Lunes, Abril 07, 2008

Sisters

1.

Nagtapos na ang kapatid kong si Mae noong Biyernes. Estudyante siya ng Nursing sa San Beda at sa kampus na rin ng San Beda ginanap graduation ceremony. Syempre, ako ang kumuha ng mga picture niya nang umakyat siya sa entablado. Wala pa sa amin ang mga picture mula sa digicam dahil nakay Mae pa iyon. Naroon ako sa isang tabi malapit sa entablado kung saan nagsisiksikan ang mga kamag-anak ng mga ga-graduate. Kasi, alam, n'yo na, bawal ang mga kamag-anak na kumuha ng mga picture na malapit sa entablado at dahil meron na nga namang official photograper. Tamang-tama lang nang pabalik na siya sa kanyang upuan ay dumaan siya sa tapat ko at nakuhanan ko siya ng maayos ng larawan.

Pero kahit na graduate na si Mae, may pasok pa rin siya. Ewan ko lamg kung bakit. Baka dahil may mga absent sila. Alam ko kasi, sa susunod na siya magre-review para sa board dahil sa Disyembre na lang siya kukuha kasi ang dami daw ng mag-e-exam ngayong taon.

2.

Katatapos lang ni Tetel kaninang kumuha ng NMAT. Hindi daw niya sinunod nang mabuti ang instructions sa isang bahagi ng test. Kasama nga rin namin siya noong graduation ni Mae at nagbabasa siya ng libro ng para nga dito. Napapaisip ko tuloy ang ang isang alternatibong buhay kung saan nag-aaral na ako para sa pagiging doktor. Hindi naman sa nagdadalawang-isip ako sa kalagayan ko ngayon. Kung ano man, may kuwento akong mabubuo kung ganito ang takbo ng isip ko.

3.

Malapit namang mag-review si Marol para sa mga entrance tests sa kolehiyo. Ewan ko kung anong kukunin niyang kurso o kung saang unibersidad o kolehiyo niya gustong pumasok.

4.

Sa lahat ng mga pangyayaring ito, pakiramdamdam ko, ang tanda-tanda ko na.

Walang komento: