1.
Pinanood ko ang "Jumper" kanina. Okey lang siya na pelikula. Para sa akin, madaming mga tanong na hindi lubos na sinagot ng pelikula. (Baka nais ng mga producer ng isang bagong series.) Hindi ko alam kung ano nga ba talaga ang scope ng labanan sa pagitan ng mga Paladin at mga Jumper. Marami rin ang mga problema sa naratibo. Kamangha-mangha ang special effects para sa mga teleportation sequence pero kaunti lang talaga yung sobrang kamangha-mangha, tulad ng eksena ng malaking bus at ng kotse. Overall, isa siyang okey na action movie.
2.
Kakabukas noong isang linggo ang "the 12 senses" na installation art exhibit sa Ateneo. Nang una kong makitang itinatayo ang mga iyon sa quad sa pagitan ng Soc Sci at Dela Costa, una kong iniisip ay gagawin nilang playground ang Ateneo. Ang tingkad kasi ng kulay na ginamit para sa mga pieces. Medyo hindi bagay sa boring na kulay ng kaligiran ng Ateneo. And lo and behold, ginawa nga nilang playground ang Ateneo! Puno ang quad ng mga interactive na installation. Para ka nga talagang naglalaro. May sungka pa nga e. Sa simula parang, "Ano iyan?" ang reaksiyon mo. Pero pagkalipas at nagsimula ka nang "makipag-interact" sa mga installation, natuwa na rin naman ako. Cute.
Linggo, Pebrero 24, 2008
Martes, Pebrero 19, 2008
Untitled
1.
Pinanood ko ang "Endo" noong Linggo. Medyo weird na mapanood ang isang kaklaseng hindi mo madalas napapanood na umarte. Maganda ang pelikula. Simple lang ang buong istorya pero malakas ang dating. Hindi napakamadrama ang pelikula. Syempre may iyakan pero kering-keri naman. May eksenang over the top (yung sa dulo nang magkita sina Tanya at Leo pagkatapos ibalik ni Leo ang kanyang celphone sa dating girlfriend) pero, dahil napakamatimpi sa pagpapakita ng damdamin ang mga tauhan at ang buong pelikula, mababagabag ka talaga kaya okey lang yun. Tapos ang ironic noong ending. Magaling si Ina dito. Napangiti ako nang sabihin ng kanyang tauhan na magaling siyang sumayaw. Magaling din si Jason Abalos.
2.
Sale ngayon sa National Bookstore. Kaya nakabili ako ng murang kopya ng "Invisible Cities" ni Italo Calvino. Tuwang-tuwa ako dito ngayon. Mas gusto ko ito kaysa sa "if on a winter's night a traveller". Pero may kahawig na pagtalakay ang dalawang nobelang ito ni Calvino tungkol sa kakayahan ng pagkukuwentong abalahin ang buhay ng mga nakikinig/nagbabasa. Pagdating sa technique, mas madaming ginawa ang "if on a winter's night a traveller" pero mas matindi ang lirisismo ng "Invisible Cities" at nakakaapekto ang nostalgia ng buong nobela. Maikli lang ito, kaya mukhang matatapos ito ngayong araw.
3.
Pero siyempre, hindi dapat kalimutang basahin ang "Sun" ni Michael Palmer.

Sabado, Pebrero 16, 2008
"I Love You"
1.
Hindi, hindi ito deklarasyon ng pag-ibig, implied reader. Nanggagago lang ako.
2.
Nagpalipas ako ng Valentines kasama ng aking mga magulang. Oo, nakakalungkot. Nanood kami ng concert ni John Lasaca sa PICC. Puros instrumental music iyon kaya madaling pakinggan. OK naman.
3.
Noong Feb 13, pinakinggan ko ang lecture ni Sir Vim Yapan tungkol sa "Ang Pagkamulat ni Magdalena" nina Alejandro Abadilla at Elpidio Kapulong. Nabasa ko na ito para sa klaseng "Nobelang Tagalog" na tinuro ni Sir Vim noong 2006. Bagay na bagay para sa Valentines, isang nobelang nagtataguyod ng free love. Bawat kabanata ata ng nobelang iyon may sex scene. Pero kagaya nga ng sinabi Sir Vim hindi lang dapat tingnan ang "Pagkamulat" bilang 1950's version ng Xerex. May matinding pilosopikal na tunguhin ang nobela. Kung hindi ninyo maintindihan ang ang mga tula ni Abadilla, basahin ninyo ang nobelang ito. Mas malinaw siya dito.
Isang akdang utopia ang basa ni Sir Vim sa nobela. Nilathala noong 1958, ang tagpuan ng nobela ay Pilipinas 1980. Nasakop na ng Komunistang Tsina ang Pilipinas. Tungkol sa pag-iibigan ni Magdalena at Dario, may bahid ng kaunting espionage thriller ang nobela. Si Dario kasi ay isang rebelde at si Magdalena ay nagtatrabaho para sa isang sangay ng gobyerno. Utopia ang nobela dahil itinataguyod ni Dario ang isang pilosopiya na nagtataguyod ng indibidwalistikong tunguhin. Makasarili pa nga kung tutuusin. Pangunahin dapat ang kaligayan ng sarili. Kaya maraming sex. Pero naniniwala si Dario na sa pagkamit ng indibidwal na kaligayan, kapag naging matapat ang sarili sa ikauunlad ng sarili, susunod na rin ang pag-unlad ng lipunan. Kapag matatag ang bawat indibidwal, matatag din ang lipunang malilikha ng mga indibidwal na ito.
Pinasimulan ni Sir Vim ang pagpansin sa konsepto ng "budhi" ng nobela. Kung ang batayang indibidwal ng Kanluran ay ang rason, para sa nobela, ito ay ang budhi. Medyo mistikal nga ang konseptong ito kaya hindi malalim na natalakay ni Sir Vim. Pero ibang-iba ito kumpara sa "self" na inihahayag ni Whitman at nagbibigay liwanag sa mga "ako, ako" ni Abadilla sa mga tula niya.
4.
Papanoorin ko ang "Endo" bukas. Yun lang.

Lunes, Pebrero 11, 2008
Movie Fix
1.
Napanood ko nga pala kahapon ang "Cloverfield" sa sinehan. Okey naman ang pelikula. Mahirap nga rin lang itong panoorin dahil nga sa technique nitong naka-handheld camera. Ang pelikula ay batay, kuno, sa isang video recording na natagpuan ng department of Defence na naglalaman ng mga pangyayari habang sinasalakay ng isang higanteng halimaw ang Manhattan. Masasabi ngang gimik lamang ang ginawang ito sa pelikula pero mayroon itong dating nakanyang-kanya lamang. Dahil nga handheld at limitado lamang ang nakukuha ng camera, higit na claustrophobic at mas maigting ang sense of urgency ng buong pelikula. Naging mas kapansin-pansin ito sa mga eksena sa subway at sa nakatagilid na apartment building. Pero nakakatuwa ring tingnan itong pagnanasang i-record ang lahat bilang narsisismo ng panahon. Sa panahon ng Youtube, ang mulig pagsasalaysay at pag-alaala ay nawawalan na ng halaga. Ang mahalaga ay iatala ang ngayon, asa na lamang na may hinaharap na magbabalik sa sandaling ito.
At ito ang limitasyon ng buong pelikula. Hindi talaga alam ng manonood kung ano'ng nangyayari. Ano nga ba talaga ang halimaw na binansagang "Cloverfield"? Saan ito nanggaling? Kalimitan kasi sa mga monster movie, alam natin ang kasaysayan o damdaming nag-uudyok sa mga halimaw. Alam nating isang representasyon si Godzilla ng mga takot sa panahong Cold War at panahong Nuclear. Alam natig si Frankenstien ay representasyon ng pagdududa sa kapangyarihan ng agham. Siguro si Cloverfield ay isa lang talaga dambuhalang talagapagdala ng kamatayan, na tulad ng takot natin sa kamatayan, ay walang kasaysayan at pala-palaging nariyan lamang sa tabi-tabi. Gayundin sa kakulangan natin sa kaalaman kay Cloverfield, kulong ang ni-record ng handheld camera upang ipakita ang nangyari sa hinaharap. Naiiwang bukas ang pelikula kung ano nga ba ang nangyari sa New York at kay Cloverfield. Ang naitatanghal ay ang takot ng sandaling ito at hindi ang pangako ng hinaharap. Nagtatapos ang recording sa isang eksena bago ang pagsalakay ng halimaw. Nagtangkang mag-alay ng pangako ng mabuting kahahatungan. Ngunit lahat ng ito'y lumipas na. Walang mas mahalagang sandali kundi ang ngayon, ang narito kahit pa takot ito o tapang.
2.
Napanood ko nga rin pala ang "The Promise" ni Chen Kaige sa VCD noong nakaraang linggo. Isang itong fantasy movie. Mayroon pang diyos na nakikidawdaw sa tadhana ng mga tao. Nakukuha ang pamagat mula sa pakikipagkasundo ng isang babae sa diyosa upang maging pinakamanda. Ang kapalit, palaging may kapalit, ang lahat ng mga lalaking iibigin niya'y mamamatay o mawawala sa kanya. Mananatili ang ganito hanggang mabuhay muli ang patay at magtaglamig sa tag-araw.
Nagiging kahawig tuloy ng pelikula ang mga lumang dula tulad ng sa mga Griyego. Bagaman mayroong ganitong mga sandaling medyo pilit, masasabing kailangan ito upang ilabas ang mga pagnanasa ng mga tauhan. At dahil amy mitolohikal na kalidad, may pagka-timeless ang buong kuwento. Hindi ako magtataka kung naging box office hit ito sa China. Pero personally, mas gusto ko ang "The Curse of the Golden Flower." Mas maganda ang acting doon at mas masama ang mga tauhan.

Sabado, Pebrero 09, 2008
I just love this country...
1.
Napanood ko ang karamihan ng senate hearing na dinulugan ni Jun Lozada. Kasi naman, tinakot nang sobra-sobra itong si Jun Losada, ayan tuloy, pumuntang Senado. Masasabi kong iyon ang pinakamasayang senate hearing na napanood. Hindi dahil sa mga kalokohang binanggit niya, nakakatuwa din iyon. Masaya ang hearing dahil ang daming hirit, jokes at kung ano-ano matalinhagang pagpapaliwanag. Inihambing ni Jun Lozada ang kanyang trabaho sa ZTE-NBN deal bilang "pagyeyelo" sa "bukol" ng mga komisyon at kickback. May pop culture refence pa siya tungkol sa Star Wars. Ang pinakanaintriga ako sa buong hearing ay yung anekdota ni Jun Lozada tungkol sa isang tagabundok. Nabanggit ni Sir Allan kanina sa klase ang anekdotang ito at napanood ko rin sa TV. Bilang presidente ng Philippine Forest Corporation, umaakyat si Jun Lozada sa bundok para mabisita ang mga komunidad doon. Napansin niyang maraming bayabas sa lugar na iyon. Tinanong niya sa tagaroon kung bakit hindi nila ibenta ang mga bayabas bilang dagdag kita. Sabi ng nakausap ni Lozada, "Hayaan n'yo na ho, para na sa mga ibon iyan." Napakataliwas at contradictory ang anekdotang iyon kumpara sa kalokohang ibinibintang ni Jun Lozada. Madaling ma-disillusioned sa mga katarantaduhang naririnig natin diyan at maging sa nararanasan sa araw-araw. Pero yung maniwala sa kabutihan ng iba, pagminsan, yun iyong mahirap nga talaga.
2.
Isang quote na narinig ko TV Show na "Hardball" na sinabi daw ng isang basketball player:
"Sabi ni coach, 'Penetrate lang nang penetrate. Luluhod din iyan.'"

Miyerkules, Pebrero 06, 2008
Laptop, Wireless Landline at Charisma
1.
Dumaan akong Makati para ipaayos ang laptop ni Mae. Hindi ko pa napupuntahan ang pagawaang sinabi ng pinuntahan ni Dad sa Mall of Asia. Mabuti na lang nang magtatanong ako, madaling naituro ng mga napagtanungan ko ang tamang direksyon. Sabi nang unang patingnan ito sa Mall of Asia, may sira daw yung fan. Pero nang tingnan naman ng technician sa pinuntahan ko, hindi naman daw. Ang sigurado lang talaga ay may virus ang laptop ni Mae. Noon pa yun. Ginamit ko ang laptop ni Mae para sa pagta-trascribe para sa Ateneo workshop. At napansin kong hindi ma-access ang task manager tapos pagkalipas ng ilang oras, bumabagal ito't nagka-crash. Kaya pina-reformat ko na lang. Yun.
2.
Kinuha nina Mama at Dad ang bagong service ng PLDT na wireless landline. Nabanggit na ni Nikka ang tungkol dito. (Yung serbisyo ng Globe ata ang nabanggit niya sa akin.) Wireless landline, ang tinding oxymoron. Nang ikuwento sa akin ito ni Nikka, hindi na-gets kung bakit tuwang-tuwa siya dito. "Landline pero wireless!" (I vaguely remeber her saying that.) At nang makita ko ang dala-dala ni Mamang telepono, tinanong ko sa kanila kung anong pinagkaiba niyan sa celphone. Nakakapag-text ito pero sobrang mahal. Nakakatawag ito pero may 600 minute limit. Wala itong kamera. Sa pagkakaalam ko, hindi ito nagpapatutog ng music. Tapos sa Laguna lang pwede. Sana nag-celphone ka na lang. Pero mura lang ito kung ikukumpara sa pangkaraniwang landline. Isang daan ata mas mura. Pero hindi ko pa rin gets kung bakit kinuha nina Dad at Mama ang serbisyong ito hanggang isipin ko ang pangangailangan ni Mama. Matagal na kasi naming pinipilit si Mama na magkaroon ng celphone. Lahat na kami sa pamilya ay meron maliban siya. Tapos doktor pa siya na palaging on-call. Di ba mahalaga ang celphone sa mga panahong ito, lalo na sa mga doktor? Ewan ko ba pero technologically inept si Mama kalimitan. At doktor na siya niyan. Kaya kung tutuusin -- wireless landline -- kaunti lang naman ang pinagkaiba nito sa pangkaraniwang landline na simpleng gamitin at sanay na siyang gamitin. Pero kung papipiliin pa rin ako, celphone na lang ako.
3.
Ilang beses ko nang nakasalubong tuwing pasakay na ako ng elevator para pumuntang Ateneo ang isang batang nakatira rin sa parehong palapag. Koreana ata siya. (Nante's favorite people.) At wala pa ata siyang dalawang taong gulang. Kalimitang kasama niya ang kanyang yaya o ina. Habang naghihintay sa pagdating ng elevator, napansin kong palagi niya ako tinititigan na para bang ngayon lang siya nakakita ng isang matabang tao. Siguro nga noon lang siya unang nakakita ng isang matabang tao. Pero napansin ko din na ginagagad niya ako. Ginagaya niya ang galaw ng mga kamay sa totoo lang. Tuwing hinahalukipkip ko ang aking mga kamay, hinahalukipkip din niya ang kanyang mga kamay. Siyempre, hindi naman talaga siya marunong maghalukipkip ng mga kamay. Pinapatong lang niya ang kanyang mga braso sa kanyang harapan. Ang cute-cute talaga. Naaalala ko tuloy nang minsang sumakay ako ng dyip at may sanggol na katapat ko. Nakakalong ang sanggol sa kanyang ina. Pero sa buong sakay ko, nakatitig lang siya sa akin. Para bang noon lang siya nakita ng matabang tao. Pinilit kong ituro sa kanya ang katabi ko na kasama kong sumakay ng dyip at nakapansin din ng pagtitig ng bata. Pero kahit na anong gawin namin, hindi pa rin mawala ang titig ng batang iyon. Doon naman sa batang Koreana, may iba naman kaming nakakasabay na mga tao pero ako pa rin ang pinagtutuunan niya ng pansin. Kaya ito, napapaisip ako, nagpayaso na lang kaya ako?

Martes, Pebrero 05, 2008
Noong Linggo...
...libreng pizza! Yey!
Si Carla, ang birthday girl, si Aina at si Paolo
Mara at Conrad
Mother ni Carla at si Carla
Sina Tonet, Gino at Lulu
Si Danny, ako at si Tonet

Sabado, Pebrero 02, 2008
Tsismis
1.
Natapos na rin ang report namin ni Nikka kay Oppen. Nagpulong pa kami noong Huwebes. OK naman. Hindi madalas sumingit si Sir Allan. (Hi, Sir.) Mahirap si Oppen. Pero masaya. Basta. Natapos na rin ang report ko para sa klase ni Sir Mike. Napagod talaga ako.
2.
Nasa San Pablo ako ngayon. Walang klase sa Lunes kaya dito ako hanggang Martes. Recharge na rin kahit konti. Medyo lethargic ako nitong nakalipas na mga araw. Gawa siguro ni Oppen.
3.
Nasalisihan daw yung kapitbahay namin dito sa Bagong Pook. Anim na lalaki daw ang pumasok sa bahay at pinagtatali ang mga may-ari ng bahay. Nilakasan daw ang TV para hindi marinig ng ibang mga kapitbahay. Sabi-sabi, mukha daw mga adik ang mga magnanakaw. Kaya ito, alerto ang mga tao dito. Maging ang aso namin ay nilipat dito sa loob ng bahay.
4.
Napatay din daw yung dating chairman ng Atisan. Mayroon na rin daw mga banta sa kanyang buhay. Konektado daw sa pagkakapatay niya sa isang magnanakaw.
5.
Bilangin kung ilang beses kong ginamit ang salitang 'daw'.
6.
Pahabol nga pala diyan sa mga nagdiwang ng kaarawan nila nang mga nakalipas na araw, sina Sunny, Xenia at Geopet. Happy Birthday naman kay Carla na ngayong Sabado ang kaarawan.

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)