Nasa kagawaran ako ngayon, may kailangang tapusin e. (Tapos na.) Nahirapan akong makarating dito dahil ang daming mga punong natumba at humarang sa daan. Paikot-ikot ako ng daan. Nakakatuwa nga't mayroon ditong ilang faculty. (di ba, Sir Egay? :D) Nakababagot talaga ang walang TV at Internet. Mabuti na lang at mayroon nang kuryente sa condo at pwede na akong magbasa hanggang gabi. Maghahating gabi na ata nang magkaroon ng kuryente doon. Pero nang dumungaw ako sa bintana, wala pa rin kuryente ang mga bahay-bahay sa ibaba.
Una atang direct hit sa Metro Manila itong si Milenyo pagkatapos ng isang dekada. Paano pa kaya kung super typhoon? Puro nga pala pagkasalanta ang balita kanina sa TV. Sana ok pa ang mga tao diyan pagkatapos ng bagyong ito.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento