Astig ang I Robot. Maganda ang special effects at witty ang script. Memorable ang mga tauhan lalo na ang robot na si Sonny. Kalimutan nyo na si R2D2 at C3PO, Sonny is the man! At si Will Smith ay palaging magiging si Will Smith at sa tingin ko bagay rin naman siya sa role na iyon. Nagbibigay siya ng kaunting comic relief para hindi masyadong mapaisip ang mga manonood.
Alam mo na kung ano ang msnyayari, ang maganda ay ang mga plot twist. Bakit ganoon ang nangyari sa mga robot? Sino ba talaga ang may gawa? Akala mo alam mo na yun pala hindi. Ayokong sabihin, baka may makabasa nitong hindi pa nakakapanood. Pero medyo mahirap sundan ang plot. Patalon-talon ng kaunti pero ok lang. Nagana naman.
Maganda siya. Kung marami ka nang napanood na mga pelikula tungkol sa mga robot, pangkaraniwan na rin ang kuwento ngunit dahil kakaiba ang delivery at presentation ng paksa, maiingganyo ka pa rin.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento