Puno ng problema't pagkakainisan ang registration ngayong summer classes. Ngunit wala akong masasabi. Kahit na nahuli ang enlistment ng not-required ng isang araw. Naroon ako sa hintayan, mula 1 hanggang 5 ng hapon. Marami sa mga nakasabay ko sa linyang iyon sa labas ng CTC 106 ay nayamot at nagrereklamo ng kung ano-ano mula sa galit (sana naman hindi n'yo na kami pinaghintay ng ganito katagal) hanggang sa mababaw (sana nasa beach pa ako ngayon).
Pero sa gitna ng mga reklamong iyon, sa gitna ng mga masusungit na mga mukha, nakayanan ko pang ngumiti sa aking pag-uwi. Ewan ko kung bakit. Dahil siguro sa priority stub na nakuha ko bilang isang regalo sa aking pasensiya. Dahil siguro sa mga nakakatuwang mga mukha ng kayamutan ng mga nakasama ko sa linya. O marahil ganoon lang kasi ako, may mahabang pasensiya.
Isang beses, tatlong oras akong naghintay sa para sa wala ngunit hindi man lang ako nayamot o nagalit. Kagaya ng sinabi ko kanina, hindi ko alam kung bakit ako ganoon. Kaya magkukuwento na lang ako ng unang araw ng registration.
Nagkita kami ni Jay at kinuwento niya sa akin ang mga kamalasang nangyari sa kanya. Binudburan ng marami malas si Jay. Nabulilyasong scholarship, nagkamaling damit dahil sa ipinataw na dress code, at mga yao't ito sa pagitan ng Ateneo at dorm niya. Nakakatuwang paking ang kanyang karanasan. Kung mangyari sa akin iyon, baka mayamot rin ako. Pero matatawa ako sa sarili ko pagkatapos marahil ng ilang araw.
Kagaya ng sinabi ko, nagkaroon ng hintayan para sa non-required. Sa kalagitnaan ay mayroong isang babaeng pinansin ng mga taga-regcom dahil nasuot siya ng isang sleeveless na pang-itaas, spaghetti sa totoo lang. Pinagsabihan siya na hindi sa dapat nakasuot ng ganoon, ginagamit kasi ang dress code ng JGSOM. Sabi naman ng babae, "Kung hindi pwede, bakit ako nakapasok kanina para sa required?" Hiya namang sinabi ng taga-regcom, "Nakalusot ka." Pero pinagpilatan talaga ng taga-regcom na magpalit babae. Kaya ginawa na lang ng babae ay kinuha niya ang kanyang dala-dalang skirt at binalot niya sa kanyang balikat, para takpan ang "exposed skin."
Sampung minuto bago mag-5 ng hapon, 5 ang oras ng pagsasara ng regcom, nag-crash ulit ang server nila. Wala lang. Pinapakita nito na hindi na talaga ako makakatapos ng araw na iyon. Binibiro ako ng tadhana pero nakikitawa ako.
Bakit ko kinuwento iyon? Para mawala sa isipan ko ang nakakapagod na paghihintay at lokohin ko ang sarili ko na hindi na sayang ang aking oras. Marahil mayroon "mas mahalagang gagawin" ngunit hindi ibig sabihin noon ay hindi mahalaga ang bawat sandali.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento