Ewan ko, ngayong nasa harap na ako ng computer, nawawalan na ako ng masasabi tungkol sa 8th Iyas Creative Writing Workshop. Palaging aliw ang pumunta sa mga workshop. HIndi lamang upang matuto kundi para makakilala ng mga nagsisimula ring mga manunulat. Sa unang araw pa lang, agad kaming nag-click nina Ida, Carlo, Charles, En, Margie at JV. Kami nga ang nagpasimuno sa pagload* noong Lunes. Iyong mga nangyayari talaga sa labas ng palihan ang pinaka-enjoy para sa akin. Masaya din naman ang mga palihan lalo na dahil sa pagbasa ng mga panelist sa mga gawa namin. Ang pinakanatuwa kaming mga panelist ay sina Sir Danny Reyes at Dr Elsie Coscolluela dahil magaling silang magbasa. Nakakatuwa naman si Sir John Teodoro dahil sa kanyang makukulit na mga pasintabi. Pero hindi ko rin trip ang mga palihan kasi nagmumukha akong mayabang dahil sa madalas kong pagkomento. Dahil hindi nagkakalayo sa edad, madali ang pagsasamahan lalo na sa pop culture na kinalakihan namin. Bihira lang na makasama ang mga taong may kaparehong wavelength tulad mo. Kaya excited ako sa mga susunod na pagkikita at susunod na inuman. Mabuhay ang mga magkaka-TXTM8!
*sumangguni sa Official TXTM8RS Inuman Lexicon
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
2 komento:
Haha. Shet. Di pa rin nagsi-sink in sa 'kin na tapos na ang IYAS. Excited na uli akong magsulat. Load tayo minsan.
Oo ba. kapag nakabalik na ulit akong maynila, kita-kita ulit tayo. :D
Mag-post ng isang Komento