Napagod ako nitong nakalipas na weekend. B-day ni Tetel noong Sabado at nagkaroon ng handaan sa bahay namin. Dumalo ang mga kaklase si Tetel noong hayskul, ilang mga kaklase ni Mae at ang mga pinsan at kamag-anak namin mula Binangonan. Hindi na ako nag-imbita ng mga kaibigan, hindi naman ganoong kalaki ang bahay namin. Wala akong nakitang mga litrato sa digicam naming Sony. Basta, nagkaroon ng munting 18 roses at 18 candles para kay Tetel. Impromtu iyon, nakashorts pa ako at tsinelas. Pagkatapos noon, inuman at kainan. Nalasing ako sa vodka.
2.
Mabuti na rin lang at hindi ako nagka-hang over. Dahil kinabukasan ay may sagala si Marol sa Binangonan. Maagang pumunta doon si Marol, Ninang Lily at Mae habang sumunod kami nina Tetel, Dad at Mama. Heto ang ilang mga larawan.
Escort ni Marol (Ralph ata ang pangalan niya), Si Marol at ang pinsan naming si Evan, ang Constantine ng Reyna Emperatriz
Si Marol kasama si Kuya Romy at Ate Rowena
Si Mama, Ate Liza, ako, Daddy, Marol, Kuya Eric, Ate Ting at Ate Rowena
Tetel, Dinna, ako, Marol, Ian, Mae, Debbie at Evan
3.
Heto naman ang ilan pang picture na ginanap noong Mayo 7. Nabanggit ko na rin ito dito.
Marol at Mae
Marol at Mama at ilang mga nakadungaw sa tarangkahan
Habang nasa daan
Si Daddy, napagod na
4.
May isa pa daw na sagala na sasalihan si Marol sa darating na Sabado. Para naman sa simbahan ng San Pablo. Flores de Mayo ata. Kaya pinapauwi ako. Ewan ko kung gusto kong umuwi ng San Pablo. Cameraman na naman. Medyo nakakapagod. Pero okey lang siguro. Exercise.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento