Natalo kanina ang LA Lakers laban sa Detroit Pistons kaninang umaga, 68-88. Ginanap ang laban sa Detroit. Nakakatuwa dahil talagang hindi makadiskarte ang LA. Masikip at mabusisi ang depensa ng Pistons laban sa Lakers. Hindi makapuntos sina Kobe, Gary, Shaq at Karl. Sa sobrang nawalan ng pag-asa ang LA, nilabas na talaga ang mga starters sa huling dalawang minuto. Astig! Kung sa tutuusin, dapat ang LA ang nananalo dito sa seryeng ito pero pinapatunayan ng Detroit na hindi star power ang kailangan upang manalo kundi tibay ng loob at depensa.
Sa kabilang banda naman, parang naging isang mistulang laro ang canvassing ng mga balota ng Kongreso at Senado. Example dito ay nang magtanghalian ang mga mayorya sa Senado at natira na lamang ay ang dalawang Opposisyon na senador, sina Tito Sotto at Nene Pimentel at dalawang Administrasyon na senador, sina Kiko Pangilinan at Juan Flavier. Nang kailangan nang aprubahan ang canvassing ng isang balot box, nagkaroon ng patas na bilang pero isinama pa rin ng Kiko ang boto ng isang kumakain. Ewan ko kung pwede iyon pero pinayagan na rin. Ang sinabi na lang ng oposisyon hango sa sinabi ni Tito Sotto, "Your honor, you do not have three votes, you only have one and a half." Isang pagpaparinig sa pagkakamali at laki ni Senador Flavier.
Noong isang araw naman ay tinira ni Miriam si Pimentel. Ang luka talaga ng luka. Pero sabagay, may punto rin siya.
Bukas ay may plano nanaman ng pagpunta kina Krisette. Sana matuloy na ito.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento