Nagsimula na noong Huwebes ang unang klase ng tag-init. Mukhang magiging masaya/nakakatuwa ang susunod na limang linggo.
POS 100 (Polsci) ang una kong klase araw-araw, tuwing 1030 ng umaga hanggang 1200 ng tanghali. Ok din ang oras. Hindi nakakapuyat. Mukhang ok naman ang klaseng ito. Marami akong kakilala na kaklase roon, sina Ina, K, Javie at Edlyn. Marami na iyon. Medyo mahina nga lang ang boses ni Gng. Jamie-Lao o marahil ganoon ang boses niya dahil sa kuwarto. Mukha kasing pareho ang pagkakagawa ng JGSOM sa CTC kaya mukhang nakuha rin ng kuwarto ang kanipisan ng dingding. (Naalala ko nga pala, kailangan ko pang magbasa ng mga babasahin.)
FA 106 (Fiction) ang pangalawa at huli kong klase araw-araw, tuwing 300 hanggang 430 ng hapon. Marami-rami ang mga kaklase ko sa klaseng ito, mga siyam kami. Ok na rin. Kasama ko sina Jay at Hanniel sa Fiction. Ang dami naming mga babasahin. Ok lang. Kakayanin. Kaya siguro may reputasyon na mahirap si Sir Egay. Hindi ako nagrereklamo, namamangha lang.
Sa isang di mahalagang sandali, nakahanap ako ng kopya ng 'East, West' ni Salman Rushdie. Ang saya. Matagal ko nang hinahanap ang librong ito. Wala lang.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento