Sa unang beses sa loob ng mahabang panahon (mga isang taon para maging sakto), nagiging mabusisi, magulo at nakakapagod ang mga kakalipas at darating na mga araw. Sa ngayon, kakapasa ko lang ng papel sa Hi166, na pang grupo, at isang report sa Newswriting. Sa darating pang mga araw ay kailangan kong magpasa ng isang mapagmuni-muning papel para sa Pilosopiya at isang papel para sa Fil105. At mayroon pa akong pasalitang pagsusulit para rin sa Pilosopiya at depensa para sa papel sa Hi166.
Hell week? Impiyerno? Marahil. Nakakatulog pa naman ako kaya ayos pa. Kapag nagsimula na akong makakita ng kung anu-ano o kaya ay magsimulang tumitig sa dingding habang nakikipag-usap sa aking sarili, baka mukhang nahihirapan na ako. Pero hindi pa naman nangyayaro iyon e.
Napagod lang ako kanina. Nahirapan akong manatiling gising sa Newswriting kanina. Kaunting tulog lang, ok na ako. Basta kailangan ko lang magpahinga. Ganoon lang naman palagi e.Hirap at tiyaga lang iyan.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento