Maraming namamasko dito sa San Pablo. May mga bata (at mga matanda?) na naggagala at dumaan sa bawat bahay. May iba na dayo pa mula sa mga kabilang bayan. Ang karamihan ay napunta naman talaga sa mga ninong at ninang nila ngunit ang karamihan ay sumasamantala lamang sa panahong ito.
Kaya hindi maiwasan ang nang yari noong umaga ng Pasko. Dumating ang sina Mom at Dad mula sa clinic dahil mayroong pasyente ng mga 6 ng umaga. Nang dumating sila ay nadatnan nila ang ilang mga batang namamasko at nahingi ng Aguinaldo. Dahil Pasko nga, binigyan ni Dad ang mga bata ng bagong bago at crispy na bente pesos. Natuwa naman ang mga bata.
Ngunit dinagtagal ay mayroon pang dumating na ibang mga bata. Namamasko rin. Binigyan at umalis. At may dumating pa. At binigyan. Hindi nagtagal, dinagsa na ang tapat ng bahay. Isang malaking hukbo ng mga nahingi ng Aguinaldo ay nagsiksikan sa kalsada. Sa sobrang dami ng tao noon ay hindi na makadaan ang mga kotse. Pati na nga ang mga matatanda ay nakisali na rin sa paghingi ng pera mula kay Dad. Malugod namang binibigyan ni Dad ang mga bata at matatanda. Magulo. Nagsisigawan. Mabuti hindi nag-riot.
Hindi naman ang lahat ng dumayo ay hindi namin kakilala. May mga inaanak sa binyag nina Mom at Dad ang dumating sa bahay. Madami din silang inaanak sa binyag. Hukbo din. Mabuti na nga lang at yung iba ay matanda-tanda na rin kaya hindi na nagpupunta ng madalas.
Bakit binibigyan, hindi naman kakilala? Ewan. Masaya kasi. Makita mo ang mga ngiti ng halos isang daang tao, sinong tatanggi doon. Kung may ngiti ang binibigyan, may ngiti rin ang namimigay.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento