1.
Tungkol ito sa sex.
2.
Natapos ko na ang "Cloud Atlas" ni David Mitchell. Ambisyoso ang nobelang ito. Kabutihan at kasamaan ang pangunahing tema ng nobela at kung paanong ang pareho'y matatagpuan sa loob ng tao at kung paano nagtutunggalian ang dalawang ito. Tumatalon ang nobela sa pagitan ng anim na magkakaugnay na kuwentong nagaganap sa iba't ibang sandali ng kasaysayan, mula sa kolonyal na panahon sa Karagatang Pasipiko hanggang sa isang postapocalyptic na mundo. Isa itong matagumpay na halimbawa ng pastiche at ang bawat kuwentong nilalahad ng nobela. May iba't ibang tono, estilo at maging genre ang bawat kuwento.
Mahirap sabihing gustong-gusto ko ang nobelang ito. Magaling pero parang may "off" sa nobela. Marahil dahil alam kong isang pagpa-pastiche ang tinatangka ng nobela kaya alam kung peke o fictitious ang bawat kuwento. Pero napagbibigyan ko ito dahil isa itong pekeng may puso. At iyon naman din talaga ang pagkukuwento't pagkatha, di ba?
3.
Manood ng cute at mailap na mga rhinoceros.
4.
Nanood ako ng "Sex and the City" nitong Miyerkules kasama si Marol. Madaming cuts ang pelikula kaya naging R13 at pwedeng manood si Marol. Sa totoo lang, hindi masyadong nagustuhan ang pelikulang ito. Mahirap sabihing plot iyong mga nangyari, Masyadong episodic. At ewan ko lang pero parang hindi na kailangan ang character ni Jennifer Hudson sa pelikula dahil parang pang-epiphany lang siya at sa totoo lang ay hindi mo kailangan ng assistant para magkaroon ng epiphany. At best, it's an okey movie.
5.
Wala pa akong isang taong gulang nang huling maglaban ang LA at Boston sa NBA Finals.
6.
Katatapos lang kanina ng Flores de Mayo ng San Pablo kanina. At kasama ulit si Marol. Ito na ang huli. Pramis. Hindi na ako maglalagay ng mga picture. Hindi magaganda ang mga kuha ko. Kasama nga rin pala kanina ang batang gumanap na Crusita sa Marimar. Isa siya sa mga anghel at siya ang nagsalitang anghel na bumati sa lahat nang mag-aalay na ng mga bulaklak kay Inang Maria. At sinaulo niya ang mahabang tulang iyon na binigkas niya.
7.
Tungkol ito sa comics.
Sabado, Mayo 31, 2008
Miyerkules, Mayo 28, 2008
Bday ni Tetel at Sagala/Santa Cruzan/Tapusan/etc. May 2008
1.
Napagod ako nitong nakalipas na weekend. B-day ni Tetel noong Sabado at nagkaroon ng handaan sa bahay namin. Dumalo ang mga kaklase si Tetel noong hayskul, ilang mga kaklase ni Mae at ang mga pinsan at kamag-anak namin mula Binangonan. Hindi na ako nag-imbita ng mga kaibigan, hindi naman ganoong kalaki ang bahay namin. Wala akong nakitang mga litrato sa digicam naming Sony. Basta, nagkaroon ng munting 18 roses at 18 candles para kay Tetel. Impromtu iyon, nakashorts pa ako at tsinelas. Pagkatapos noon, inuman at kainan. Nalasing ako sa vodka.
2.
Mabuti na rin lang at hindi ako nagka-hang over. Dahil kinabukasan ay may sagala si Marol sa Binangonan. Maagang pumunta doon si Marol, Ninang Lily at Mae habang sumunod kami nina Tetel, Dad at Mama. Heto ang ilang mga larawan.
Escort ni Marol (Ralph ata ang pangalan niya), Si Marol at ang pinsan naming si Evan, ang Constantine ng Reyna Emperatriz
Si Marol kasama si Kuya Romy at Ate Rowena
Si Mama, Ate Liza, ako, Daddy, Marol, Kuya Eric, Ate Ting at Ate Rowena
Tetel, Dinna, ako, Marol, Ian, Mae, Debbie at Evan
3.
Heto naman ang ilan pang picture na ginanap noong Mayo 7. Nabanggit ko na rin ito dito.
Marol at Mae
Marol at Mama at ilang mga nakadungaw sa tarangkahan
Habang nasa daan
Si Daddy, napagod na
4.
May isa pa daw na sagala na sasalihan si Marol sa darating na Sabado. Para naman sa simbahan ng San Pablo. Flores de Mayo ata. Kaya pinapauwi ako. Ewan ko kung gusto kong umuwi ng San Pablo. Cameraman na naman. Medyo nakakapagod. Pero okey lang siguro. Exercise.

Huwebes, Mayo 22, 2008
Random Things
1.
May patay na butiki sa loob ng ref ko.
2.
Nagpakitang turo ako kahapon. And I bombed. Masyado akong ninerbiyos at ako'y naging estatwang nagsasalita. Nagpawis ako at pagminsa'y nabulol. Ganoon lang talaga siguro kapag ang mga "estudyante" mo ay yung mga naging titser mo. Hindi ako nagdemo sa harap ng isang tunay na klase kundi sa harap ng iba pang mga guro at kunwari sila ang estudyante at akoang guro. Pero dahil nga ninerbyos ako, hindi ako nakapag-roleplay nang maigi. Masyado rin ko kasing iniisip ang pagkuha ng tamang interpretasyon mula sa tula imbes na isipin kung paano ituturo ang tula. Pero kahit na ganoon ang nangyari, bibigyan din naman daw nila ako ng pagkakataon sa darating na semestreng magturo. Sana mas maganda ang performance ko pagdating noon.
3.
Nanalo ang LA Lakers kanina. Akala ko pa naman makakaisa ang San Antonio. Galing talaga ni Kobe.
4.
Para matanggalan ng stress mula sa demo, nanonood ako kanina ng bagong Indiana Jones. (Nasa preschool pa ako nang huling lumabas ang Indiana Jones sa sinehan.) Cute na pelikula. Makulit. Madaming action. Madaming jokes. Isang magandang pelikulang pampamilya. Medyo nabilisan lang ako sa daloy ng mga pangyayari sa huli.
5.
Binenta ang orihinal na kopya ng "Surrealist Manifesto"sa halagang 3.6 million euros.
6.
The military junta of Burma are A-holes.
7.
Bakit astig ang video na nakuha ang paglipad ng isang flying fish? Analogy: dahil parang itong isang taong lumalangoy sa ilalim ng tubig nang hindi humihinga sa loob ng 5 minuto. At dahil lumilipad ito. Astig ang lahat ng lumilipad.
8.
Parang ang daming kamatayan sa balita nitong mga nakalipas na linggo.
9.
Bilog ang buwan ngayong gabi.

Lunes, Mayo 19, 2008
Harold and Kumar: Escape from Guantanamo Bay
Babala sa mga manonood: mapanlinlang ang pamagat ng pelikulang ito. Wala pa yatang sampung minuto ang eksena sa Guantanamo Bay. Pero kahit na ganoon, nag-enjoy ako sa pelikulang ito. Just goes to show what kind of humor I like. Pero seryoso, mas may banat ang mga jokes sa pelikulang ito kumpara sa naunang Harold and Kumar. Mas makulit yung una pero mas may dating ang pelikulang ito dahil sa komentaryo nito sa lahi at pagiging Amerikano. At dahil kay George Bush na nagdadamo.
Martes, Mayo 13, 2008
Race
Pinanood ko noong Linggo ang "Speed Racer". Hindi ko masabing maganda ang pelikula, hindi ko rin masabing pangit dahil may mga bahaging maganda at may mga bahaging hindi. Maganda ang mga effects (siguro may ilang magko-convulse dahil sa mga kulay at ilaw). May mga sandali na nakuha ng pelikula ang timpla ng TV series habang may mga sandaling napapakamot lang ako ng uli.
Hinihintay ko na ngayon ang bagong "Indiana Jones."

Lunes, Mayo 12, 2008
Tungkol lang naman sa Panitikan...
1.
Exie Abola and Ian Casocot reacts to Connie Veneracion's "criticism" of "Mga Ibong Mandaragit".
2.
May shortlist na para sa bagong "Booker of Bookers".
Mula sa The Guardian.
Mula sa The Times.
3.
Isang sanaysay tungkol sa Panitikan ng Amerika noong 1958.

Biyernes, Mayo 09, 2008
Mall Rat
1.
Pakatapos mapanood na matalo ang New Orleans Hornets sa Game 3 nila laban sa Spurs, pumunta akong Gateway para manood ng 'Iron Man'. Matagal-tagal na rin akong hindi nakakanood ng pelikula sa isang teatro. Maganda nga ang 'Iron Man'. Maganda ang visual effects (ang sexy ng Iron Man suit) at matalino ang mga dialogo (tawa ako nang tawa). Okey na rin iyong popcorn movie. (Hindi ako kumain ng popcorn.)
2.
Pagkatapos manood, dumaan akong National Bookstore para bumili ng mga libro. Again. I am impulsive that way. Bumili ako ng mga Murakami.
3.
May bagong nobela daw si Gabriel Garcia Marquez.
4.
Platypus: alamin ang katotohanan.

Huwebes, Mayo 08, 2008
Nitong nakalipas na mga araw
1.
Dumaan sa bahay namin sina Danny, Elmer, Rajiv, Gino, Mara, Sasha, Carla at Aina nitong nakalipas na Biyernes. Ang tagal ko nang hindi nakikita si Sasha at wala siyang tigil sa kakakuwento. That's what 4-5 years of no contact does to you I guess. No pics this time. Nalasing ata si Mara at si Carla dahil doon sa strawberry vodka na dala nila. I think. Too drunk to be sure myself.
2.
Kaarawan ni Mae noong May 6. Kaya umuwi siya kasama ng ilang mga kaibigan nitong Martes. Gayundin, San Pablo Day kahapon. At bahagi ng Santracruzan si Marol. Good timing na rin para sa kanila. Alam nyo ba na ang hermana mayor ay si Nadine Samonte? Bongga. Pero mas maganda pa rin si Marol. Siyempre ako ang opisyal kameraman. Napagod ako doon. Ang layo ng nilakad ng sagala. Pictures next time.
3.
Nasa QC ako ngayon. Kinukumpleto ko ang isang secret mission para iligtas ang mundo (ie. pinatawag ako ng Kagawaran). Tell more about it once things settle down. Napagod din ako kanina ha. Layo ng nilakad ko. Ang init-init pa. Hopefully I would be able to finish this by next week.
4.
Gusto kong manood ng "Iron Man" sa sinehan. "Speed Racer" na rin. Langyang mga advertisment iyan, kung ano-ano na ang nagugustuhan kong panoorin.

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)