1.
Tungkol ito sa sex.
2.
Natapos ko na ang "Cloud Atlas" ni David Mitchell. Ambisyoso ang nobelang ito. Kabutihan at kasamaan ang pangunahing tema ng nobela at kung paanong ang pareho'y matatagpuan sa loob ng tao at kung paano nagtutunggalian ang dalawang ito. Tumatalon ang nobela sa pagitan ng anim na magkakaugnay na kuwentong nagaganap sa iba't ibang sandali ng kasaysayan, mula sa kolonyal na panahon sa Karagatang Pasipiko hanggang sa isang postapocalyptic na mundo. Isa itong matagumpay na halimbawa ng pastiche at ang bawat kuwentong nilalahad ng nobela. May iba't ibang tono, estilo at maging genre ang bawat kuwento.
Mahirap sabihing gustong-gusto ko ang nobelang ito. Magaling pero parang may "off" sa nobela. Marahil dahil alam kong isang pagpa-pastiche ang tinatangka ng nobela kaya alam kung peke o fictitious ang bawat kuwento. Pero napagbibigyan ko ito dahil isa itong pekeng may puso. At iyon naman din talaga ang pagkukuwento't pagkatha, di ba?
3.
Manood ng cute at mailap na mga rhinoceros.
4.
Nanood ako ng "Sex and the City" nitong Miyerkules kasama si Marol. Madaming cuts ang pelikula kaya naging R13 at pwedeng manood si Marol. Sa totoo lang, hindi masyadong nagustuhan ang pelikulang ito. Mahirap sabihing plot iyong mga nangyari, Masyadong episodic. At ewan ko lang pero parang hindi na kailangan ang character ni Jennifer Hudson sa pelikula dahil parang pang-epiphany lang siya at sa totoo lang ay hindi mo kailangan ng assistant para magkaroon ng epiphany. At best, it's an okey movie.
5.
Wala pa akong isang taong gulang nang huling maglaban ang LA at Boston sa NBA Finals.
6.
Katatapos lang kanina ng Flores de Mayo ng San Pablo kanina. At kasama ulit si Marol. Ito na ang huli. Pramis. Hindi na ako maglalagay ng mga picture. Hindi magaganda ang mga kuha ko. Kasama nga rin pala kanina ang batang gumanap na Crusita sa Marimar. Isa siya sa mga anghel at siya ang nagsalitang anghel na bumati sa lahat nang mag-aalay na ng mga bulaklak kay Inang Maria. At sinaulo niya ang mahabang tulang iyon na binigkas niya.
7.
Tungkol ito sa comics.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento