Hindi sinabi ni Mama na nagpa-opera siya sa dibdib dahil may cyst siya doon. Ok na naman daw siya pero nakakapangamba nga lamang dahil sa mga panahon ngayon ng cancer. Ngawit daw ang pakiramdam ni Mama.
Ang lakas ng ulan kahapon. Walang tigil. Mula umaga hanggang hapon. Mula San Pablo hanggang Maynila, buhos talaga. Tanda na malapit na talaga ang pasukan. Bakit kaya ganoon? Basa palagi ang simula ng bagong taon ng paaralan.
Nanood ako kahapon ng Shrek 2. Hindi ko pa kasi napapanood eh. Dinumog ang Harry Potter. Kahit may apat na sinehan na para lamang sa Harry Potter, puno pa rin ang mga ito sa sobrang dami ng tao kahapon ng Linggo. Hindi naman nanood ang mga kapatid at pinsan ko ng HP kasi hindi nila iyon trip. Nanood na lamang sila ng The Day After Tommorrow.
Nakakatuwa ang Shrek 2. Ang daming mga jokes at spoof tungkol sa pangkasalukuyang buhay na inilagay nila sa isang fantasy setting. Mas pang matanda ang Shrek 2 kumpara sa pagiging pambata. Mas nagtatawanan pa ang mga matatanda kaysa sa mga bata na nanonood ng pelikula. Maganda siya sa madaming antas kaya nararapat lamang itong panoorin.
Pagkatapos noon ay naggala-gala lang ako pagkatapos ng pelikula kasi hindi pa tapos ang mga pinsan at kapatid ko. Pumunta ako ng National para bumili ng magasin ng EGM tapos ay pumunta ako ng Astrovision para tumingin ng pelikula. Nakakita ako ng DVD ng Casablanca, 595 pesos lang. Mura na para sa akin kaya binili ko. Hindi ko pa napapanood, papanoorin ko mamaya...
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento