Martes, Hunyo 29, 2004
Buhay na Gusali
Parang buhay ang buong gusali ng Burgundy Plaza. Hindi pantay ang air pressure kaya matindi ang hangin na dumadaloy sa buong gusali. Mahirap buksan ang pintuan palabas papuntang corridor. Kung nabukasan na ang pintuan, malakas na dumadaloy ang hangin papasok sa mga singit ng bintana at butas sa dingding. Parang humuhinga ang gusali nung binuksan ko ang pintuan. Nakakatakot. Pagkasakay naman sa elevator ay nagkakaproblema din dahil kinakalaban ng hangin ang pagtaas at pagbaba ng pangloobang sasakyan na iyon. Natigil ng hindi dapat at hindi nasara ng lubusan dahil sa tindi ng mga hanging nagalaw sa loob. Sa labas ay malakas ang hangin. Ngunit hindi pa umuulan ng malakas na magdudulot ng karaniwang problema ng baha at basa. Umambon ngunit hindi umulan. Nagbabadya ng "Hayan na ako!" ngunit hindi naman tutuparin. Buhay ang mundong itong ginagalawan natin. Buhay.
Lunes, Hunyo 28, 2004
Hmmmmm...
Hindi umulan. Inaasahan kong umulan ng malakas ngayong araw pero wala. Ayaw. Nagmumukha lang akong tanga habang dala-dala ko ang aking payong. Wala lang.
Naka-uno ako sa quiz sa theology. Nagkamali kasi ako ng sinabi. Basta.
Nakakatuwa nang dumaan ako sa may McDo. Mayroong isang lalaking tumulong sa pagpa-park ng mga kotse na kumakanta sa isang tabi ng McDo. Kinakanta niya ang isang kanta ni Sharo Cuneta gamit ang kanayang baritonang boses. Hindi ko tanda kung anong pangalan ng kanta. Parang may libreng radyo ang mga nadaang mga tao.

Linggo, Hunyo 27, 2004
Walang Barya at Color Scheme
Naubusan ng mga bente ang Jollibee. Kainlangan ko pang hintayin ang pagpapabarya nila. May isang staff na lubas para magpabarya. Nakakapagtaka na isang fast food restaurant ay mauubusan ng barya. Nakakatuwa.
Nagmistulan ding parang may party sa Jollibee. May isa kasing grupo ay nagpare-pareho ng kulay ng damit. Ang daming mga nakapula, kasama na rin ako. Hindi sinasadya. Mga bagay na nakapagtataka.

Sabado, Hunyo 26, 2004
Aprub!
Masaya ako! Naaprubahan ang aking proposal para sa aking maikling kwento! Hindi ko na kailangang problemahin pa iyon. Ngayon, ay kailangan ko nang gumawa ng mga tauhan at karakter para sa aking kuwento.
Walang hiyang ulan iyan. Buhos, tigil, buhos, tigil. Umulan noong pauwi na ako. Talagang walang direksiyon ang ulan. Pino lang kasi ang mga butil kaya madaling natatangay sa bawat hampas ng hangin.
Nakasabay ko nga rin pala si Larry Fonacier. Wala lang. Interesante.

Biyernes, Hunyo 25, 2004
Crying Pipol
Napansin ko na nakakabangga ako ng mga malulungkot at umiiyak na mga tao kanina. Yung una ay noong pumunta akong Rizal Library para magbasa. Sa mga upuan sa rock garden ay may isang babaeng halatang umiyak kamakailan lamang. Paga pa rin ang kanyang mga mata sa kanyang pag-iyak. Kinakausap niya ang kanyang kaibigan, sa tingin ko, tungkol sa kanyang problema. Anong problema niya? Ewan. hindi naman ako ganoong kausisero.
Yung pangalawa ay isang lalaking umiiyak sa tabi ng Dela Costa Hall noong ako ay papauwi na. Ewan ko rin kung bakit. May kasama siyang babae na kinakausap.
Oo nga pala. Ngayon ko lamang napansin yung larawan na kinuha ni Gino kay Carla gamit ng cel ko. Ngayon ko lang napansin nang binubutingting ko yung aking celphone. Wala lang. Nostalgic.

Huwebes, Hunyo 24, 2004
Nagsimula na rin!
Nagsimula na rin ang Drama Seminar namin. Wala lang exciting. Si Fr. Arcilla ay nakakabagot pa kagaya ng dati pero madami akong nakukuha mula sa kanya. At ang Philosophy class ko ay nahuhuli na dahil sa napakaaktibong talakayan.
Miyerkules, Hunyo 23, 2004
Forums
Wala namang masyadong mahalagang nangyari. Mukhang naaadik na ako sa bagong forums na ginawa para lamang sa Block E. Wala lang. Pinasa ko na rin kanina ang akong proposal para sa Fil 119.2. At hindi ko pa rin mahanap ang isa ko pang kailangang basahin para sa rin sa Fil 119.2.
Nalaman ko rin palang kumuha ng screenshot para sa larong kinababanuan ko ngayon. Wala lang. Masaya.

Screenshot ng nilaro ko kanina. Wala lang. Alam ko na kung paano para sa Medieval: Total War.
Posted by Hello
Martes, Hunyo 22, 2004
Wala pa ring Drama
Wala pa rin si Ginoong Jovino Miroy para sa Drama Seminar. Nagpapahanap pa rin ng libro para sa Playwriting. Ang problema kasi, mahirap makahanap ng libro. Kaya ayon, maaga akong nakapunta sa Klase ni Fr. Arcilla. Tuloy-tuloy pa rin ang kanyang pagtuturo. Pinagmamalaki nga ang kanyang libro, na karaniwang ginagamit ng buong history department para sa kurso. Wala lang. Nakakatuwa.
Lunes, Hunyo 21, 2004
Mahabang Pila
Isang bagay na ayaw ko sa pagpapa-photocopy sa Rizal Library ay ang mahabang pila. Wala namang problema kung ang mga nasa linya ay nagpapakopya lamang ng ilang pahina. Ang problema, may ibang nagpapakopya ng isang buong libro o kaya ay ilang bandihadang mga readings. Iyon yung nangyari sa akin kanina. Hindi lamang makapal ang libro na pinakopya, madami pang mga nakahiwalay na readings.
Siguro hindi na maiiwasan. Mas maganda siguro kung puwedeng ilabas ang mga libro sa Filipiniana Section. O kaya naman ay magdagdag ng mga Photocopy machines sa lugar na iyon. Hay, madaling maghanap ng libro. Mahirap magpa-photocopy.

Linggo, Hunyo 20, 2004
Fil 119.2
Nakakapang-intimidate si Ginoong Alvin Yapan. Mayroon na talagang istrakturang susundan namin. Wala lang. Medyo nakakapang-ipit. Mukha naman siyang mabait at magaling. Sana gumaling din ako sa ilalim niya.
Biyernes, Hunyo 18, 2004
Unang Quiz at Warcraft
Unang quiz kanina para sa Theology. Wala lang pasikot-sikot ang sagot ko. Hindi naman pala ganoong ka terror si Fr. Dacanay. Nagpapatawa rin naman siya. At pagminsan, dahil sa katandaan, ay nawawalan siya ng mga salita na masasabi.
Naglaro din ako ng Warcraft kasama sina Jay at Chino. Masaya. noong unang labanan ay nawalan ng lakas si Chino dahil sa aking pagsugod. Problema, humina ako kaya natalo din naman din ako kaagad ni Jay at tinapos naman ni Jay si Chino. Sa pangalawang laban, una kong sinugod si Jay. Nagmano-mano ang mga lagad namin nanalo ako pero wala ring kuwenta kasi halos naubos din ang puwersa ko. Pagkatapos ay pinagtulungan naman ako ng dalawa. Hay, malas. Pero masaya.

Huwebes, Hunyo 17, 2004
Ang Guro sa Hi165 at Pilosopiya
Nakilala ko na rin ang guro ko sa History, Si Fr. Jose Arcilla pala. Sa unang tingin, mukhang isa siyang makalumang guro hindi kagaya ng guro ko sa History 18 na si Sir David Lozada. Pero walang problema. Naaalala ko mula sa kanya ay ang dati kong guro para sa kasaysayan na si Ginoong Kit Igot. Kanina nga, agad na siyang nagsimula para sa intoduksiyon ng kurso. Nagsimula baga naman sa panahon ni Henry the Navigator. Kaya ayun, hindi pa rin siya nakakatapos sa kanyang panimula. At mukhang mataas din ang kanyang pamantayan at mahirap makakuha ng A. Pero ok lang, hindi naman ako naghahanap ng A eh.
Bago ako tumuloy sa Philosophy ay nakita ko Hanniel. Sinamahan ko muna siya kasi matagal pa naman bago magsimula ang klase. Hindi pa rin niya maayos ang kanyang load rev. Nakakaawa talaga.
Nakakatuwa din ang Philosophy ko kanina. Nagsimula na kaming magdiskurso. Sinusunod ni G. Capili ang libro kaya nasusundan ko siya dahil nagbasa ako kanina. Isang oras at kalahati ko din binasa iyon. Pagkatapos ng kanyang panimula, humingi siya ng mga tanong. Ang problema, ang dami agad mga tanong ang mga kasama ko sa klase. Kaya halos hindi umusad ang diskurso namin.

Miyerkules, Hunyo 16, 2004
Unang Pagkakakilala
Ito na ang pangatlong araw ko sa bagong taong pangpaaralan ngunit hindi ko pa rin alam kung tunay nga bang magiging maganda ang semestreng ito. Tapos hindi ko pa nakikilala lahat ng aking mga guro. Sa ngayon ay mga guro lamang sa Theology at Philosophy ang nakikilala ko. Free cut kasi ako kahapon para sa Drama Seminar at History at Sabado ko pa makikilala ang guro ko para sa Malikhaing Pagsulat.
Isa lang ang masasabi ko kay Fr. Dacanay, terror. Pero sa tingin ko ay ginagawa lamang niya iyon para maging maayos ang daloy ng klase. Strikto siya at mukhang mataas ang standard pero ok lang, hindi naman ako naghahanap ng A. Nagbibigay din naman siya ng mga jokes paminsan-minsan. Medyo seryoso nga lang palagi ang tono niya.
Kakaiba naman si Ginoong April Capili. Tama, April ang pangalan niya. Kakaiba pero ok din siya. Nagkaroon ng kalituhan pagkarating sa klase dahil akala ng iba na Ingles ang wika na gagamitin sa klase pero yun pala ay Filipino. Pero sa tingin ko ay ok lang siya pero hindi ko alam kung talagang magaling siyang magturo.
Talo nga pala ang Lakers at Champions ang Detroit Pistons.

Linggo, Hunyo 13, 2004
Gabi Bago ng Unang Klase
Unang klase na bukas para sa bago at mahabang taon na ito. Wala akong ramdam na saya o lungkot o kaya ay gulat. Basta buskas na iyon. Wala na akong magagawa kundi makiayon.
Ngayon ko lang napansin na pagkatapos ng FA109 ko sa Gonzaga ay ang Hi165 ko na nasa Bellarmine. Malayo pero sa tingin ko ay kakayanin ko.

Sabado, Hunyo 12, 2004
Independence Day at Farewell Gathering
Independence day ngayon pero hindi ko pakiramdam. Dapat ay nagsasaya ang buong bansa pero parang ulan lang ang lumipas. Nakakapanghiya na Pilipino ako pero isang mahalagang araw na ganito ay hindi na pinapansin mismo ng gobyerno natin. Nagbubunyi nga sa Cavite pero hindi kumakalat sa buong bansa. Nakakapanghinayang.
Kanina ay nagtipon uli kami ng mga kaibigan ko para sa huli naming pagsama kay Krisette. Aalis na kasi siya sa Lunes. Ang balik na niya ay sa Disyembre ng susunod na taon. Nagkita-kita muna kami sa McDo para ihanda ang farewell gift namin para kay Krisette. Mga mensahe o kaya ay regalo. Hindi ko alam, pero mahirap mamaalam kaya ang bati na lamang namin, "See you next year."

Biyernes, Hunyo 11, 2004
Talo ng Lakers at Magagaslaw na Politiko
Natalo kanina ang LA Lakers laban sa Detroit Pistons kaninang umaga, 68-88. Ginanap ang laban sa Detroit. Nakakatuwa dahil talagang hindi makadiskarte ang LA. Masikip at mabusisi ang depensa ng Pistons laban sa Lakers. Hindi makapuntos sina Kobe, Gary, Shaq at Karl. Sa sobrang nawalan ng pag-asa ang LA, nilabas na talaga ang mga starters sa huling dalawang minuto. Astig! Kung sa tutuusin, dapat ang LA ang nananalo dito sa seryeng ito pero pinapatunayan ng Detroit na hindi star power ang kailangan upang manalo kundi tibay ng loob at depensa.
Sa kabilang banda naman, parang naging isang mistulang laro ang canvassing ng mga balota ng Kongreso at Senado. Example dito ay nang magtanghalian ang mga mayorya sa Senado at natira na lamang ay ang dalawang Opposisyon na senador, sina Tito Sotto at Nene Pimentel at dalawang Administrasyon na senador, sina Kiko Pangilinan at Juan Flavier. Nang kailangan nang aprubahan ang canvassing ng isang balot box, nagkaroon ng patas na bilang pero isinama pa rin ng Kiko ang boto ng isang kumakain. Ewan ko kung pwede iyon pero pinayagan na rin. Ang sinabi na lang ng oposisyon hango sa sinabi ni Tito Sotto, "Your honor, you do not have three votes, you only have one and a half." Isang pagpaparinig sa pagkakamali at laki ni Senador Flavier.
Noong isang araw naman ay tinira ni Miriam si Pimentel. Ang luka talaga ng luka. Pero sabagay, may punto rin siya.
Bukas ay may plano nanaman ng pagpunta kina Krisette. Sana matuloy na ito.

Huwebes, Hunyo 10, 2004
TV at Celphone
Nakakatuwa ang nangyari kahapon. Unang-una, dumating na ang bago kong celphone, P800. Wala lang. Maiinggit ang mga kapatid ko. Hindi ko pa ipinapakita. Sabi kasi ni Dad, baka kasi kutingtingin nila at masira pa daw nila. Mahal daw kasi ang piyesa.
Pangalawa, nasira na lang ng bigla-bigla ang TV ko. Pinaltan ko kung saan nakasaksak, walang nangyari. Ginamit ko ang remote control, walang nangyari. Pinaltan ko ang battery ng remote control, walang nangyari. Kaya kinabukasan ay ipinadala sa paayusan. Ang problema? May butekeng nakapasok sa TV kay nag-short it. Kaya pala wala akong narinig na buteke kagabi.

The Gunslinger
Kakatapos ko lang ang librong The Gunslinger ni Stephen King kagabi. Maganda nga talaga ang librong ito. Hindi ako fan ni Stephen King pero masasabi ko naman na talagang may siya galing na ipinakita sa librong itong ito. Pinaglalaruan niya ang iyong isipan kung saan, kailan, at paano nangyari ang mga nangyari. Hindi naman sa masama ito dahil kung wala ang mga ganitong mga katangian, baka nawalan na lang ako ng gana sa pagbabasa ng libro.
Ang kuwento ay umiikot kay "Roland of Gilead, The Last Gunslinger". Sinusundan niya ang "the man in black" upang mahanap niya ang tunay niyang pakay, "The Dark Tower". May pagka-fantasy siya na sci-fi. Maganda ang pagkakagawa niya na paghahalo iba't-ibang kultura upang makabuo ng isang mundo na nababalot ng lagim. Astig. Hindi natatapos ang kuwento niya sa librong ito, may mga sumunod pang mga libro. Pero masasabi kong gusto ko nang basahin ang mga susunod na libro.

Lunes, Hunyo 07, 2004
Operasyon at "Shrek 2"
Hindi sinabi ni Mama na nagpa-opera siya sa dibdib dahil may cyst siya doon. Ok na naman daw siya pero nakakapangamba nga lamang dahil sa mga panahon ngayon ng cancer. Ngawit daw ang pakiramdam ni Mama.
Ang lakas ng ulan kahapon. Walang tigil. Mula umaga hanggang hapon. Mula San Pablo hanggang Maynila, buhos talaga. Tanda na malapit na talaga ang pasukan. Bakit kaya ganoon? Basa palagi ang simula ng bagong taon ng paaralan.
Nanood ako kahapon ng Shrek 2. Hindi ko pa kasi napapanood eh. Dinumog ang Harry Potter. Kahit may apat na sinehan na para lamang sa Harry Potter, puno pa rin ang mga ito sa sobrang dami ng tao kahapon ng Linggo. Hindi naman nanood ang mga kapatid at pinsan ko ng HP kasi hindi nila iyon trip. Nanood na lamang sila ng The Day After Tommorrow.
Nakakatuwa ang Shrek 2. Ang daming mga jokes at spoof tungkol sa pangkasalukuyang buhay na inilagay nila sa isang fantasy setting. Mas pang matanda ang Shrek 2 kumpara sa pagiging pambata. Mas nagtatawanan pa ang mga matatanda kaysa sa mga bata na nanonood ng pelikula. Maganda siya sa madaming antas kaya nararapat lamang itong panoorin.
Pagkatapos noon ay naggala-gala lang ako pagkatapos ng pelikula kasi hindi pa tapos ang mga pinsan at kapatid ko. Pumunta ako ng National para bumili ng magasin ng EGM tapos ay pumunta ako ng Astrovision para tumingin ng pelikula. Nakakita ako ng DVD ng Casablanca, 595 pesos lang. Mura na para sa akin kaya binili ko. Hindi ko pa napapanood, papanoorin ko mamaya...

Sabado, Hunyo 05, 2004
Sama-sama at Registration
Masaya yung pagkikita namin ng mga dati kong kaklase noong Huwebes. Hindi natuloy yung pagpunta kina Krisette kaya nagpunta na lamang kami sa bahay ko. Nagkita-kita kami sa McDo sa palengke ng mga alas diyes ng umaga. Tapos ay tumuloy sa bahay ko. Naglaro lang kami ng Gamecube habang nagkukwentuhan tungkol sa mga nakalipas na bakasyon. Pumunta sina Gino, Paolo, Antonette, Mara, at Aina tapos ay sumunod na lamang si Carla. Nakaka-miss ding makasama ang mga iyon. Para kaming mga bata. Tawanan ng tawanan. Pinahatid ko na lang sila sa mga pupuntahan nila ng mga alas sais kay Kuya Joel kasi na ulan noon ng malakas.
Kinabukas ng registration, maaga akong umalis kasama sina Kuya Ariel at Buknoy. Nagbiyahe kami papuntang Maynila ng mga alas singko y medya ng umaga. Nakarating ako ng mga alas siyete ng umaga sa Ateneo. Dinaanan ko ang Fine Arts Office pero nasa online enlistment pala si Xander kaya dumeretso na ako sa CTC. Malayo pa ang number ko, 157, kaya naghintay na lamang ako sa may bukana ng mga makakasama. Ang unang dumating ay si Yumi, tapos si Edlyn at Cerz. Nagdedebatihan ng mga klase at guro ng kukunin pero alam ko na mawawalan ako ng pagpipilian pagkarating sa akin. Umaasa na lamang ako na makukuha ko ang mga pinili kong mga klase (na panay na puno na rin pagkarating ko sa online enlistment). Pinoproblema ko naman ay yung mga kukunin kong mga FA elective kasi wala yung fiction seminar na dapat ay kukunin ko. Kaya ang kinuha ko na lamang ay yung fil119.2 (Malikhaing Pagsulat: Maikling Kuwento) at fa109 (Writing Seminar: Drama). Yung drama ay gagawin ko na lamang Major Elective. Yung ibang mga subject? Bahala na. Basta nakuha ko sila. Hindi na importante yung guro. Ang panget lang ay isa lang ang klase ko para sa MWF tapos tatlo ang sa TTH at may klase pa ako tuwing sabado. Pero ok lang, basta makakapag-aral ako. Pagkatapos ng enlistment, kailangan ko na lang magbayad gamit ng tseke. Ang problema, nagkamali ako sa nasulat ko sa tseke kaya kinailangan ko pang hintayin si Dad para sa bagong tseke.
Pagkatapos mag-register ay dumiretso kami sa Binangonan para sunduin ang mga pinsan ko. Malas lang at natrapik kami. Natrapik kami sa may Fort Bonifacio kasi may na-aksidente tapos ang daming kotseng paalis gamit ng makipot na rampa ng Skyway. Pagkatapos noon ay ok na.

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)