Huwebes, Mayo 22, 2008

Random Things

1.

May patay na butiki sa loob ng ref ko.

2.

Nagpakitang turo ako kahapon. And I bombed. Masyado akong ninerbiyos at ako'y naging estatwang nagsasalita. Nagpawis ako at pagminsa'y nabulol. Ganoon lang talaga siguro kapag ang mga "estudyante" mo ay yung mga naging titser mo. Hindi ako nagdemo sa harap ng isang tunay na klase kundi sa harap ng iba pang mga guro at kunwari sila ang estudyante at akoang guro. Pero dahil nga ninerbyos ako, hindi ako nakapag-roleplay nang maigi. Masyado rin ko kasing iniisip ang pagkuha ng tamang interpretasyon mula sa tula imbes na isipin kung paano ituturo ang tula. Pero kahit na ganoon ang nangyari, bibigyan din naman daw nila ako ng pagkakataon sa darating na semestreng magturo. Sana mas maganda ang performance ko pagdating noon.

3.

Nanalo ang LA Lakers kanina. Akala ko pa naman makakaisa ang San Antonio. Galing talaga ni Kobe.

4.

Para matanggalan ng stress mula sa demo, nanonood ako kanina ng bagong Indiana Jones. (Nasa preschool pa ako nang huling lumabas ang Indiana Jones sa sinehan.) Cute na pelikula. Makulit. Madaming action. Madaming jokes. Isang magandang pelikulang pampamilya. Medyo nabilisan lang ako sa daloy ng mga pangyayari sa huli.

5.

Binenta ang orihinal na kopya ng "Surrealist Manifesto"sa halagang 3.6 million euros.

6.

The military junta of Burma are A-holes.

7.

Bakit astig ang video na nakuha ang paglipad ng isang flying fish? Analogy: dahil parang itong isang taong lumalangoy sa ilalim ng tubig nang hindi humihinga sa loob ng 5 minuto. At dahil lumilipad ito. Astig ang lahat ng lumilipad.

8.

Parang ang daming kamatayan sa balita nitong mga nakalipas na linggo.

9.

Bilog ang buwan ngayong gabi.

Walang komento: