Isang pelikula tungkol sa isang Heneral na gustong gumawa ng pelikula. Doon umiikot ang pelikulang "Also Starring Pancho Villa As Himself." Pero hindi lamang ito isang pagtingin sa Heneral Pancho Villa, na ginampanan ni Antonio Banderas, isa din itong pagtingin sa isang Estados Unidos at Mexico na nagtatambalan para maimpluwensiyahan ang isa't isa.
Bilang isang larawan ng isang kakaibang Heneral, marahil hindi ito isang pantay na pagtingin sa buhay ni Pancho Villa. Sa paggawa ng pelikula sa loob ng pelikula, mismong buhay ni Pancho Villa ay binago ng studio. Hindi ko malaman kung isang nga bang dakila o sira ulo si Pancho Villa. Iyon nga siguro ang punto ng pelikula tungkol kay Pancho Villa, hindi siya sira ulo o dakila, isa rin lamang isang tao na naipit sa kanyang kalakihan.
Sa kabilang dako ng ay ang producer na si Francis Thayer, na ginampanan ni Eion Bailey. Naatasan para gawin ang pelikula ni Pancho Villa, hindi lamang niya nabago ang mundo ng pelikula, binago rin niya ang opinyon at polisiya ng Estados Unidos tungo sa Mexico.
Hindi ko alam kung ano nga ba ang tunay na pagkatao ni Francis Thayer. Isa ba siyang patas na tauhan para husgahan si Pancho Villa o isang producer na gustong baguhin ang mundo ng pelikula na namulatan sa katotohanan ng rebolusyon?
Maganda ang special effects at make-up ng pelikula. Ang dumi talaga ni Antonio Banderas. Ang mahal siguro ng pelikulang ito kahit na pang-TV lang siya.
Maganda siyang pelikula. Magulo at madugo, kagaya ng panahon noon. Kulang lang ng kaunti sa character development pero hindi mo masisisi ang pelikula dahil halos wala nang nakakatanda kay Pancho Villa. Mahirap ding maging patas kung sa simula pa lang ay hindi na patas ang kasaysayan.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento