Katatapos ko lang basahin kanina ang "The Road" ni Cormac McCarthy. Hindi ko ito binasa dahil kay Oprah kundi dahil post-apocalyptic ito at kailangan ko ng lungkot sa buhay. Isa itong matinding nobelang puros kadiliman--sa literal, sa pilosopikal at sa emosyonal na mga antas. Sa unang talata pa lamang ay matindi na.
Tungkol ang nobela sa mag-amang naglalakbay sa daan patungong timog kung saan inaasahan nilang higit na mainam ang klima. Madilim at malagim ang kinahinatnan ng mundo. Araw-araw na makulimlim ang langit at lubhang napakalamig at napakadilim ng gabi. Nababalutan ng abo ang lahat--kung hindi man dahil sa apoy at sunog ay dahil sa abong kasama ng ulan at niyebe. Hindi nilinaw ng nobela kung bakit nagkaganito ang mundo. Kung dulot ba ito ng digmaang nuclear--na para sa akin ay ang pinakakapani-paniwalang dahilan--o ibang natural kalamidad.
Mula sa malagim na kaligirang ito, maaaring magtungo sa kadiliman sa loob ng mga tao. Nagunaw na halos lahat ng mga ugnayang pantao at nagdulot ito ng kawalang-pagtitiwala sa pagitan ng mga tao. Nahati sa dalawang pangkat ang mga nalalabing tao. Ang una ay mga kanibal na nagsama-sama upang mas madaling makahanap at makahuli ng ibang mga taong makakain. Ang huli naman ay ang mga taong hindi sumukob ganoong kadiliman at pinilit na manatiling makatao sa kabila ng malagim na kalagayan, tulad ng mag-amang pangunahing tauhan ng nobela. Ang problema lamang ng huling uri ay ang kawalan ng pagtitiwala.
At ito ang mga dahilan kung napakatindi ng emosyonal na dating nobela. Kung hindi tumatakbo mula sa mga nangangain ng tao ay nangangalkal ang mag-ama sa mga iniwang bahay at gusali ng makakain at maiinom. At kung walang makain at walang humahabol, makikita naman ang tensiyon sa pang-araw-araw na pagpupursige ng mag-ama na huwag sumuko at patuloy lamang na maglakbay at mabuhay sa kabila ng kadilimang araw-araw nilang natatagpuan sa paligid at loob ng ibang tao. Romantiko man, tanging ang pag-ibig sa isa't isa ang nagbibigay-dahilan at nagbibigay-buhay sa dalawang pangunahing tauhan ng nobela.
HIndi nahahati sa mga kabanata ang nobela. Kaya't tila sa bawat sandali ay sinusundan ng mambabasa. Gayundin, hindi lubhang marami ang pagbabaliktanaw kaya't, tulad ng pagkakalugmok ng mag-ama sa kadiliman ng kanilang, ang mambabasa ay nalulugmok din sa kabuuang kadiliman ng nobela. Palaging mayrong sense of urgency ang nobela.
Hindi rin kataka-taka na may mga taong hindi matapos ang nobela dahil na rin sa kadilimang inilalahad nito. Nitong nakalipas na mga araw ay nahirapan akong makatulog dahil sa maraming kabaga-bagabag na mga eksena. Ngunit ang nagtulak sa akin na basahin ang nobela ay ang mag-ama. Madaling makapag-ugnay sa dalawa. At tulad nila, kailangan kong sundan ang buong daloy ng madilim na naratibo, maganda man ang kahihinatnan nito o hindi. Dahil ang pagbabasa ng nobelang ito ay isa na ring pagsusuri sa kakayahan kong sikmurain ang kadiliman at hanapin ang liwanag.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento