Pinanood ko ang pelikulang "National Treasure" noong Lunes. Hindi ito isang engrandeng pelikula kumpara sa "Alexander," na gusto ko ring panoorin. Mukhang itong isang pampamilyang pelikula na seryoso na hindi. Basta.
Hindi naman napakaganda ng pelikula pero hindi rin naman ganoong kapangit. Parang "Van Helsing" na puno ng aksiyon pero may tangang kuwento. Hindi ko na pag-uusapan ang kuwento dahil wala namang magandang pag-uusapan dahil napakanasyonalistang Estados Unidos ang paksa. Bakit nasa Amerika ang "kayamanan" na iyon?
Nalabuan ako sa koneksiyon ng Knights Templar at Freemasons. Katolikong Freemasons? Ang labo noon a. Baka mabatukan ni Fr. Arcilla ang mga nagsulat noong script.
At ang kanilang pagsasalita, hay naku. Buong buhay ko wala pa akong narinig na magsalita ng ganoong Ingles na pinagsasalita ni Nicholas Cage habang nilulutas niya ang mga bugtong. Mas papanoorin at pakikinggan ko pa ang Ingles ni Shakespeare imbes na makinig sa Ingles ng "National Treasure."
Maganda lang talaga sa pelikulang ito sa production values niya at kay Diane Kruger. (Hehe.) May ilang nakakatuwang sandali pero isa itong napakalabong pelikula na masayang panoorin para lang pampalipas ng oras.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
1 komento:
punta tayo states. tapos hanapin natin.
Mag-post ng isang Komento