Miyerkules, Abril 30, 2008
Mula sa Net
1.
Unang bahagi ng "The Sound and the Fury," ginawang play? Siraulo ang mga nag-isip niyan!
2.
Ang laking calamares iyan.
3.
50 best cult books daw. 5 pa lang ang nababasa ko.
4.
Interview kay Salman Rushdie.

Martes, Abril 29, 2008
That's News to Me
Habang nakain ng hapunan, naibalita ni Mama na may tumawag sa kaniya mula sa ABS-CBN. At bakit tatawagin ang isang hamak na OB-GYNE ng ABS-CBN. Syempre, e di sa basketbol. Ang bago kasing head coach ng Miami Heat is isang kamag-anak. Mababasa dito sa website ng NBA. Hindi binabanggit ng website na may lahing Filipino si Eric Spoelstra. Sa wikipedia lang. Sa mother-side ko kamag-anak. Parang pinsan ni Mama ang ina ni Eric Spoelstra.
(Mga magulang ko talaga, libreng tiket agad ang iniisip.)

"I love you but I've chosen Iyas"
Mga larawan ay nakaw sa multiply ni Carlo.
Welcome!!!
Welcome to the House of Pain! Este... House of Peace and Harmony pala....
Si Ma'am Bevs Asenjo, handa nang mangatay!
Seryoso mode
Sinisimulan na ang plano kung paano makakapag-load...
Dr. Tony Tan saying, "Seryoso, ganito kakapal ang manuscript ni Doug Candano last year!"
Sir Danny saying, "Alam ninyo ang buhay parang tula. May line cuts." Labo nun a.
Isang epic journey paghahanap ng load
Kalahating bote pa lang, wasak na!
Margie kissing an imaginary head
Ang demure naman naming maghanap ng kanta sa iPod
Mukhang Dumaguete ready na si Margie
Tatlong Buddhang Lasing

Linggo, Abril 27, 2008
"Hi, I'm Mitch and I'm an alcoholic."
Ewan ko, ngayong nasa harap na ako ng computer, nawawalan na ako ng masasabi tungkol sa 8th Iyas Creative Writing Workshop. Palaging aliw ang pumunta sa mga workshop. HIndi lamang upang matuto kundi para makakilala ng mga nagsisimula ring mga manunulat. Sa unang araw pa lang, agad kaming nag-click nina Ida, Carlo, Charles, En, Margie at JV. Kami nga ang nagpasimuno sa pagload* noong Lunes. Iyong mga nangyayari talaga sa labas ng palihan ang pinaka-enjoy para sa akin. Masaya din naman ang mga palihan lalo na dahil sa pagbasa ng mga panelist sa mga gawa namin. Ang pinakanatuwa kaming mga panelist ay sina Sir Danny Reyes at Dr Elsie Coscolluela dahil magaling silang magbasa. Nakakatuwa naman si Sir John Teodoro dahil sa kanyang makukulit na mga pasintabi. Pero hindi ko rin trip ang mga palihan kasi nagmumukha akong mayabang dahil sa madalas kong pagkomento. Dahil hindi nagkakalayo sa edad, madali ang pagsasamahan lalo na sa pop culture na kinalakihan namin. Bihira lang na makasama ang mga taong may kaparehong wavelength tulad mo. Kaya excited ako sa mga susunod na pagkikita at susunod na inuman. Mabuhay ang mga magkaka-TXTM8!
*sumangguni sa Official TXTM8RS Inuman Lexicon

Official TXTM8RS Inuman Lexicon
Load – alak/alcohol
Magload – tumagay
Dial – chaser
Magdial – uminom ng chaser
Text – pulutan
Deadbat – nagsuka
Lobat – tahimik
Charging – tulog
Cell site – inuman/lugar
No network coverage – walang mahanap na lugar
Line – free flowing alcohol
Pasa-load – tagay nang kaunti
All text – puro pulutan
Speed dial – matakaw sa chaser
Missent – naitagay sa
snatch - biglang nawala/maagang aalis
“wer n u” – “nasaan na ang tagay?”
“d2 n me” – “narito ang tagay”
sun – gin
globe – grand matador/hard
smart – san mig/beer
vodafone – wine
Sabado, Abril 19, 2008
Bukas
Sa loob ng 12 oras, lalapag ako sa Bacolod. Nakakapanibagong magsulat sa panghinaharap.
Hindi ako ganoong kanerbiyos tulad sa Heights o sa Ateneo National Workshop. Dahil siguro pangatlong beses ko na ito. At dahil siguro mas atat si Mama sa pag-iimpake ng mga gamit. "Dalhin mo ito... Dalhin mo iyan..." Kaya natatawa lang ako. Kailangan ko na lang ayusin ang backpack na dadalhin ko at okey na.
Be back on the 26th.

Huwebes, Abril 17, 2008
The Road
Katatapos ko lang basahin kanina ang "The Road" ni Cormac McCarthy. Hindi ko ito binasa dahil kay Oprah kundi dahil post-apocalyptic ito at kailangan ko ng lungkot sa buhay. Isa itong matinding nobelang puros kadiliman--sa literal, sa pilosopikal at sa emosyonal na mga antas. Sa unang talata pa lamang ay matindi na.
Tungkol ang nobela sa mag-amang naglalakbay sa daan patungong timog kung saan inaasahan nilang higit na mainam ang klima. Madilim at malagim ang kinahinatnan ng mundo. Araw-araw na makulimlim ang langit at lubhang napakalamig at napakadilim ng gabi. Nababalutan ng abo ang lahat--kung hindi man dahil sa apoy at sunog ay dahil sa abong kasama ng ulan at niyebe. Hindi nilinaw ng nobela kung bakit nagkaganito ang mundo. Kung dulot ba ito ng digmaang nuclear--na para sa akin ay ang pinakakapani-paniwalang dahilan--o ibang natural kalamidad.
Mula sa malagim na kaligirang ito, maaaring magtungo sa kadiliman sa loob ng mga tao. Nagunaw na halos lahat ng mga ugnayang pantao at nagdulot ito ng kawalang-pagtitiwala sa pagitan ng mga tao. Nahati sa dalawang pangkat ang mga nalalabing tao. Ang una ay mga kanibal na nagsama-sama upang mas madaling makahanap at makahuli ng ibang mga taong makakain. Ang huli naman ay ang mga taong hindi sumukob ganoong kadiliman at pinilit na manatiling makatao sa kabila ng malagim na kalagayan, tulad ng mag-amang pangunahing tauhan ng nobela. Ang problema lamang ng huling uri ay ang kawalan ng pagtitiwala.
At ito ang mga dahilan kung napakatindi ng emosyonal na dating nobela. Kung hindi tumatakbo mula sa mga nangangain ng tao ay nangangalkal ang mag-ama sa mga iniwang bahay at gusali ng makakain at maiinom. At kung walang makain at walang humahabol, makikita naman ang tensiyon sa pang-araw-araw na pagpupursige ng mag-ama na huwag sumuko at patuloy lamang na maglakbay at mabuhay sa kabila ng kadilimang araw-araw nilang natatagpuan sa paligid at loob ng ibang tao. Romantiko man, tanging ang pag-ibig sa isa't isa ang nagbibigay-dahilan at nagbibigay-buhay sa dalawang pangunahing tauhan ng nobela.
HIndi nahahati sa mga kabanata ang nobela. Kaya't tila sa bawat sandali ay sinusundan ng mambabasa. Gayundin, hindi lubhang marami ang pagbabaliktanaw kaya't, tulad ng pagkakalugmok ng mag-ama sa kadiliman ng kanilang, ang mambabasa ay nalulugmok din sa kabuuang kadiliman ng nobela. Palaging mayrong sense of urgency ang nobela.
Hindi rin kataka-taka na may mga taong hindi matapos ang nobela dahil na rin sa kadilimang inilalahad nito. Nitong nakalipas na mga araw ay nahirapan akong makatulog dahil sa maraming kabaga-bagabag na mga eksena. Ngunit ang nagtulak sa akin na basahin ang nobela ay ang mag-ama. Madaling makapag-ugnay sa dalawa. At tulad nila, kailangan kong sundan ang buong daloy ng madilim na naratibo, maganda man ang kahihinatnan nito o hindi. Dahil ang pagbabasa ng nobelang ito ay isa na ring pagsusuri sa kakayahan kong sikmurain ang kadiliman at hanapin ang liwanag.

Martes, Abril 15, 2008
Ang Mundong Ito ay Lupa
Kumpara sa pagbasa ko ng "Baltasar and Blimunda", mabilis ang pagbabasa ko ng "Ang Mundong Ito ay Lupa" ni Edgardo M. Reyes. Kahit na higit 380 pahina ang nobela, malalaki ang font nito at pocketbook size lang. Nalathala na ito nang utay-utay sa Liwayway noong bata pa si Sir Egay (kabataan ko rin pero hindi pa ata ako marunong magbasa noon).
Tungkol ang nobela kay Ned, isang dalagang nag-aral ng kursong premed sa UST. Susundan ng nobela ang kanyang "pagkamulat" sa mundo ng pagsusulat, lalo na ang pagsusulat sa pahayagan. Mala-bildungsroman ang buong kuwento kaya't mahirap sabihing mayroong sinusundan na malinaw na banghay ang nobela. Ngunit kahit na ganito, nahirapan akong ibaba ang libro. Parang light reading ang nobela. Hindi mo mapapansing nakaisandaang pahina ka na pala.
Katatapos lang ng EDSA Revolution sa simula ng nobelang ito at ang iab't ibang moral at etikal na kaligiran ng mga panahong iyon. Ayon nga sa paunang salita ni Efren Abueg sa nobela, nirerepresenta ni Ned ang maraming ideal at mula sa kanyang pananaw ay nakikita ang lahat ng mga masasabing "imoral" sa lipunan--partikular na ang prostitusyon na pangunahing assignment na ibinibigay kay Ned ng kanyang editor. Mahusay ang pagbasa ni Abueg sa kaniyang panimula, lalo na ang pagpansin niya sa tambalang praktikalidad at idealismo na umiinog sa mobela. Praktikalidad ang nag-uudyok sa mga taong gawin ang kanilang ginagawa, maging mahirap man silang nagtungo sa prostitusyon o mga mayayamang napasubsob sa mga politikal na intriga.
Ang hindi ko lang talaga nagustuhan sa nobela ay noong papatapos na ito. Parang minadali. At medyo out of character o out of place ang mga bahaging iyon. Pero nasalba naman ng huling kabanata, kaya okey lang.
Marahil ang nobelang ito ay hindi kasinghalaga ng "Sa Mga Kuko ng Liwanag", o hindi pa. Hindi pa naman lubos na napag-aaralan ang buong ambag ni Edgardo M. Reyes. Ngunit kakikitaan pa rin ang nobela ng katangi-tanging kakayahan ni Reyes bilang mangangatha.

Lunes, Abril 14, 2008
Baltasar and Blimunda
Mag-ingat. May spoilers.
Sinimulan ko ito noong summer ng 2007 at ngayon ko lang natapos. Maraming dahilan kaya natagalan akong sa pagbabasa nito lalong-lalo na ang mga required readings sa klase. Pero ang pinakadahilan lang talaga siguro para sa akin ay mahirap lang talagang basahin ang mga nobela ni Saramago. At ang haba-haba pa ng "Baltasar and Blimunda". Higit 340 na pahina at ang liliit pa ng font.
Pero kahit na mahaba ito, nagustuhan ko pa rin ang nobela. Sinusundan ng nobela ang dalawang bagay, una ay ang pagpapatayo ng kumbento sa bayan ng Mafra, ang sinilangang bayan ni Balthasar at ang pagtatayo, paglipad, pagbagsak at muling paglipad ng isang airship na nilikha ni Bartolomeu de Gusmao sa tulong nina Baltasar at Blimunda.
Maraming pagkakataon sa loob ng nobela na naglilista lamang ito. Nililista ang mga kagamitang ginamit sa pagpapatayo ng kumbento o ng airship. Nililista ang mga kayamanang ginastos sa upang itayo ang kumbento. Inilalantad ng nobela ang karangyaan at maging ang pag-aaksayang inilalaan ng mga Maykapangyarihan upang marangalan ang kadakilaan ng Diyos. Ngunit dahilan lamang ang Diyos upang ilahad at ipamukha sa mga tao ang kayamanan at kapangyarihan ng Hari at ng iba pang mga makapangyarihang tao.
Itinatambal naman ang karangyaang ito sa pagpapatayo ng Kumbento sa Mafra sa pagtatayo ng airship ni Padre Bartolomeu de Gusmao. Dito, yabang din ang nag-uudyok sa paring ito upang magtayo ng isang sasakyang tataliwas sa mga natural na batas. Sa pagtatayo ng sasakyang ito, tila hinahamak ni Bartolomeu de Gusmao ang Diyos at nais niyang ipamukha sa Kanya na kaya niya, isang hamak na tao, na lumipad.
At naiipit naman sina Baltasar at Blimunda sa dalawang pagnanasang ito. Kung tutuusin, walang tensiyon sa pagitan nina Baltasar at Blimunda kung ang mga pagkatao lang nila ang titingnan. Mahal nila ang isa't isa at sa kalakhan ng nobela'y hindi sila naghihiwalay. Ang nagpapausad ng kuwento ay ang mga pagnanasa ng mga tauhang nasa paligid nila, ng Hari at ni Padre Bartolomeu de Gusmao.
Ang isa pang bagay na marahil nagpapahirap sa nobela ay ang estilo nitong paligoy-ligoy. At hindi lamang paligoy-ligoy, sa nobelang ito, at kagaya ng isa pang nobela niyang nabasa ko, "The Stone Raft", nilalantad ang tagapagsalaysay. Sa nobelang ito, alam ng tagapagsalaysay na nagsasalaysay siya at alam niyang may nakikinig/nagbabasa. Kaya't maraming mga sandali ng self-reflexivity ang nobela. Nilalantad ng tagapagsalaysay ang mga detalye't mga pamamaraang kanyang ginagamit. Isa itong reaksiyon marahil sa pagkiling ng mga katha't nobelang gumagamit ng mga tagapagsalaysay na invisible. Third-person omniscient pero hindi ibig sabihin wala siya doon. Sa totoo lang, ang mga sandaling ito ng self-reflexivity ay pampatawa kumpara sa mga mabibigat na usaping tinatalakay ng nobela.
Karangyaan at ang pagkaasiwa sa karangyaang ito marahil ang kabuuan dating na nais ibigay ng nobela sa mambabasa. Ngunit tulad ng mga nagbibiyaheng nakasalubong at nakakita ng aksidente sa daan, hindi pa rin marahil maiiwasan ng mambabasa na umiwas.

Lunes, Abril 07, 2008
Bad News / Good News
Bad news: pupunta sa Bohol sa katapusan ng Abril ang pamilya ko at hindi ako makakasama. Plinano ito noong pang Pebrero at ito ang unang isla sa loob ng bansa na pupuntahan ng pamilya namin maliban sa Luzon. (Hindi ko lang maalala kung napadayo ba kami ng Isla Talim dati. Hindi yata.) Nakapunta na kami sa ibang bansa pero hindi pa rin namin napupuntahan ang iba pang isla sa loob ng Pilipinas. April 24 hanggang 28 sila doon.
Good news: at hindi ako makakapunta dahil nakasama ako sa Iyas Workshop ngayon ding katapusan ng Abril, 20-26. Kaya makaaalis din naman ako ng Luzon. Ibang isla nga lang pupuntahan ko.
Yun lang. :D

Sisters
1.
Nagtapos na ang kapatid kong si Mae noong Biyernes. Estudyante siya ng Nursing sa San Beda at sa kampus na rin ng San Beda ginanap graduation ceremony. Syempre, ako ang kumuha ng mga picture niya nang umakyat siya sa entablado. Wala pa sa amin ang mga picture mula sa digicam dahil nakay Mae pa iyon. Naroon ako sa isang tabi malapit sa entablado kung saan nagsisiksikan ang mga kamag-anak ng mga ga-graduate. Kasi, alam, n'yo na, bawal ang mga kamag-anak na kumuha ng mga picture na malapit sa entablado at dahil meron na nga namang official photograper. Tamang-tama lang nang pabalik na siya sa kanyang upuan ay dumaan siya sa tapat ko at nakuhanan ko siya ng maayos ng larawan.
Pero kahit na graduate na si Mae, may pasok pa rin siya. Ewan ko lamg kung bakit. Baka dahil may mga absent sila. Alam ko kasi, sa susunod na siya magre-review para sa board dahil sa Disyembre na lang siya kukuha kasi ang dami daw ng mag-e-exam ngayong taon.
2.
Katatapos lang ni Tetel kaninang kumuha ng NMAT. Hindi daw niya sinunod nang mabuti ang instructions sa isang bahagi ng test. Kasama nga rin namin siya noong graduation ni Mae at nagbabasa siya ng libro ng para nga dito. Napapaisip ko tuloy ang ang isang alternatibong buhay kung saan nag-aaral na ako para sa pagiging doktor. Hindi naman sa nagdadalawang-isip ako sa kalagayan ko ngayon. Kung ano man, may kuwento akong mabubuo kung ganito ang takbo ng isip ko.
3.
Malapit namang mag-review si Marol para sa mga entrance tests sa kolehiyo. Ewan ko kung anong kukunin niyang kurso o kung saang unibersidad o kolehiyo niya gustong pumasok.
4.
Sa lahat ng mga pangyayaring ito, pakiramdamdam ko, ang tanda-tanda ko na.

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)