Medyo biglaan. Tinext ako noong Miyerkules, gusto daw akong makita ni Xander. "Bakit kaya?" tanong ko sa sarili ko. Yun pala, kailangan ng isang representante ang Fine Arts para sa intercession sa Pagbabasbas ng Dela Costa. Ha? Bakit ako? Kasi walang pwede. Puro may klase ang mga Fine Arts, lalo na si Yumi na coure rep. Bakit may klase kayo?!
Hindi ako napilitan, napag-isipan ko na wala na talagang makukuha kaya tinanggap ko na ang responsibilidad. (Tunog napilitan pa rin e.) Kaya iyon, pumunta ako sa Pagbabasbas, gumawa ng sarili kong dedikasyon at intensiyon.
Kinakabahan pa naman ako tapos napapalibutan pa ako ng napakadaming mga guro. Nakakahiya. Tapos, hindi rin pala ako kinailangan. Hindi kasi nakasama sa program ang Fine Arts Program pagkarating sa bahaging iyon. (Hay salamat...) Ang ginawa ko na lang ay tumulong sa pagbubuhat ng regalo o offering, isang music video, isang stage/set model, isang literary folio, isang mural, at ang FA logo. Ayon.
Ano ang masasabi ko sa buong pagbabasbas? Medyo boring si Fr. Nebres at doon lang ako nakakita ng napakadaming guro sa iisang lugar. Nakita ko sina Fr. Dacanay, Sir Miroy, Sir Vince, Sir Alvin, Sir Coroza (na pinuna ang aking pag-absent noong Sabado. Sorry sir!), Ma'am Ada, Sir Rofel, Sir April, Sir Jerry, at iba pa. (Ang dami talaga.)
Gusto ko sanang makikain pero nahiya ako.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
1 komento:
haha.. ako pa sinisi mo? nyahahaha.. so walang nagdasal for fine arts? salbahe, bakit di kasama fine arts sa program? gumawa pa naman ako ng prayer. hirap mag-isip ng malalim na prayer para sa fine arts!! wahahah..
Mag-post ng isang Komento