Linggo, Enero 28 - Nanood ako ng "Babel." Maganda. Karadapat-dapat na ma-nominate sa Oscars. Karapat-dapat manalo? Ewan ko lang. Mahirap manghusga. Nagustuhan ko ang apat na pinagtagpi-tagping kuwento bagaman medyo uneven ang takbo ng buong pelikula. Gusto ko yung mga kuwento ng nasa pamilyang Moroccan at ng pipi't binging Hapon.
Lunes, Enero 29 - Pagkatapos ng klase sa Tula, nanood ako kasama ng ibang kaklase sa panonood ng gig ng los chupacabras at gapos sa mag:net. OK ang banda't panonood. Mahina lang talaga ang mic kaya ko masyadong naintindihan ang lahat ng mga kanta.
Miyerkoles, Enero 31 - Sinamahan ko si Twinkle at Em na pumunta sa UP-ICW para makipagkita kay Mang Jun Cruz Reyes. Isang itong secret misyon. Nakasalubong din namin si Caty sa may KAL. Nag-usap kami nang ilang minuto kay Mang Jun. Hiningan ako ng kuwento ni Mang Jun pero wala akong dala noon. Nakakahiya. Pagkatapos noon, tumambay lang kami nina Em at Twinkle sa Starbuck. Nag-usap ng kung ano-ano. Hanggang gabi.
Biyernes, Pebrero 2 - Pinag-research ako sa library ni Ma'am Coralu para sa ire-revive ng Kagawaran na journal na "Katipunan." Pina-xerox niya sa akin ang mga copyright ng "Katipunan" na nalathala sa panahong nasa Ateneo pa sina Virgilio Almario at Bienvenido Lumbera noong dekada 70, bago ideklara ang Martial Law. Isang taon at apat na isyu lang lumabas ang "Katipunan," noong 1971.
Linggo, Pebrero 4 - Pinanood ko ang "Apocalypto." Astig. Napakaganda. Intense mula sa simula hanggang sa katapusan. Sanayan lang naman sa pagbabasa.
Martes, Pebrero 6 - Nag-research naman ako sa University Archives. Para naman ito sa paghahanap ng mga artikulo sa Matanglawin at Heights tungkol sa pop culture. Gagamitin para sa pagrerebisa ng "Likha," textbook para sa Fil12. Sa tatlong taon o tatlong volume na pinasadahan ko ng Matanglawin, dalawang artikulo lang ang nakita kong sakop ng pop culture. Umaasa na lang ako sa susunod na mga araw na mas madami pang mga artikulo ang matisod ko. Dumaan din ako sa American Historical Archives. May nakita akong isang libro tungkol sa kasaysayan ng San Pablo. Wala lang.
Sa nakalipas ding linggo, natapos kong basahin ang "Ginto sa Makiling" ni Macario Pineda, "Antyng-Antyng" ni Uro Q. de la Cruz, at "Laji" ni Florentino Hornedo. Nasimula ko na kanina ang "Bata Sinaksak, Sinilid sa Baul" ni Tony Perez.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento