Nakakatuwa ang pinanood naming pelikula para sa Polsci. Isang dokumentary -slash- educational film tungkol sa eleksiyon sa Pilipinas. Sombrang kengkoy pero seryoso rin. Ewan. Basta. Magaling ang pagkakagawa. Binigyang halaga lang talaga niya ang mga mahahalagang bahagi ng kasaysayan ayon sa tradisyon ng eleksiyon. Masaya. dami akong natutunan.
Natapos na rin namin ang unang set ng mga babasahin. Dapat noong isang linggo natapos ito pero naging mahahaba ang mga talakayan. Magsisimula na kaming mag-workshop sa mga sinulat ng klase na mga kuwento. Karamihan ay "morbid," ayon nga kay Edlyn. Bakit kaya? Foreshadowing ba ng isang madugong talakayan? Abangan na lang natin.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento