Miyerkules, Abril 27, 2005

Putsa! Ang Init!

Ngayong nakapagreklamo na ako sa tungkol sa init ng panahon, diretso sa pangyayari ngayong araw. Sa klase sa Polsci, bumaba kami sa SEC field para "makilala" ang mga NGO na tinutulungan at sinusuportahan ng Ateneo, ang Gawad Kalinga at Pathways. Sa totoo lang, alam ko na ang mga org na ito. Sa daming mga TV program at news article na pinag-uusapan ang GK, paano ko pa ba naman masasabi na "ano?" tungkol doon. Pathways naman ay pinaggawan ko na ng report sa Newswriting noong nakalipas na sem. Pero ok lang. Nakakaasar la yung init.

Nagiging gawain ko na na tumambay na lang sa lib imbes na umuwi sa condo. Wala lang. Binabasa ko ang nobela/thesis ni Sir Alvin sa Filipiniana. Naghahanap rin siguro ako ng inspirasyon. At saka malamig din naman sa lib.

Sa Fiction ay nanood muna kami ng pelikula. Ang "Bad Education" ni Pedro Almodovar. Maganda ang pagbubuo at paglalahad ng kuwento. Mula iba't ibang punto de bista na naglalahad sa iba't ibang mahahalagang bahagi ng kuwento't banghay. Kaya may kalagayan ng pagkabuo ang kuwento. Medyo gay nga lang siya para sa aking panglasa.

notas: nakakalipad pala talaga ang Airbus A380. gusto kong makasakay sa loob noon.

Walang komento: