Kung kailan walang ginagawa, doon tinatamad sa pagsusulat sa bolg na ito. Kapag hapit sa gawain, doon ako nagugustuhang magsulat. Kakaiba talaga.
Sa nakalipas na Simanasanta, wala lang. Yung pangkaraniwang ginagawa namin, Visita Iglesia at panood ng prusisyon sa Binangonan. Asar lang, noong wala kami sa San Pablo at nasa Binangonan, lumayas ang isa naming katulong at ninakawan kami. Sa totoo ako lang, hindi ko kasi dinala ang pitaka ko. Nakuhanan pa ng 300 piso.
Adik ako sa Rome: Total War. Nilalaro ko sa laptop ko pero hindi ganoon ka kaya ng laptop ang teknolohiya ng videogame. Astig siya. Wala lang.
Kakatapos ko lang basahin ang "Contracting Colonialism" ni Vicente Rafael. Nakakapanghinayang at hindi ko siya nagamit para sa papel ko sa Filipino. Nakatulong sana. Maganda siya. Isa siyang postcolonial na pag-intindi sa kolonyalismong Espanyol sa Pilipinas. Masayang gawan ng report.
Bukas nga pala ang graduation ni Marol mula sa mababang paaralan. Kagaya ng dati, ako na naman ang cameraman. Anim daw ang "sabit," award para sa mga hindi promdi diyan. Nakakatuwang salita.
Ano pa ba? Gusto kong magsulat ng maikling kuwento pero tinamad ako. Ngunit pipilitin kong gawin. Mahirap managinip ng mga kuwento.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento