Hindi. Hindi ako naaresto. Hindi rin ako nasangkot sa isang malawakang drug bust. Kinailangan kong pumunta sa isang presinto para sa aking takdang-aralin sa Newswriting.
Pumunta ako sa Camp General Thomas Karingal, himpilan ng Central Police District. Nasa Sikatuna Village siya, hindi kalayuan sa Katipunan. Pero dahil promdi ako, hindi ko alam iyon. Sumakay ako ng taxi papunta doon.
Syempre, unang beses kong pumunta doon, hindi ko alam kung saan makikita ang kanilang Police Blather. Kaunting tanong sa officer na nakabantay sa tarangkahan, pumunta ako sa CIU, Crime Investigation Unit. (Parang CSI)
Masyado rin siguro ang panonood ko ng CSI at ng iba pang crime/police show galing Amerika kaya medyo nakakalungkot na hindi aircon ang gusali. Ok lang. May TV naman sila.
Nilapitan ko ang officer na nasa reception desk at tinanong kung saan ko makikita ang kanilang blather. Kaunting "interogation," ay pinaupo muna ako sa isang tabi dahil nagsusulat pa siya ng pangyayari doon blather. Kaya naupo muna ako sa isang tabi at nanood muna ng kanilang TV doon.
Nasa Studio23 unang TV. Ang palabas ay isang pelikula. "Alex Bongcayao Brigade." (Tama ba ang spelling?) Medyo ironic iyon. Isang pelikula tungkol sa isang rebeldeng grupo na pumapatay ng pulis ay pinapalabas sa isang presinto, sa loob pa ng isa pang HQ pa nila. Sa isa sa mga eksena ay may pinatay na pulis noong sumakay siya sa kanyang kotse. Sa isang eksena naman ay nasa tapat pa ng simbahan pinagbabaril ang isang pulis. Napangiti lang ako.
Hinitay kong matapos ang officer sa kanyang pagsusulat sa blather. Mukhang dumating ako sa isang kakaibang sandali. Mayroon kasing naghihintay doon kasama ko. Ano kayang kriminalidad ang nangyari?
Pagkatapos ng kaunting paghihintay ay ipinahiram na sa akin ang blather. Namangha ako sa mga nangyayari. Ang dami pa lang mga taong nakikitang patay o pinapatay sa Quezon.
Kailangan ko lang kumuha ng dalawang pangyayari pero sinigurado ko na. Kumuha ako ng tatlong kakaibang mga pangyayari. Isang nakawan sa isang pawnshop, isang patayan sa isang subdivision, at sa isang shot out sa pagitan ng pulis at mga suspek ang aking mga pinili. Ok din ano.
Pagkatapos noon, kaunting pasasalamat sa mga tumulong doon sa akin at ako ay umalis na.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
3 komento:
ano yung blather?
Yung blather yung record ng mga pulis tungkol sa mga nangyari. Parang diary.
Mag-post ng isang Komento