Kanina ang huling mga klase ko para sa PH102 at FIL105. Ibig sabihin, (1) malapit nang matapos ang semestre at (2) mas marami na ang aking libreng oras para ilaan sa mga papel/sulatin at pag-aaral para sa napipintong huling mga pagsusulit, mas maraming papel kaysa pagsusulit. Kaya hindi ako dapat pabanjing-banjing, kung hindi, mai-incomplete ako.
Pero nakakatuwa ang mga pagtatapos kanina. Para sa Pilosopiya, nagkaroon ng kaunting kainan ng palabok. (Hindi ako nakakain ng marami dahil may klase pa ako sa Filipino.) Ang sarap pa naman ng palabok. Sa Filipino naman, pumunta kami ng Starbucks at uminom ng frap habang nagbabasa ng mga babasahin. (Nakakaasar lang ang maingay na mga tricycle at yung isang kotseng biglang tumunog ang alarm.)
Wala akong pakiramdam ng kawalan. Ewan ko. Hindi lang talaga ako madamdamin o masyadong napapalapit nang ganoong kadali. Pero ang saya ng dalawang klaseng iyon. Sobra. Ang daming tawanan sa Pilopiya at marami akong natutuhan sa Filipino. (Oo, "maraming natutuhan" ay masaya para sa akin. Marami rin akong natutuhan sa Pilosopiya.)
Sige, basa pa ako ng mga babasahin.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento