Miyerkules, Pebrero 21, 2007

"Li who?"

Medyo kalat ako ngayong linggong ito. Hindi ko alam kung bakit. Noong Lunes, halos buong araw masakit ang ulo ko. Dahil siguro sulat lang ako nang sulat nang mga nakalipas na linggo. Mula alas syete ng gabi hanggang alas onse ng gabi. Pero wala pa naman talaga akong natatapos, maliban sa ilang mga panget na tula.

Kahapon, consultation ko para sa tula kay Ma'am Beni. Okay naman. Kung ginagawa lang niya ang ginagawa sa one-on-one na mga consultation, mas magiging interesante ang mga klase. To the point si Ma'am Beni, walang bola. Kaya agad niyang nasabing hindi niya nagustuhan ang unang dalawa tulang pinag-usapan namin. Pero nagustuhan naman niya ang sumunod na dalawa. So 50/50 ako. Ewan kung anong nagustuhan ni Ma'am Beni sa mga tulang nagustuhan niya. Mga "Nature Poems" tawag niya sa dalawang nagustuhan niya. At kung titingnan yung mga koleksiyon ni Ma'am Beni, marami siyang mga Nature Poems. Kaya pinabasa niya sa akin sina Li Po, Tu Fu, Wang Wei, atbp. mga makatang Tsino. Natipuhan ko ang mga tula ni Li Po. Ewan ko kung bakit. Ito, basahin n'yo ma lang.



Reverence-Pavilion Mountain, Sitting Alone

The birds have vanished into deep skies.
A last cloud drifts away, all idleness.

inexhaustable, this mountain and I
gaze at each other, it alone remaining.



Inscribed on a Wall at Summit-Top Temple

Staying the night at Summit-Top Temple,
you can reach out and touch the stars.

I venture no more than a low whisper,
afraid I'll startle the people of heaven.



Thoughts in Night Quiet

Seeing moonlight here at my bed,
and thinking it's frost on the ground,

I look up, gaze at the mountain moon,
then back, dreaming of my old home.



(mga salin ni David Hinton)



May sense naman kung bakit nga nagustuhan ni Ma'am Beni ang mga "Nature Poems" na iyon. Magaganda ang mga tunay na Nature Poems ni Li Po kaysa sa mga tula kong hango sa mga lumang blog post. Pero nagustuhan ko naman ang mga tulang Tsino. Yung tono at estilo nila ang nakakatuwa, napaka-bare.

Dapat binasa ko na ang lahat ng mga readings para sa crit pero hindi pa rin. jologs.

2 komento:

leia ayon kay ...

parang may sort of hawig sila sa haiku, no? Gusto ko makita yung original in Chinese. Meron kasi akong Chinese poem na super gusto nung high school pa ko, pero hindi nga lang nature poems =P

Unknown ayon kay ...

malaki nga raw ang impluwensiya ng mga chinese poets kagaya nina Li Po, Du Fu at Wang Wei sa mga haiku writers.

Hindi ko alam kung paano maglagay (magsulat o magbasa) ng chinese characters e. Pero sa pagkakabasa ko sa mga intro, mukhang hardcore yung mga iyon. :D