Biyernes, Nobyembre 02, 2007

Strike

1.

Kahapon may bumanggang traysikel sa aming kotse. Tinakbuhan kami. Pumarada kami sa isang kanto at hinabol ni Dad ang traysikel. Dahil trapik, naabutan niya. Pinagsususuntok niya. Kaya paga ngayon ang kanyang kamay. Gasgas lang naman ang natamo ng kotse. Kailangan pa bang magkasuntukan? Nauunawaan ko naman ang ginawa ni Dad. Alagang-alaga niya ang aming mga kotse. Pero nakakatwang mapainsin ang napaka-middle class na pagtingin sa kotse. Na para bang ikaw na mismo ang sinampal. Tang ina, gasgas lang iyan sa isang inanimate object! Kaya nahiya talaga ako sa nangyari.

2.

Strike ngayon ang Writers Guild of America. Ibig sabihin? Mauudlot ang pinakasusubaybayan ninyong (hindi ako nakakapag-download at kauti lang ang channel dito sa San Pablo) mga palabas katulad ng Heroes at House. Mukhang magiging madugo ito. Magiging mas astig pa isang reality tv.

3.

Ang daming sinokmani dito sa bahay.

2 komento:

Nea ayon kay ...

Hi Mitch!

Kakabasa ko lang ng post mo tungkol sa workshop. Namiss ko tuloy lahat. Haha. Narecord mo pala yung presentation namin? Wala lang, oo nga, ang lakas ng tawa mo noon. Nahawa nga kami sa iyo. Hirap magpigil ng tawa. :)

Unknown ayon kay ...

Oo, narekord ko. Tingnan ko kung magagawan ko rin siya ng transcript. :D