Napansin ko na nakakabangga ako ng mga malulungkot at umiiyak na mga tao kanina. Yung una ay noong pumunta akong Rizal Library para magbasa. Sa mga upuan sa rock garden ay may isang babaeng halatang umiyak kamakailan lamang. Paga pa rin ang kanyang mga mata sa kanyang pag-iyak. Kinakausap niya ang kanyang kaibigan, sa tingin ko, tungkol sa kanyang problema. Anong problema niya? Ewan. hindi naman ako ganoong kausisero.
Yung pangalawa ay isang lalaking umiiyak sa tabi ng Dela Costa Hall noong ako ay papauwi na. Ewan ko rin kung bakit. May kasama siyang babae na kinakausap.
Oo nga pala. Ngayon ko lamang napansin yung larawan na kinuha ni Gino kay Carla gamit ng cel ko. Ngayon ko lang napansin nang binubutingting ko yung aking celphone. Wala lang. Nostalgic.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento