Mahaba-haba ang araw ko ngayon. Kinailangan kong gumising nang maaga para mag-proctor sa klase ni Ma'am Beni kasi may-workshop na ginanap sa Kagawaran (yung Barlaya). Kaya ayun, gulat na gulat ang mga estudyanteng makita ako at may dala-dalang "regalo". Napapangiti lang ako sa kanilang pagmamakaawang huwag nang ituloy ang kanilang exercise. (Sadista ko talaga.) Wala naman akong masyadong ginawa, nakatunganga lang at pinapanood ang mga bata (para bang ang tanda-tanda ko na, di ba?). Nakakatuwang may ibang mga klase'y "kuya" ang tawag sa akin at "sir" naman dun sa iba. Wala lang. :D
Pumunta rin akong Open Mic kanina. Nagbasa ako. Hindi naman talaga ako pumupunta sa mga ganoon para magbasa kundi makinig. Para sa akin, isa malaking tambay ang open mic. Masayang makita ulit ang mga tao, sina Jace, Em, Vittorio, Twinkle, Margie, Ino, atbp. Siyempre, tuwang-tuwa akong makinig sa mga mahahalay. (May bias ba?) Astig din talagang magbasa si Sir Larry, memorized talaga at natural na natural. The best talaga yung stand-up ni Raffy Taruc.
Pahinga ang weekend ngunit may papel na kailangan pang gawin at mga nobelang kailangang basahin.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento