Sa aking pagsakay ng elevator, maynakasabay akong mga yaya kasama ang kanilang mga alaga. Kapansin-pansin ang isang bata habang buhat ng kanyang yaya. Nakatitig kasi sa akin. Hindi lamang isang tingin. Titig talaga. Halos lumabas ang mga mata ng bata mula sa mga lalagyan nito. Hindi man lang siya kumurap.
Nakakatuwa dahil hindi ito ang unang beses na nangyari sa akin ito. Noong 3rd year high school ako, nakasakay ako sa isang dyip. Kasama ko ang ilang mga Senior pabalik sa pinagdadausan ng Division Press Conference. Sa harap ko ay nakaupo ang isang ina, kalong-kalong ang kanyang anak. Hula ko, mga 6 hanggang 10 buwang gulang ang bata. Kagaya ng nangyari ngayong 2005, tinitigan rin ako ng bata iyon sa dyip. Hindi rin halos kumurap ang bata. Taimtim na nakatitig sa aking mukha. Syempre, nginitian ko lang ang bata. Inaasahan ko sanang ngingiti rin siya. Pero hindi tumitig lang sa akin. Hindi nagbago ang kanyang mala-zombie na pagtingin. Tumigil lamang ang bata sa pagtingin sa aking mukha tuwing titingin naman sa aking mga kamay. Tutungo siya ng kaunti tapos balik sa mukha.
Napansin ang pagtitig sa akin ng bata sa dyip ng katabi kong si Renard, kasama kong Senior. Nakitawa na lang siya sa akin. Sandaling tumingin yung bata kay Renard sa aming pagtawa. Pero bumalik din kaagad sa akin yung atensiyon niya. Nakatitig siya sa akin hanggang bumaba kami sa tapat ng paaralan.
Nakakatuwa ang mga tingin na 'yon. Ano bang meron ang aking mukha para na lamang titigan ng ganoon? Pogi ba ako? Meron ba akong charisma? Ewan. Basta nakakatuwa.
Biyernes, Abril 29, 2005
Kakaibang mga Hayop
Anak ng zebra at donkey at mga sumasabog na mga palaka. Kakaiba talaga. Nakakatuwang kuwnto ang una. Kay gandang paghahalo ng mga species. Pero mga sumasabog na mga palaka? Magandang materyal para sa isang kuwento. Ano bang nangyayari sa mga hayop ng mundo?
Huwebes, Abril 28, 2005
Sweating Bullets
Hay. Napunta ako sa hotseat kanina sa Fiction. Nagsimula na kami sa aming workshop at... dyaran... aking kuwento ang nauna mula sa siyam na iba pa. Wala akong masabi. Nanginginig ako. Hindi dahil sa mga sinabi ng mga kaklase ko at ni Sir, kinakabahan lang talaga ako.
Mukhang naintindihan naman ang kuwento. Madali lang naman i-decypher ang kuwento't ang mga simbolo nito. Nagpapasalamat ako't binigyan ni Sir ng tuon ang mga "rough spots" ng aking kuwento. Mas lalo ko nang mapapaganda ang aking kuwento dahil sa mga komentong mga iyon. Kalimitan ay madaldal ako sa mga workshop pero hindi ngayon dahil nga aking kuwento ang pinag-uusapan. Pasensiya sana kung medyo magiging matalas o masakit ang mga masasabi ko. Ganun lang talaga ako.

Miyerkules, Abril 27, 2005
Putsa! Ang Init!
Ngayong nakapagreklamo na ako sa tungkol sa init ng panahon, diretso sa pangyayari ngayong araw. Sa klase sa Polsci, bumaba kami sa SEC field para "makilala" ang mga NGO na tinutulungan at sinusuportahan ng Ateneo, ang Gawad Kalinga at Pathways. Sa totoo lang, alam ko na ang mga org na ito. Sa daming mga TV program at news article na pinag-uusapan ang GK, paano ko pa ba naman masasabi na "ano?" tungkol doon. Pathways naman ay pinaggawan ko na ng report sa Newswriting noong nakalipas na sem. Pero ok lang. Nakakaasar la yung init.
Nagiging gawain ko na na tumambay na lang sa lib imbes na umuwi sa condo. Wala lang. Binabasa ko ang nobela/thesis ni Sir Alvin sa Filipiniana. Naghahanap rin siguro ako ng inspirasyon. At saka malamig din naman sa lib.
Sa Fiction ay nanood muna kami ng pelikula. Ang "Bad Education" ni Pedro Almodovar. Maganda ang pagbubuo at paglalahad ng kuwento. Mula iba't ibang punto de bista na naglalahad sa iba't ibang mahahalagang bahagi ng kuwento't banghay. Kaya may kalagayan ng pagkabuo ang kuwento. Medyo gay nga lang siya para sa aking panglasa.
notas: nakakalipad pala talaga ang Airbus A380. gusto kong makasakay sa loob noon.

Martes, Abril 26, 2005
Bakit ba wala akong maisip na title ngayon?
Nakakatuwa ang pinanood naming pelikula para sa Polsci. Isang dokumentary -slash- educational film tungkol sa eleksiyon sa Pilipinas. Sombrang kengkoy pero seryoso rin. Ewan. Basta. Magaling ang pagkakagawa. Binigyang halaga lang talaga niya ang mga mahahalagang bahagi ng kasaysayan ayon sa tradisyon ng eleksiyon. Masaya. dami akong natutunan.
Natapos na rin namin ang unang set ng mga babasahin. Dapat noong isang linggo natapos ito pero naging mahahaba ang mga talakayan. Magsisimula na kaming mag-workshop sa mga sinulat ng klase na mga kuwento. Karamihan ay "morbid," ayon nga kay Edlyn. Bakit kaya? Foreshadowing ba ng isang madugong talakayan? Abangan na lang natin.

Sabado, Abril 23, 2005
Pagtatapos ng Unang Siyam na Araw ng Summer Classes
Belated Happy Birthday kina Aina at Raj!
***
Kagaya ng sinabi ni Jay sa klase namin sa fiction, "Ang bilis." At mabilis nga naman talaga ang daloy ng mga klase tuwing summer. Kakatapos lang namin sa POS ng unang mahabang pagsusulit at malapit na naming pag-usapan ang mga ginawang maiikling katha sa Fiction.
Nakakatuwa nga pala si Sir Egay. Palagi niya kaming pinaaalalahanan na palaging magsulat. Palagi. Araw-araw tuwing klase. "Nakaka-inspire," ayon kay Kae. Pero mas nababagay siguro ang nakaka-motivate. Kaya ayon. Magsusulat pa ako.

Linggo, Abril 17, 2005
Sa Unang mga Klase ng Tag-init
Nagsimula na noong Huwebes ang unang klase ng tag-init. Mukhang magiging masaya/nakakatuwa ang susunod na limang linggo.
POS 100 (Polsci) ang una kong klase araw-araw, tuwing 1030 ng umaga hanggang 1200 ng tanghali. Ok din ang oras. Hindi nakakapuyat. Mukhang ok naman ang klaseng ito. Marami akong kakilala na kaklase roon, sina Ina, K, Javie at Edlyn. Marami na iyon. Medyo mahina nga lang ang boses ni Gng. Jamie-Lao o marahil ganoon ang boses niya dahil sa kuwarto. Mukha kasing pareho ang pagkakagawa ng JGSOM sa CTC kaya mukhang nakuha rin ng kuwarto ang kanipisan ng dingding. (Naalala ko nga pala, kailangan ko pang magbasa ng mga babasahin.)
FA 106 (Fiction) ang pangalawa at huli kong klase araw-araw, tuwing 300 hanggang 430 ng hapon. Marami-rami ang mga kaklase ko sa klaseng ito, mga siyam kami. Ok na rin. Kasama ko sina Jay at Hanniel sa Fiction. Ang dami naming mga babasahin. Ok lang. Kakayanin. Kaya siguro may reputasyon na mahirap si Sir Egay. Hindi ako nagrereklamo, namamangha lang.
Sa isang di mahalagang sandali, nakahanap ako ng kopya ng 'East, West' ni Salman Rushdie. Ang saya. Matagal ko nang hinahanap ang librong ito. Wala lang.

Miyerkules, Abril 13, 2005
Dahil Ako'y Isang Masayahing Tao
Puno ng problema't pagkakainisan ang registration ngayong summer classes. Ngunit wala akong masasabi. Kahit na nahuli ang enlistment ng not-required ng isang araw. Naroon ako sa hintayan, mula 1 hanggang 5 ng hapon. Marami sa mga nakasabay ko sa linyang iyon sa labas ng CTC 106 ay nayamot at nagrereklamo ng kung ano-ano mula sa galit (sana naman hindi n'yo na kami pinaghintay ng ganito katagal) hanggang sa mababaw (sana nasa beach pa ako ngayon).
Pero sa gitna ng mga reklamong iyon, sa gitna ng mga masusungit na mga mukha, nakayanan ko pang ngumiti sa aking pag-uwi. Ewan ko kung bakit. Dahil siguro sa priority stub na nakuha ko bilang isang regalo sa aking pasensiya. Dahil siguro sa mga nakakatuwang mga mukha ng kayamutan ng mga nakasama ko sa linya. O marahil ganoon lang kasi ako, may mahabang pasensiya.
Isang beses, tatlong oras akong naghintay sa para sa wala ngunit hindi man lang ako nayamot o nagalit. Kagaya ng sinabi ko kanina, hindi ko alam kung bakit ako ganoon. Kaya magkukuwento na lang ako ng unang araw ng registration.
Nagkita kami ni Jay at kinuwento niya sa akin ang mga kamalasang nangyari sa kanya. Binudburan ng marami malas si Jay. Nabulilyasong scholarship, nagkamaling damit dahil sa ipinataw na dress code, at mga yao't ito sa pagitan ng Ateneo at dorm niya. Nakakatuwang paking ang kanyang karanasan. Kung mangyari sa akin iyon, baka mayamot rin ako. Pero matatawa ako sa sarili ko pagkatapos marahil ng ilang araw.
Kagaya ng sinabi ko, nagkaroon ng hintayan para sa non-required. Sa kalagitnaan ay mayroong isang babaeng pinansin ng mga taga-regcom dahil nasuot siya ng isang sleeveless na pang-itaas, spaghetti sa totoo lang. Pinagsabihan siya na hindi sa dapat nakasuot ng ganoon, ginagamit kasi ang dress code ng JGSOM. Sabi naman ng babae, "Kung hindi pwede, bakit ako nakapasok kanina para sa required?" Hiya namang sinabi ng taga-regcom, "Nakalusot ka." Pero pinagpilatan talaga ng taga-regcom na magpalit babae. Kaya ginawa na lang ng babae ay kinuha niya ang kanyang dala-dalang skirt at binalot niya sa kanyang balikat, para takpan ang "exposed skin."
Sampung minuto bago mag-5 ng hapon, 5 ang oras ng pagsasara ng regcom, nag-crash ulit ang server nila. Wala lang. Pinapakita nito na hindi na talaga ako makakatapos ng araw na iyon. Binibiro ako ng tadhana pero nakikitawa ako.
Bakit ko kinuwento iyon? Para mawala sa isipan ko ang nakakapagod na paghihintay at lokohin ko ang sarili ko na hindi na sayang ang aking oras. Marahil mayroon "mas mahalagang gagawin" ngunit hindi ibig sabihin noon ay hindi mahalaga ang bawat sandali.

Lunes, Abril 04, 2005
Biyernes, Abril 01, 2005
Update lang...
Kung kailan walang ginagawa, doon tinatamad sa pagsusulat sa bolg na ito. Kapag hapit sa gawain, doon ako nagugustuhang magsulat. Kakaiba talaga.
Sa nakalipas na Simanasanta, wala lang. Yung pangkaraniwang ginagawa namin, Visita Iglesia at panood ng prusisyon sa Binangonan. Asar lang, noong wala kami sa San Pablo at nasa Binangonan, lumayas ang isa naming katulong at ninakawan kami. Sa totoo ako lang, hindi ko kasi dinala ang pitaka ko. Nakuhanan pa ng 300 piso.
Adik ako sa Rome: Total War. Nilalaro ko sa laptop ko pero hindi ganoon ka kaya ng laptop ang teknolohiya ng videogame. Astig siya. Wala lang.
Kakatapos ko lang basahin ang "Contracting Colonialism" ni Vicente Rafael. Nakakapanghinayang at hindi ko siya nagamit para sa papel ko sa Filipino. Nakatulong sana. Maganda siya. Isa siyang postcolonial na pag-intindi sa kolonyalismong Espanyol sa Pilipinas. Masayang gawan ng report.
Bukas nga pala ang graduation ni Marol mula sa mababang paaralan. Kagaya ng dati, ako na naman ang cameraman. Anim daw ang "sabit," award para sa mga hindi promdi diyan. Nakakatuwang salita.
Ano pa ba? Gusto kong magsulat ng maikling kuwento pero tinamad ako. Ngunit pipilitin kong gawin. Mahirap managinip ng mga kuwento.

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)