Maligayang Kaarawan Mara!
***
Hindi naman talaga napakasama ang araw ko. Hindi naging ganoong kahanda ang pampangkat na report na ginawa ko sa Hi166 at medyo nabigyan ng babala ni G. Tirol ang buong klase sa COM 140 pagdating sa aming mga sinulat. Pero ok lang. Hindi din naman ganoong kasama ang mga bagong aral ang nakuha mula sa mga karanasan doon. Kailangan ko lang pag-igihan ang susunod kong mga gawain.
Miyerkules, Enero 26, 2005
Martes, Enero 25, 2005
Meet the Fockers
Maligayang Kaarawan kay Emely!
***
Bilang isang "sequel" maganda kung napanood mo na ang "Meet the Parents" para madaling maintindihan ang mga tauhan at ilang patawa ng pelikula. Pero payak lang naman ang banghay at madaling makilala ang mga tauhan kaya hindi naman talaga kailangan na panoorin ang una para lubusang masiyahan sa pelikulang ito.
Pagkatapos makuha ang tiwala ni Jack Byrnes, na ginampanan Robert DeNiro, na aprubahan na ang kasal ni Gaylord "Greg" Focker, na ginampanan ni Ben Stiller, sa anak ni Jack kasintahan ni Greg na si Pam Byrnes, na ginampanan ni Teri Polo. At bilang bahagi ng kasal ay ang pagkakakilanlan ng mga nina Greg at Pam, isang bungguan ng dalawang magkaibang mundo.
Hindi ito isang tradisyunal o pangkaraniwang pelikula pagdating sa kuwento. Walang direktang tambalan pero patuloy ang tension sa pagitan ng mga tauhan. Kaya hindi nakukuha ng pelikula ang atensiyon ng mga manonood gamit lamang ng tradisyunal na tambalan. Nakukuha ng pelikula ang atensiyon ng manonood gamit ng "unpredictability" nito. Hindi mo mahuhulaan kung ano ang susunod na nakakatuwang mangyayari o gagawin ng mga tauhan.
Gumagamit ng pagpapatawang "situational" ang pelikula. Mga pangyayaring maaaring mangyari at ang mga nakakahiyang ginagawa ng mga tauhan sa mga pangyayaring ito. Dahil stereotipo at napakamagkaiba ang mga tauhan, doon nangyayari ang mga kakaibang mga pangyayari. May mga OA na sitwasyon ngunit hindi naman sobrang OA na hindi na nakakatuwa. Medyo mahirap panoorin ang ilang bahagi, kasi sobrang nakakahiya ang mga nangyari, pero nakakatawa pa rin naman ang kabuuan ng pelikula.
Maganda naman ang pelikula at nakakatuwa ang mga "character development" ng mga tauhan. Pero may bagay na hindi ko masabi o mailarawan na nagtataboy sa mga manonood. Hindi ko talaga alam kung bakit ganoon ang pakiramdam ko.

Lunes, Enero 24, 2005
Pasalitang Eksamen
Kakatapos ko lang ng aking pasalitang eksamen para sa Pilosopiya. Nakakatuwa. Kagaya ng huling pasalitang eksamen noong nakaraang sem, naging mabilis ang pasalitang eksamen. Salita lang ako ng salita. Sinasagot ko lang ang lahat ng mga tanong ni Sir Capili. Kaya ito, paban-ging-ban-ging na lang muna ako hanggang sa susunod na kailangang tapusin.
Linggo, Enero 23, 2005
Kung Mamumulat Ka
Mainit ang sikat ng araw. Maraming mga taong naglalakad sa tabi ng mga riles. May mga dumaan na tinutulak na sasakyan. Naglalaro ang mga bata ng jolen sa labas ng mga bahay na gawa sa mga yero at kahoy. May mga binatang naglalaro ng bilyar sa isang bahay. May mga umiinom na lalaki ng softdrinks sa isang sari-sari store na pitong talampakan ang layo sa riles. Ngunit hindi ito ang riles sa Sampalok, Maynila kung saan ginanap ang Riles. Ito ang riles sa San Pablo, Laguna.
Hindi ang pelikulang “Riles” ang una kong karanasan sa isang riles. Kaya hindi ko masasabi na sobra ang gulat o pagmulat ko sa aking panonood ng “Riles.” Noong makita ko ang ang mga panimulang eksena ng pelikula, wala marahil dating sa akin iyon. Pero iba kung makikilala mo ang isang tao ng mas masinsinan.
Naging bahagi ako ng isang immersion kasama ang mga kamag-aral ko sa mataas paaralan. Nakisama kami sa ilang mga pamilya na nakatira sa riles. Nakakahiya pero hindi na natatandaan ang pangalan ng pamilya na nakasama ko. Mahina talaga ang aking alaala pagdating sa pangalan. Pero naaalala ko pa ang dalawang batang babae, ang ate nilang hindi pa nakakatungtong ng dalawampung taon na mayroon na agad na sanggol at batang lalaki na nag-aaral sa kanilang magkakapatid.
Mali siguro kung paghahambingin ko ang dalawang riles sa pelikula at sa naranasan ko. Sa, totoo lang wala naman talagang pinagkaiba ang dalawang riles sa isa’t isa. Mas madumi at mas matao marahil ang riles nina Mang Eddie at Aling Pen. Pero naan doon pa rin ang mga parehong problema, parehong mga alanganin.
Hindi ko marahil alam ang kahalagahan ng karanasan kong iyon. Hindi naging mahirap ang karanasang iyon sa akin para lubusan talagang imulat ang aking kamalayan. Hindi ko nakita ang pang-araw-araw na suliranin nila. Nakita ko ang mga ngiti at tawa noong nakipag laro ang mga bata sa akin. (Sumasampay sila sa akin, nagpapabuhat at nakikipaglaro.) Ngunit naiintindihan ko, pagkatapos ng kaunting pagmumuni-muni, ang kagandahan ng aking posisyon at ang mga problema sa lipunan.
Tinutulak ng karanasang iyon na may gawin ako pero paano ko ba talaga matutulungan ang iba? Hindi ko pa talaga alam ang aking sarili at lalo na ang mga posibilidad. Isa lang akong hamak na mag-aaral na kaunti ang kapangyarihan. Pero hindi mahalaga iyon. Kaya kong lampasan iyon. (At sana malampasan ko.)
Kaya noong napanood ko ang pang-araw-araw na buhay nina Mang Eddie, Aling Pen at ang kanilang pamilya, handa na ako sa mga makikita ko. Pero may ibang dating sa akin ang karanasan. Hindi ang kanilang sitwasyon lang ang nakikita ng mga manonood, sila at ang kanilang mga personal na damdamin ang matutunghayan ng mga tao. Makikita kung gaano kahirap ng paglalako ng Mang Eddie ng balut ngunit hindi lamang iyon ang nakikita. Makikita ang mga away nina Mang Eddie at Aling Pen. Ngunit makikita rin ang mga ginagawa nila para makalimutan o gumaan ang paghihirap nila. (Ang mga pag-inom ni Mang Eddie at pag-awit ni Aling Pen.)
Iyon marahil ang ideya sa likod ng pelikula. Ang mga personal na karanasan ng mga taong nasa gitna ng kahirapan. Mahirap tanggapin na naging mahirap sina Mang Eddie at Aling Pen sa buong buhay nila. Mahirap din na maintindihan na hindi pa rin sila sanay sa kahirapan. Hindi naman tama na sabihin iyon. Bilang bahagi ng kanilang facticity at isang di magandang pamumuhay, maiintindihan na gusto nilang lampasan ang kanilang kasalukuyang kalagayan. Gusto nilang guminhawa ang buhay, umalis sa riles at magkaroon ng sariling negosyo.
Pero alam nila na hindi nila kayang gawin iyon ng mag-isa o iwanan ang isa’t isa. Kaya kahit na nag-aaway sina Mang Eddie at Aling Pen, hindi sila naghihiwalay. Lampas doon ang kanilang pag-ibig. Kaya ng tunay na pag-ibig, magkasama sila sa kanilang buhay. Lahat ng dusa ay pinaghahatian nila pati na rin ang lahat ng suwerte sa buhay.
At kahit na nag-aaway sila, kita na may diyalogo sa pagitan nina Mang Eddie at Aling Pen. Naiintindihan nila ang isa’t isa at bukas sa isa’t isa, kahit na nahihirapan si Mang Eddie na gawin ang kagustuhan ni Aling Pen. Tunay ngang magkaagapay sila sa buhay. Hindi lamang sila umiiral, nabubuhay sila para sa isa’t isa.
Iyon siguro ang mahalaga, pag-iral kasama ang iba. Mahalaga ang pag-iral, mahalaga ang buhay. Kaya mahalaga din na makibahagi sa pag-iral ng iba at isama ang iba sa ating pag-iral. Lumalampas ka sa sarili nararanasan natin ang mga bagay na hindi natin basta-basta mararanasan ng mag-isa.
Hindi ko alam kung handa ako ngayong lumampas sa aking sarili at makasama ang iba. Ngunit alam ko na kaya kong gawin iyon at mamumulatan din tunay na katotohanan sa pag-iral at buhay kung magiging bukas ako para sa iba.

Sabado, Enero 22, 2005
Isang Pag-unawa sa "Kun Sino ang Kumatha ng 'Florante'" ni Hermenegildo Cruz
Panimula
Nilimbag ang aklat na “Kun Sino ang Kumatha ng ‘Florante’” ni Hermenegildo Cruz noong tang 1906. Ang aklat na ito ang pinakaunang nilathalang pag-aaral tungkol kay Francisco Baltazar at ang kilalang “Florante at Laura.”
Sa mga panahon pagkatapos ng himagsikan at panahon ng pagbubuo ng pambansang identidad, nagkaroon ng pagnanasa ang mga maka-Tagalog, at, sumunod, ang mga nasyonalistang magkaroon ng sariling haligi sa mundo ng panitikan. Nagkaraon ng pagnanasa na magkaroon ng bantayog kung saan papalibot ang mga dadating na mga manunulat at ang kamalayang pampanitikan.
Ang “Kun Sino ang Kumatha ng ‘Florante’” sa aklat na “Himalay” ay una at ika-apat na kabanata lamang ng orihinal na libro. Ayon sa mga editor, ang mga kabanata lamang na ito ang sinama nila sa kalipunan dahil ito ang mga kabanatang nanatili sa paksa at hindi lumiligoy. Ayon nga sa notas, “Napakaligoy ang estilo ng pagsusulat noon, hindi lamang ni Cruz kundi ng panahon mismo.”
Pagbubuod
Nahahati sa dalawa ang “Kun Sino ang Kumatha ng ‘Florante.’” Ang una ay ang “Kasaysayan ng Buhay ni Francisco Baltazar” at ang pangalawa’y “Ang Pagka-manunula ni Francisco Baltazar.” Ang unang bahagi ay tumatalakay sa buhay ni Francisco Baltazar, isang maikling biograpiya. Ang pangalawa naman ay tumatalakay sa galing at estetika ni Francisco Baltazar.
Kasaysayan ni Baltazar
Sinimulan ni Cruz ang bahaging ito sa pagtatama kung saan nga hinirang o ipinanganak si Francisco Baltazar. Pinatunayan ni Cruz na ipinanganak si Baltazar sa bayan ng Bigaa, Bulakan noong ika-2 ng Abril, 1788. Pinatunayan niya ito gamit ng isang kasulatan mula kay Padre Blas de Guernica, ang nangangasiwa sa mga datos ng bayang iyon noong taong 1906.
Gamit din ang parehong kasulatan, pinatunayan niya na ang pangalang Francisco Balagtas ang binyag na pangalan ni Francisco Baltazar. Ayon kay Cruz, nagpalit ng apelyido si Francisco Baltazar sa kanyang pagtira sa Tondo at Baltazar na ang ginamit ng kumatha ng “Florante” hanggang siya ay mamatay.
Pinag-usapan din ni Cruz ang pangunang-aral na nakuha ni Baltazar noong kanyang kabataan sa Bigaa. Pero binigyang linaw niya na “marahil, nang nagkaroon nang katamtamang gulang, siya’y ipinasok sa isang paaralan sa nayon ng kanilang tinitirhan.” Pinapaliwanang ni Cruz ang mga maaaring mga aralin sa mga paaralang pinapangasiwaan ng mga pari. Ang pag-aaral ng Doctrina Christiana, Cartilla, Misterio at Trisagio. Walang siguradong kasulatan o katibayan na nakapag-aral si Baltazar sa isa sa mga nasabing paaralan. Ngunit sa mga panayam ni Cruz sa mga kamag-anak ni Baltazar na nakapag-aral nga si Baltazar bago pa siya dumating sa Tondo.
Lumuwas ng Maynila si Baltazar noong taong 1799. Ipinalagay ni Cruz na mayroon si Baltazar na oficio o isang tagapangalaga. Kapalit ng pagtira sa ilalim ng oficio ay naging utusan si Baltazar para sa kanya. Ang oficio na iyon, ayon sa mga kamag-anak na nakapanayam ni Cruz, ay nagngangalang Trinidad.
Sa pormal na pag-aaral ni Baltazar, nag-aral siya ng Canones sa Colegio de San Jose noong taong 1812. Ipinalagay ni Cruz na nag-aral marahil muna si Baltazar sa Colegio de San Juan de Letran ng mga kursong kailangan para makapag-aral ng Canones. Mga pag-aaral sa “Gramatica Castellana, Gramatica Latina, Geografia, Aritmetica, at Fisica.”
Sa Colegio de San Juan de Letran, nagsimula nang magsulat si Baltazar ng mga tula. Dito niya kinuha ang kaunting pera at kita niya, sa mga pagsusulat ng mga tula para sa mga kamag-aral niya. Kumuha din siya ng ilang trabaho bilang tagapagsulat sa hukuman o kaya sa pamunuang bayan noon.
Ipinalagay ni Cruz na naging kakilala niya ang ilan sa mga bantog na manunula sa Tondo at Bulakan. Isa sa mga kilala na manunula noon ay si Huseng Sisiw. Siya ang nilalapitan ng mga nakababatang manunula, kasama na si Baltazar, para ipaayos ang nagawang mga tulang pag-ibig. Sinasabi na naging guro ni Baltazar sa panunula si Baltazar. Naging malapit daw ang dalawa, ayon sa mga nakapanayam ni Cruz. Ngunit nagkaroon ng away ang dalawa. Nagdamdam si Baltazar nang hindi inayos ni Huseng Sisiw ang ginawang tula ni Baltazar.
Noong taong 1835 o 36, lumipat si Baltazar sa bayan ng Pandakan at nakitira sa isang Pedro Sulit. Doon niya nakilala si Maria Asuncion Rivera at si Magdalena Ana Ramos. Ngunit nilinaw ni Cruz na hindi naman talaga taga-Pandakan si Magdalena Ana Ramos.
Niligawan ni Baltazar si Maria Asuncion Rivera ngunit nagkaroon daw siya ng karibal. Kaya raw siya dinakip at kinulong ng ilang araw.
May mga nagsasabing sa pagkakakulong sa Pandakan sinulat ni Baltazar ang “Florante at Laura.” Ngunit nilinaw naman ni Cruz na malabong dito sa panahong ito sinulat ni Baltazar ang “Florante at Laura” pero dinahilan niya na sa karanasan ni Baltazar sa kulungan na iyon hinango ang “Florante at Laura.”
Sa “Kay Celia” naman ay pinatunayan ni Cruz na si Maria Asuncion Rivera nga ang tinutukoy na M. A. R. sa tula. Ayon ito sa mga nakakakilala sa kanya na mga taga-Pandakan na nagsasabing Celia ang palayaw ni Maria.
Umalis si Baltazar sa Pandakan noong taong 1838 at bumalik ng Tondo sa taong 1840. Hindi alam ni Cruz kung saan namalagi si Baltazar sa panahong bagitan ng taong 1838 at 1840 pero ipinalagay na sa Tondo na rin nilipas ni Baltazar ang panahong iyon.
Noong taong 1840, naging kawani si Baltazar sa isang juez de residencia sa Balanga, Bataan. Dahil sa katungkulang iyon ay napalakbay siya sa mga karatig bayan ng Balanga. Isa na sa mga bayang iyon ay ang Udyong kung saan nakilala ni Baltazar ang kanyang mapapangasawang si Juana Tiambeng. Pinapatunayan ito ng isang kasulatan mula sa kura ng Udyong, si Padre Primitivo Baltazar.
Permanente nang lumipat sa Udyong si Baltazar at nagkaroon ng labing isang anak sa kanyang asawa. Pito ay namatay na habang ang ang apat ay buhay pa noong unang nilathala ang aklat. Ang mga pangalan ng apat ay Ceferino at Victor, Isabel at Silveria.
Sa kanyang pamumuhay sa Udyong, natanggap ni Baltazar ang ilang mga posisyon o katungkulang bayan kagaya ng pagiging Teniente Primero, Juez mayor de sementera, at iba pa.
Ngunit nabilanggo ulit si Baltazar sa bayan ng Udyong noong taong 1856 o 1857. Nasakdal siya sa pataw ng pagputol ng buhok sa isang alilang babae ni Alferes Lukas, isang mayamang taga-Udyong. Nakulong siya sa bilangguan ng Balanga ng anim na buwan at ang pinatuloy ang kanyang pagkakakulong noong 1857 o 1858 sa bilangguan ng Maynila, na matatagpuan noon sa Tondo. Lumabas siya ng bilangguan noong taong 1860.
Habang nasa loob ng bilangguan, ay sumulat ng maraming mga dulang moro-moro si Baltazar. Ipinalabas ang ilan sa mga ito sa “Teatro de Tondo.” Sa pagkakalabas ay nagpatuloy na magsulat ng tula at dula si Baltazar hanggang siya ay mamatay noong ika-20 ng Pebrero, 1862. Pinapatunayan ito ng isang kasulatan mula sa kura ng Udyong.
Isa lang daw ang bilin ni Baltazar sa kanyang asawa, pinagbawalan niya ang kanyang mga anak na magsulat ng tula.
Pagkamanunula ni Baltazar
Para kay Cruz, “Ang tunay na uri ng tula ay di [lamang] nakikita sa pagtutugma-tugma ng mga pangungusap, kundi sa ubod at pinakalalaman nito.” Ang mga katangian na ito ay makikita sa mga sinulat ni Baltazar at sa “Florante at Laura.” Puno ng mga nilalaman at mga kuro-kurong nababagay para sa pangangailangan ng panahon ni Cruz, lalo na noong himagsikan. Iyon ay ang pagkakapantay-pantay ng mga lahi.
Pinapatunayan din ni Cruz ang galing ni Baltazar. “Hindi lamang sa inam ng pangungusap at katotohanan ng mga sinasabi, ay ang mainam na paglalarawan, talas ng isip at paglalagay ng palamuti sa mga damdaming dalisay.”
Maraming sinulat si Baltazar. Ngunit dumating sa punto na sa sobrang dami ng kanyang sinusulat sa napakaikling panahon, kinailangan niya ng dalawang taga-sulat. Dinidiktahan niya ang mga taga-sulat, ang isa ay sinusulat ang isang komedya habang ang isa ay sinusulat ang isang tula.
Binanggit din ni Cruz ang pinanggalingan ng mga moro-moro. Ipinaliwanag na isa itong banyaga at Kastilang dinala dito sa Pilipinas. Ngunit hindi lamang isang gaya ang “Florante” sa mga libros de caballeria. Isa itong orihinal na gawa na walang kapareho.
Naniniwala din naman si Cruz na nauuna at maaga si Baltazar at ang sinulat niya kumpara ibang nasulat sa kapanahunnan ni Baltazar. Tumiwalag siya sa mga palatuntunan. Sa sobrang nauuna ang “Florante at Laura” sa nilalaman, tinuya ang katha ng mga manunulat noong una itong inilabas. Gumagamit kasi ang “Florante at Laura” ng mga imahen at bagay na hango sa Istorya at Mitolohiya, dalawang disiplina na hindi agad maiintindihan ng mga mambabasa.
Sa mga panahon din ni Cruz, maraming mga manunulat ang naglitawan at nagsusulat. Ngunit, para kay Cruz, hindi nila mapantayan si Baltazar. Kahit na mayroong laman ang kanilang sinusulat, kagaya nang kay Baltazar, wala silang “tamis at hinhin” sa pagsusulat ng kanilang Tagalog.
Ang “Florante at Laura” ay hango sa buhay ni Baltazar. May sinasabi ang katha tungkol kay Baltazar. Sabay noon ay mga katotohanan tungkol sa lipunan na totoo sa ano mang panahon.
Pagpuna
Maganda ang simula ni Cruz sa unang kabanata. Pinatotoo muna niya kung saan hinirang si Francisco Baltazar at kung alin nga ba sa dalawang apelyido, Balagtas o Baltazar, ang tunay na pangalan ng kumatha ng “Florante.” Mahalaga na masagot ang mga tanong na ito para sa pagbabasa ni Cruz. Ginagamitan kasi niya ng socio-historikal at hermenutikal na pagbabasa ang “Florante at Laura.” Socio-historikal dahil ginagamit nila ang lipunan at kasaysayan para sa kanyang pagbabasa ng "Florante at Laura." Hermenutikal dahil naghahanap ng mga sagot si Cruz gamit ang pagbabasa ng "Florante at Laura." Nagawa ng mga ugnayan si Cruz sa may-akda at sa akda at lipunan at ipinapalagay na tama ang kanyang pagbasa. Mayroong pinagmulan ang akda, iyon ay ang manunulat at ang lipunan nito. At may epekto ang akda sa hinaharap.
Maganda ang pagkakasaliksik ni Cruz para masagot ang maraming mga tanong tungkol kay Baltazar. Nakakuha siya ng mga kasulatan at mga panayam mula sa mga kamag-anak ni Baltazar at mga nakakakilala sa manunulat. Ang mga ito ay mga konkretong mga katibayan para sa kanyang mga hypotesis.
Ngunit hindi tuluyan ang paggamit niya ng mga konkretong katibayan kagaya ng mga kasulatan. Gumagamit si Cruz ng mga pagbasa sa “Florante at Laura” upang bigyang “kasaysayan” ang buhay ni Baltazar. Naiintindihan ko ang ganitong pagsalalay sa pagbabasa. Hermenutikal ang nakasanayan na ni Cruz kaya madaling paniwalaan ang mga nakagawiang pag-intindi sa akda at ang relasyon nito sa may-akda. Isang salamin, dapat, ng akda ang karanasan ng may-akda. Ngayon, hindi uubra ang ganyang pagsasakasaysayan dahil may mga pagbabasa ngayon na hindi man lamang binabanggit ang may-akda.
Marami ding mga pagpapalagay si Cruz sa ilang mga detalye. Nagpapalagay siya na totoo ang isang haka-haka kapag malabong mangyari ang isa. “Mahirap paniwalaan na mangyari iyan. Marahil ito ang nangyari” ang kalimitang lohika niya. Problematiko ito dahil hindi inaalalayan ng di magkakamaling katibayan ang mga hypotesis.
Nagpatuloy ang socio-historikal at hermenutikal na pagbabasa ni Cruz sa sumunod na kabanata. Hindi tinitingnan ni Cruz ang mga tugmaan ng “Florante at Laura.” Mas binibigyang halaga niya ang nilalaman ng tula.
Hinambing muna ni Cruz si Baltazar sa mga kapanahunan ni Baltazar. Nakakalamang daw si Baltazar pagkarating sa nilalaman dahil ang mga aral at kuru-kuro na ibinigay ni Baltazar ay magagamit sa mga darating na panahon. Dahil dito, hindi na lamang isang manunula si Baltazar, nagiging siyang isang propeta na may dakilang mensahe.
Hinambing naman ni Cruz ang mga manunulat ng kanyang kapanahunan at si Baltazar. Para sa kanya, pantay-pantay ang kanilang mga nilalaman ngunit mas nakakalamang si Baltazar dahil sa galing nito sa Tagalog. Problematiko ang paghahambing na ito sa sanaysay dahil walang mga diretsahang paghahambing si Cruz. Sinasabi lang niya na mas maganda ang Tagalog ni Baltazar ngunit walang malinaw na batayan.
Kasama din ng paghahambing ni Cruz sa mga ka-kontemporaryo niya kay Baltazar, nalabas ang nasyonalistang pagkiling ni Cruz. Ginagamit ni Cruz si Baltazar bilang halimabawa ng isang tunay na Pilipino, matalino at mayroong sariling paniniwala. Kapareho ito ng uri ng nasyonalismo ni Epifanio de los Santos. Mga Pilipinong binubuo ang sariling bansa at sariling kapalaran.
Inihambing din ni Cruz ang “Florante at Laura” sa mga “orihinal” na moro-moro. Hindi lamang daw isang panggagaya ang “Florante at Laura,” isa itong tunay na nag-iisang gawa na walang hambing mula sa mga Kastilang orihinal. Nakakatuwa ang bahaging ito dahil may tunog ito ng post-colonialism. Hango marahil ito sa nasyonalistang pananaw ni Cruz. Halata na ginagamit si Francisco Baltazar bilang isang mapang-isa at mapagbuklod na simbolo kumpara ng naging imahen ni Jose Rizal.

Miyerkules, Enero 19, 2005
Kung Ito ang Impiyerno, Nasaan si Pareng Luci?
Sa unang beses sa loob ng mahabang panahon (mga isang taon para maging sakto), nagiging mabusisi, magulo at nakakapagod ang mga kakalipas at darating na mga araw. Sa ngayon, kakapasa ko lang ng papel sa Hi166, na pang grupo, at isang report sa Newswriting. Sa darating pang mga araw ay kailangan kong magpasa ng isang mapagmuni-muning papel para sa Pilosopiya at isang papel para sa Fil105. At mayroon pa akong pasalitang pagsusulit para rin sa Pilosopiya at depensa para sa papel sa Hi166.
Hell week? Impiyerno? Marahil. Nakakatulog pa naman ako kaya ayos pa. Kapag nagsimula na akong makakita ng kung anu-ano o kaya ay magsimulang tumitig sa dingding habang nakikipag-usap sa aking sarili, baka mukhang nahihirapan na ako. Pero hindi pa naman nangyayaro iyon e.
Napagod lang ako kanina. Nahirapan akong manatiling gising sa Newswriting kanina. Kaunting tulog lang, ok na ako. Basta kailangan ko lang magpahinga. Ganoon lang naman palagi e.Hirap at tiyaga lang iyan.

Martes, Enero 18, 2005
Ang Nakakabaliw na Mundo ng Deconstruction at Post-Modernism
Putsa. Nakakasira ng ulo ang Deconstruction. Pinag-uusapan namin kanina ang haliging ito ng teorya sa panitikan sa Fil105. Hindi ko pa rin lubusang naiintindihan ang teoryang ito. Pagkakaintindi ko, ang mga materyal na bagay ay ginagawang isang "sign" na nagiging bahagi ng "semantic web." Ang "sign" ay nahahati sa "signified," ang binibigyang simbolo at "signifier," ang simbolo para sa signified. Ang "semiotic web" naman ay binubuo ng mga koneksiyon sa pagitan ng iba't ibang "sign" sa isa't isa at ang mga koneksiyon ng mga "signified" at "signifier." Gets? Hindi? Kita mo na.
Para sa Deconstruction, walang simula at katapusan. Lahat ay bahagi lamang ng "semiotic web." Ang isa ay konektado sa isa, sa isa, sa isa. Parang sapot. Pwedeng mong puntahan ang isang "sign" patungo sa isa pang "sign" sa kung ano mang direksiyon o kombinasyon.
Problema dito sa Deconstruction, mahirap magkaroon ng isang pulitikal na pananaw dahil wala kanaman talagang pananaw e. Kung walang paghahati sa mga ideya at kaalaman, wala na rin sigurong paghahati sa pulitika? Kung Deconstruction ang pananaw mo, wawasakin mo ang sistema pero ano ang ipapalit mo? Ang kawalan? Wala kasing isang konkretong kaganapan sa mundo ang Deconstruction. Mula sa tunay na mundo ang lahat na nagiging bahagi ng web ay nagiging linguistic. Totoo pero hindi mo mahahawakan. Parang "ideal" ng mga Griyego.
Ewan ko kung tumpak ang aking pagkakaintindi. (Marahil ay hindi.) Kailangan ko pang magbasa para maintindihan ito. Deconstruction lang ito. Wala pang post-modernism.

Lunes, Enero 17, 2005
Kung Mamatay at Maalaala
Pinuntahan ko kanina ang "Parangal for Pacita Abad" sa St. Thomas More Garden. Kailangan ko siyang gawan ng report para sa Newswriting.
Pinilit ng karamihan ng mga dumalo na manatiling magaan ang kanilang loob pero sariwa pa ang mga alaala ng kanilag kaibagan. Kapapanaw lang ni Pacita Abad noong lamang nakalipas 40 araw. Kaya may halong lungkot ang mga pag-alaala ng mga tagapag-salita sa entablado. Mula sa kaibagan, kapatid at asawa.
Mahirap naman talagang tanggapin na wala na ang isang minamahal. Dadaan ka sa isang lugar kung saan nangyari ang isang mahalagang alaala, at napapatigil ka. Wala na siya pero naandiyan pa rin.
Kaya hindi lamang tayo mga tao na walang ginagawa. Kung sino man tayo, bahagi tayo ng isang sistema. At kung ano man ang gawin natin, mayroong nangyayari na nagbabago o nagpapadagdag sa sistema. Ultimo, kahit na ano man ang gawin natin hindi na pareho ang lahat. Iyon ang ating tatak sa mundo. Nabahiran na natin ang mundo at ang mga tao na kahalubilo natin. Kagaya ng pagbahid ng isang pintor sa kanyang canvas ng buhay.

Biyernes, Enero 07, 2005
GA at Isang Kawawang Aso
Nagkaroon ng General Assembly kanina para sa Fine Arts Festival para sa 2006. Kahit na matagal-tagal pa ay gusto na naming paghandaan ng mabuti ang huli naming banat sa kolehiyo. Mayroon na kaming napag-usapan pero wala pang mga bagay na kailangang gawin agad. Puro mga plano palang ang nagagawa namin pero mukhang alam na naman namin ang mga kailangang gawin.
Pagkatapos ng GA ay umuwi ako ng San Pablo. Wala kasi akong klase ng Sabado. Sasamahan daw ni Sir Mike ang ina niya sa ospital. Pero bago ako umuwi ng San Pablo, dumaan muna kami sa Binangonan. Mayroon kasing inuman si Dad kasama ng isang mga kaibigan niya doon sa bayang kinalakihan niya. Paalis na muli kasi ang isa sa kanyang kaibigang balikbayan balik ng Amerika. Doon ko muli nakita si Evan, yung sanggol na pinsan ko. Tumataba ata yung batang iyon.
Pauwi ay nakabangga kami ng isang aso sa may Alaminos. Biglaang patakbong tumawid ang aso mula sa aming kaliwa. Bago pa may nagawa si Kuya Adong, natamaan na namin ang aso. Gumulung-gulong ang aso papunta sa kabila ng kalsada, kumakahol at humihiyaw. Hindi namin alam kung namatay ang aso pero mukhang buhay na iyon pero baka malubha ang tama. Nakakaawa pero wala kaming magagawa.

Miyerkules, Enero 05, 2005
Unang Araw ng Pasukan sa Bagong Taon
Unang klase ko ngayong bagong taon at nag-absent ako. Bwiset. New Year's Resolution # 1 - Baguhin ang aking pagtulog. Kailangan kong matulog ng mas maaga! Pero makakalimutan ko lang ito sa susunod na linggo. Kaya iyon, pumunta na lang ako ng Ateneo para magbayad ng tuition.
Ang haba ng pila. Ang init pa. Kaya siguro sumakit ang ulo ko. Nasanay siguro ang katawan ko sa lamig ng San Pablo. Mas malamig talaga doon, sobra. Hindi ko kinailangang gumamit ng aircon para maging malamig. Hay, miss ko na naman ang bahay.
Ang maganda ngayon ay wala akong klase para sa Newswriting. Kaya madami akong libreng oras para makatulog. Iyon lang ang araw ko ngayon. Oo nga pala, New Year's Resolution # 2 - Huwag masyadong mag-Internet.

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)