Nag-iinternet ako kanina at may nag-Ym sa akin. Hulaan niyo kung sino? Si Carla! Hehe. Ang saya. Matagal na ring hindi ko siya nakakausap. Ito yung usapan namin:
sleepingleb: mitch!!!!!!!!!!
fatguyisme_2000: hello
sleepingleb: >:D< <-- (she gave me a hug...)
sleepingleb: msta na?
fatguyisme_2000: eto, kakagising lang
fatguyisme_2000: (:
sleepingleb: tagal mo ata natulog?
fatguyisme_2000: hindi
sleepingleb: ako kanina pa nagnenet, gawa ng profile para kay neil gaiman <-- (sana nagising ako ng maaga...)
fatguyisme_2000: huli na akong natulog
fatguyisme_2000: para saan?
sleepingleb: sa eng 2
sleepingleb: report writing paper namin
fatguyisme_2000: ah
fatguyisme_2000: ok
sleepingleb: kaw? what ya doin?
fatguyisme_2000: internet lang
fatguyisme_2000: browse, browse
sleepingleb: buti ka pa
fatguyisme_2000: hindi nga ako datap nag-iinternet eh ;)
sleepingleb: may exam ka?
fatguyisme_2000: wala
sleepingleb: ano dapat ginagawa mo ngayon?
fatguyisme_2000: pero napaka-demanding ng mga teacher
fatguyisme_2000: nagbabasa
sleepingleb: ah
fatguyisme_2000: ng mga texts at readings
fatguyisme_2000: so anong nalaman mong bago tungkol kay gaiman?
sleepingleb: na xa ay pinanganak nong nov 10 1960
fatguyisme_2000: aaaahh :D
sleepingleb: hanap naman ako ngayon ng reports
sleepingleb: alam ko na. magbigay ka nga ng mahirap n word na may madaling kapalit
fatguyisme_2000: walang mahirap word, may mga salita lang na hindi ka sanay :D
fatguyisme_2000: yun ang sa tingin ko
sleepingleb: hindi ganito, technical words na lang na pdeng ma-explain in lay man's term
fatguyisme_2000: kagaya ng? magbigay ka ng technical word.
sleepingleb: la nga ako maisip
fatguyisme_2000: sodium chloride = salt <-- (nerd!)
fatguyisme_2000: hehehe
sleepingleb: tama, pde nga naman un
sleepingleb: bigay ka pa. nagana utak mo e, sakin hindi na. kanina pa ko nagnenet, 3 hours straight, mamaya minamigraine na naman ako
fatguyisme_2000: hehe, wala na rin akong maisip. :D
sleepingleb: sige, kakain na kami mayamaya
sleepingleb: salamat ha
fatguyisme_2000: ok
sleepingleb: buti rin nakausap kita, tagal na rin no? <-- (aah, she missed me...)
fatguyisme_2000: yup
sleepingleb: cge mitch bye~
fatguyisme_2000: ingat
Mundane, I know. Pero sino ang may pakialam? Ako lang!
Pagtapos kong mag-internet ay tinapos ko ang pagbasa sa nobelang The Plague ni Albert Camus. Maganda siyang libro. Patungkol siya sa pagkalat ng plague sa bayan ng Oran. At dahil dito, sinarado at hiniwalay ang lungsod mula labas at ang labas mula sa loob. Umiikot ang mga pangyayari sa aklat tungkol sa paglaban at pagbabago ng mga tao dahil sa mga panglaganap ng nakamamatay na sakit. Magaling ang tagapagsalaysay sa paglalabas ng mga damdamin gamit lamang ng mga paglalarawan ng mga galaw at gawa, ng mga bagay at lugar, at paghahambing. Isang magandang halimbawa ng dramaticized limited third-person point-of-view. Magaling ang technique ni Camus. Nararapat na nakamtan niya ang premyong Nobel para sa Panitikan.
Nakakatuwa talaga ang Teolohiya. Habang tumatagal ay nakikita ko na ang galing ni Fr. Dacanay sa pagtuturo. Kahit na mahirap makakuha ng mataas na marka mula sa kanya, ok lang. Sulit naman. Pero dahil nga kilala na hindi siya mataas magbigay ng marka, tuwang-tuwa rin ako kanina dahil sa pagkakakuha namin ng 4 para sa papel namin sa fundamental option. Nakakatuwa. Kahit may gagawin pa ako mamaya, masasabi kong ito ay isang napakagandang araw. Masaya.
2 komento:
Wow...may pang-intriga na kay mitch! :P Joke
Anong intriga? Inaamin ko naman ah.
Mag-post ng isang Komento