Kakapanood ko lang ng King Arthur kanina sa Glorietta 4. Ok din siya. Medyo historical. Isang posibleng pinanggagalingan ng alamat. Pero sana gumawa muna ng documentary para mas makaka-relate ang mga tao.
Hindi maganda ang pacing ng pelikula. Masyadong nagbigay diin sa mga Knights at hindi masydong napagbigyan ng pansin ang setting at background ng pelikula. Stereotipo ang mga contrabidang Saxon pero inaasahan na iyon. Mas maganda sana na mas naipakita ang pagiging barbaro nila. Hindi rin ganoon kaprominente ang mga kalaban. Puros sa mga tambol lamang sila nagiging parte ng mga eksena. Hindi gaanong nakakapagbigay ng suspensa. Hindi masyadong nabigyan ng halaga ang tensiyon.
Ngunit maganda naman ang mga labanan at astig ang mga costume. Magaling ang Roman armor at Sarmatian armor na suot-suot ng mga Knights. Maganda din ang cinematography niya. Talagang nakatutok sa aksiyon at labanan. Sayang lang. Sana napaganda pa yung kuwento at nailabas pa ng mas maigi ang mga motivation ng ilang importanteng tauhan kagaya ni Guinevere. So ganun-ganun lang na napaibig siya kay Arthur? Weird.
Nakita ko nga pala ang Slapshock kanina sa Tower Records. Nagbabayad ako noon para sa mga VCD na napili ko. Nakakatuwa ang reaksiyon ng staff na nasa bayaran. Biglang lumaki ang kanyang mata habang pumasok ang banda. Mukhang may signing ata sila. Hindi ko na napansin kasi hindi bumaba sa music section nila.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento