Rose Revolution ng Georgia, Orange Revolution ng Ukraine, at ang mga protesta sa Lebanon. Ilan lang ito sa mga "mapayapang" mga rebolusyon na nangyari at nangyayari sa nakalipas na mga taon.
Nakakatuwang isipin na ang lahat ng mga ito ay nagsimula doon sa EDSA noong taong 1986. Noon pa man ay mayroong nang ideya ang mga tao sa tungkol sa mapayapang protesta salamat kay Gandhi. Ngunit sa EDSA naipakita ang lakas ng buong mamamayan na ginalit ng pandaraya at pang-aapi.
Nang mangyari ang mga rebolusyon na nabanggit kanina, di binanggit ang EDSA. Iba nga naman kasi ang bansa, iba ang panahon. Pero iisa lang ang diwa, ang diwa ng kalayaan at demokrasya. Noon hanggang ngayon.
Hindi naman sa dapat lagayan ng patent ang nangyari sa EDSA. Sa totoo lang, isang dakilang penomina na makita na lumalaban ang libo-libong mga tao para sa kanilang kalayaan, kanilang karapatan. Pagkalipas ng mga panahon, ang mga mapayapang protesta ay naging kasing kahulugan ng demokrasya.
Kaakibat ng mga digmaan ng nangyayari sa buong mundo, sa Iraq, sa Afghanistan. Sa mga madugong teroristang pambobombang nangyari, walang katapusan ang pagdanak ng dugo. Ngunit ang pagbabago ay hindi naman talaga makukuha hawak ang baril at C4. Ang pagbabago ay makukuha lamang kapag bukas ang lahat sa ideya ng pagbabago.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento