Nakilala ko na rin ang guro ko sa History, Si Fr. Jose Arcilla pala. Sa unang tingin, mukhang isa siyang makalumang guro hindi kagaya ng guro ko sa History 18 na si Sir David Lozada. Pero walang problema. Naaalala ko mula sa kanya ay ang dati kong guro para sa kasaysayan na si Ginoong Kit Igot. Kanina nga, agad na siyang nagsimula para sa intoduksiyon ng kurso. Nagsimula baga naman sa panahon ni Henry the Navigator. Kaya ayun, hindi pa rin siya nakakatapos sa kanyang panimula. At mukhang mataas din ang kanyang pamantayan at mahirap makakuha ng A. Pero ok lang, hindi naman ako naghahanap ng A eh.
Bago ako tumuloy sa Philosophy ay nakita ko Hanniel. Sinamahan ko muna siya kasi matagal pa naman bago magsimula ang klase. Hindi pa rin niya maayos ang kanyang load rev. Nakakaawa talaga.
Nakakatuwa din ang Philosophy ko kanina. Nagsimula na kaming magdiskurso. Sinusunod ni G. Capili ang libro kaya nasusundan ko siya dahil nagbasa ako kanina. Isang oras at kalahati ko din binasa iyon. Pagkatapos ng kanyang panimula, humingi siya ng mga tanong. Ang problema, ang dami agad mga tanong ang mga kasama ko sa klase. Kaya halos hindi umusad ang diskurso namin.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento