pang kalsada. Magtago ka na lang sa gubat kung gusto mong makalayo sa autoridad.

Sabado, Hunyo 10, 2006
Master Reg
Nag-enroll na nga pala ako kahapon para sa MA Lit-Fil. Kinuha ko ang Fil 200, sa pagtuturo ni Sir Jerry Respeto, Fil 201, sa pagtuturo ni Dr. Benilda Santos at Fil 203.something (nakalimutan ko), sa pagtuturo ni Sir Vim Yapan. Hindi ko na kinuhayung Pagsasalin.
Hindi ko nga inaasahang makukuha ko ang klaseng Nobelang Tagalog (Fil 203.something) ni Sir Vim kasi ang nakalagay sa on-line sched ng ADMU ay Tuesdays siya. Conflict iyon sa Fil 200. Pero ang nakalagay sa listhan ng Kagawaran ay Thursdays. Kaya kinuha ko siya. Wala namang sinabi ang mga checkers nung nag-enroll ako. Sinisigurado nila na walang conflicts di ba? Hindi ko ngayon matingnan ang sched gamit ang internet kasi may enrollment pero inaasahan kong mas tama ang listhan ng Kagawaran.

Biyernes, Hunyo 09, 2006
Writing Fun / Writing Frustration
Sa nakalipas na tatlong buwan, hindi pa ako nakakatapos ng kuwento. Not that I'm not trying. Nakakainis lang. Puros false starts at dead ends, dahil sa marahil sa hilaw na mga ideya. Mula noong graduation, meron akong labing limang mga simula (nagsusulat ako sa computer, hindi ako sanay sa longhand), karamihan ay isang talata o kaya'y isang eksena ngunit ang nakapanghihinayang yung mga dalawa hanggang apat na pahina (single spaced, kapag nagpi-print na ako dun ko ginagawang doble spaced) na tumitigil sa gitna dahil hindi maganda ang kuwento, maganda ang ideya pero hindi maganda ang kuwento.
Sa nakalipas na linggo akala mapupunta naman sa wala ang dalawang kuwentong sinusulat ko. Tinigil ko na talaga ang pagsusulat ng isa noong nakalipas na linggo, hindi ko mabanaagan ang katapusan, hindi pa ako satisfied sa simula. Yung isa naman, 2/3 na ako sa naiisip kong banghay nang magbago ang isip ko tungkol sa narrator, ang panget ng narrator. Ang bawat kuwento halos apat na pahina na bawat isa. Frustrating kung itatapon ko na naman sa kawalan ng "Unfinished" folder ko ang mga kuwento.
Ngunit ang maganda nakaisip ako ng magandang resolusyon at pagbabago sa bawat kuwento. Hindi pa ako sigurado kung magiging maganda ang kuwento pero napakasaya na makalampas sa mga nakakainis na pagtigil. Yung unang kuwento magbabago ng setting at tauhan ngunit ganoon pa rin tinatamasa kong effect at tone. Kaya hindi ko na magagamit ang mga naisulat ko bagaman marami ako natutuhan sa unfinished draft na iyon sa bagong simulang gagawin ko. Yung pangalawa naman, babaguhin ko yung banghay. Kaya ganun din, hindi ko magagamit ang karamihan ng mga naisulat ko. Ang maganda naman, magagamit ko ang ilang mga vignette na naisulat ko na hiwalay sa main story. (Medyo weird ang forma ng kuwentong ito.)
Kaya ayon, kahit na halos magsisimula ulit ako, maganda naman na nagkaroon na ng bagong developments at motivated na motivated na ako sa pagsusulat ng mga kuwentong. Inaasahan kong magiging magandang mga kuwento ang mga sinusulat ko. Pero ganun naman talaga, maganda ang lahat ng kuwento para sa akin. Pero nagbabago na standards ko. Kaya siguro hindi ako makatapos ng kuwento. Pero excited na akong simulan ang mga kuwentong ito. Para masimulan ko na yung iba pang 13.

Sabado, Hunyo 03, 2006
"O, nabuhay ang gago!"
Kahapon, papunta si Daddy sa Binangonan kaya sinama niya sa biyahe para ibaba sa Ateneo para kunin ang letter mula sa Graduate Services. Natanggap ako pero inaasahan ko na iyon dahil sinabi sa akin ni Sir Vim nung kausapin ko siya na mukhang maganda naman daw ang resulta ng entrance ko. Kaya ito, provisional student ako ng MA Lit Fil sa darating na first sem. Kailangan kong ipasa ang una kong sem at tapusin ang hinihinging requirements bago ako maging degree student. Madali lang ayusin yung mga requirement, yung ipasa ang una kong sem ang nakakatakot.
Kaya ngayon, medyo kinakabahan na ako. Ibang nibel na ito! Ilang daang libro kaya ang babasahin ko? Pero kaya ito, kaya. Next week, babalik ako sa Ateneo para sa enrollment at iba pa. Tiningnan ko na nga ang mga maaari kong makuhang mga klase sa ADMU website. Si Sir Jerry Respeto ang guro sa Fil 200 at si Ma'am Benilda Santos ang sa Fil 201. Yun lang. Excited, kinakabahan, natatakot, nai-insecure sa mangyayari.
Pag-uwi kahapon, sinama ni Daddy si Lola mula Binangonan. Kaya narito siya ngayon, magpapalipas ng weekend dito sa San Pablo.

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)