Noong Sabado ay tinapos na namin ang mga diskusyon at reporting para sa Fil 201 o Kritisismong Pampanitikan ng Filipinas. Isang buong araw na marathon ang araw na iyon. Nakakatuwa naman. Pagdating ng tanghali, habang nagtatanghalian kaming mga magkakaklase, puros mga may alusyon sa teorya't kritisismo ang mga joke namin. "Naa-other na naman ako." "Hindi ko napangatawanan ang aking masculinity." "Mapapatigil sila sa ating gaze." At ang paborito naming pang-asar kay Nikka, "Lalaki ka kasi."
Pagkatapos ng klase, tumambay lang muna kami sa smocket. Nakasama namin doon si Sir Larry at nag-usap-usap tungkol sa mga tula at panitikan. Masaya rin yung tambay na iyon.
Nanood rin kami nina Nante at Nikka ng "Sandaang Panaginip." Iyong gabing iyon ang huling palabas kaya marami-rami rin ang mga taong nanood. Sa inupuan namin, nakatapat namin si Dr. Bien Lumbera. Kakaiba ang likod ng ulo ni Dr. Lumbera.
Komento ko lang siguro sa dula, na dahil napakadaming nais nitong gawin, nagiging sabog ang dating nito sa akin. Bagaman maganda at engrande ang presentasyon ang dula at maraming mga nakakatawang mga eksena, mayroon pa ring pakiramdam ng pagkukulang para sa akin sa dula. Bagaman pinaasip pa rin ako ng dula kahit na tapos na ito. Isang bagay na bihirang magawa sa akin ng mga dula.
Noong Lunes, balik sa klase para sa tula. Sa totoo lang. atat na ako para sa workshop. Para malaman ko rin naman kung may kuwenta ang mga tula ko o hindi.
Kanina naman ay ang deadline para sa ikalawang batch ng mga tula. Sa lahat-lahat, mayroon na akong 14 na tula na ipasa. OK na iyon para sa 15 required.
Meme nga pala mula kay K
Leave a comment here and I'll--
1. Tell you why I friended you.
2. Associate you with a song/movie.
3. Tell a random fact about you.
4. Tell a first memory about you.
5. Associate you with an animal/fruit.
6. Ask something I've always wanted to know about you.
7. In return, you must spread this meme this in your own LJ.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento