Nasa kagawaran ako ngayon, may kailangang tapusin e. (Tapos na.) Nahirapan akong makarating dito dahil ang daming mga punong natumba at humarang sa daan. Paikot-ikot ako ng daan. Nakakatuwa nga't mayroon ditong ilang faculty. (di ba, Sir Egay? :D) Nakababagot talaga ang walang TV at Internet. Mabuti na lang at mayroon nang kuryente sa condo at pwede na akong magbasa hanggang gabi. Maghahating gabi na ata nang magkaroon ng kuryente doon. Pero nang dumungaw ako sa bintana, wala pa rin kuryente ang mga bahay-bahay sa ibaba.
Una atang direct hit sa Metro Manila itong si Milenyo pagkatapos ng isang dekada. Paano pa kaya kung super typhoon? Puro nga pala pagkasalanta ang balita kanina sa TV. Sana ok pa ang mga tao diyan pagkatapos ng bagyong ito.
Biyernes, Setyembre 29, 2006
Martes, Setyembre 26, 2006
Ang Moderno sa Nayon: Mordernidad ni Charles Baudelaire at ang kuwentong “Talambuhay ng Aming Nayon” ni Macario Pineda
Ayon sa “The Painter of Modern Life” ni Charles Baudelaire:1
At bagaman binubuo ng dalawang elementong ito ang kagandahan, buo ang pagdanas natin ng kagandahang ito. Ganito ang pagtingin kay Baudelaire sa kagandahan bilang isang pagbatikos sa labis na pagbibigay pansin sa sining na nalikha noong mga nakalipas na panahon habang binabalewala ang mga likhang sining sa kanyang kasalukuyang panahon. Kaya’t binigyang pansin ni Baudelaire ang pangalawang elemento ng kagandahan sa kanyang pagtataguyod sa “modernidad”. Para kay Baudelaire, ang pag-unawa at pagbibigay-buhay gamit ng sining ng mga kaugalian at partikularidad kanyang panahon matatagpuan ang tunay na henyo ng isang artista.
Sa kontekstong Filipino, hindi ang nayon kundi ang siyudad ang pinagluluklukan ng ating pag-unawa sa “moderno”. Ngunit bakit kinakikitaan ng mga aspektong “moderno” ang mga kuwento ni Macario Pineda? Isang nayon ang pangunahing tagpuan, maaaring tingnan na rin bilang tauhan, sa maikling kuwentong “Talambuhay ng Aming Nayon” ni Macario Pineda.3 Paulit-ulit lamang daw ang buhay sa nayong ito ayon sa tagapagsalaysay ng kuwento. May moderno ba sa nayon ni Pineda? Ito ang gusto kong masagot gamit ang sanaysay ni Baudelaire.
Para kay Baudelaire, ang isang artista ay isang flaneur na may kakayahang magmasid. Bagaman tamad ang pagkakatingin sa mga flaneur, nasa kanila ang kakayahang magmasid sa kaugalian, gawi, panlasa, at paniniwala ng balana.
Mahihinuha ang ganitong katangian ng flaneur sa tagapagsalaysay ng “Talambuhay ng Aming Nayon”. Bahagi siya ng pangkalahatang kamalayan ng nayon ngunit lampas pa dito. May isang mahiwagang pag-unawa ang tagapagsalaysay sa buhay ng nayon. Mula sa mga kapanganakan, pag-iibigan, kamatayan, at iba pang-araw-araw na gawain, nagbibigay ng isang pananaw sa buhay ang tagapagsalaysay at di lamang sa nayon. Sinasalaysay niya ang pang-araw-araw na buhay ng nayon habang sinisingitan ng mga partikular na anekdota ang kabuuang kuwento. Katatagpuan ng lungkat at tuwa, hindi ibig sabihin nito’y nakikiramay ang tagapagsalaysay sa buhay ng mga taganayon. Ayon sa introduksiyon ni Soledad Reyes para sa kalipunang isinaayos niya, “Tanging ang tinig lamang ng persona ang kakikitaan ng protesta at malaking panghihinayang sa harap ng pagtanggap ng mga tao sa ideolohiyang sumisiil sa kanilang buhay.” 4
Kaya’t hindi lamang flaneur ang hinihingi ni Baudelaire kundi kakayahang umunawa. At nagagamit ng artista ang pag-unawa sa kamalayang ito sa kanyang sining. Ang pag-unawang ito ang nagbibigay-laman sa pangalawang elemento ng kagandahan, isang kagandahang kakikitaan ng modernidad.
Maaaring bumalik sa tanong, may moderno ba sa “Talambuhay ng Aming Nayon”? Maaaring sabihing pastoral ang kuwento. Ngunit kung titingnan ang pagkakaunawa ni Baudelaire sa moderno at ang pananaw sa buhay ng tagapagsalaysay, maaaring sabihin kakikitaan ng isang modernong pag-unawa at sensibilidad ang kuwento. Kagaya nga ng sinabi ni Soledad Reyes sa kanyang intoduksiyon, kritikal ang tagapagsalaysay sa kawalan ng pinatutunguhan ng nayon. 5 Nauunawan ng tagapagsalaysay ang buhay sa nayon. Isa iyong walang tigil na siklo ng pagkabuhay at pagkamatay kung saan ang mga partikular na karanasan ng isang indibidwal ay lumilipas at nakakalimutan, kagaya ng kabaitan ni Ka Huli tuwing bagyo, dahil sa walang humpay na puwersa ng pananalig sa kabutihan ng kalikasan at ng nayon. Hindi kailangang nakikiramay ang isang pintor ng modernidad sa kanyang panahon. Kailangan lamang niyang hanguin ang kanyang natatanaw bilang sangkap sa kanyang pagbuo ng kagandahang may eternal.
Kaya’t nakaaangat ang tagapagsalaysay na ito ng “Talambuhay ng Aming Nayon” kumpara sa mga kasamahan niya sa nayon. 6 Tanging siya lamang ang nakakabatid ng mga pang-araw-araw at partikular na pangyayaring laganap sa nayong iyon. Bagaman ginagamit ang mga panghalip na “kami” at pang-aring “amin”, mayroon siyang personal na pagtataya sa mga nangyayari sa loob ng nayon. Sa kanya nanggagaling ang katatawanan o kalungkutang mababatid sa kuwento. Hindi lamang isang payak at pangkaraniwang paglalahad ang ginamit sa kuwento. Sabi nga ni Reyes, “matulain” ang buong daloy ng buhay sa loob ng kuwento, may mga puwang na lumilikha ng isang iba pang kahulugan.7 Masasabing mayroong sinasabi sa di sinasabi ang kuwento. Dahil sa taos na pagbibigay ng pansin sa kolektibo, nalulunod ang indibidwal. Nagiging isang anekdota lamang ang kanilang buhay sa loob ng talambuhay ng nayon. Kaya’t umaangat ang tagapagsalaysay. Sa kanyang pagsasalaysay sa kanyang pagkakaunawa sa nayon, naililigtas niya ang kanyang sarili sa pagkalunod.
Bagaman kaisa siya sa balana ng nayon, isang flaneur, nakakaangat din siya sa lahat, isang dandy. Bagaman may isang masamang pagkakahulugan ang dandy sa panahon ni Baudelaire, isang “modernong aristokrasya” ang mga ito para sa kanya. 8 Tinutuligsa ng isang dandy ang mga “trivial” na bagay. Ginagawa lamang ng mga dandy ang sa tongin nila’y mahalaga o marangal. Kaya’t may “pride” o yabang ang dandy, mapagmataas sila dahil sa pagpapahalagang ginagawa nila. At dahil din dito may kalamigan para kay Baudelaire ang mga dandy.
Ngunit isa rin lamang silang panawid mula sa pabagsak na piyudalismo patungong demokrasya. Kaya’t sa isang pagbabasa, isang pagtutulay ang ginagampanan ng tagapagsalaysay ng kuwento para sa mga taganayon. Ayon kay Reyes, “Rasyonal na plano sa buhay at hindi irasyonal na pagsandig sa tadhan ang dapat paunlarin ng mga tao, subalit nananatiling bulag ang mga tao sa kahalagahan nito.” 9 Tinataguyod ng tagapagsalaysay ang pagbabago tungo sa isang rasyonal na kamalayan ng mga taganayon. Ngunit kaiba sa mga dandy, na may nostalgia para sa nakaraang panahon ng aristokrasya at may kaunting pagsalungat, ang tagapagsalaysay ay pagtataguyod para sa rasyonal, isang katangiang katatagpuan sa demokrasya ng Kanluran.
Ganoon din, bagaman pastoral ang kuwento, halo ng biyaya at lupit ang larawan ng kalikasan sa loob ng kuwento. Mayroong pagkain na maaaring makuha mula sa kalikasan ngunit may maaaring magkaroon ng panahon ng kasalatan at kalamidad dulot ng bagyo. Para sa kuwento, hindi sa kalikasan kakikitaan ang “kagandahan” sa loob ng kuwento kundi sa pagsasalaysay ng nayon. Para kay Baudelaire, ang kalikasan ay kawalan.10 Maaaring balikan ang kaniyang depenisyon ng kagandahan upang mahinuha kung bakit ganito iyon. Binibigyang halaga ni Baudelaire ang relatibo’t partikular na elemento ng kagandahan, ang elementong kakikitaan ng galing ng artista, ng tao. Kaya’t nasa paglalarawan ng buhay nakukuha ang kagandahan ng isang likhang sining. Kaya’t “maganda” ang kuwentong “Talambuhay ng Aming Nayon” dahil sa paglalarawan nito sa relatibong elemento upang makabuo ng isang matingkad na uri ng kagandahan, isang kagandahang modernong-moderno. Sa kanyang paglikha ng isang nayong buhay na buhay ngunit sabay ding naghihingalo, binabagtas ng tagapagsalay ang eternalidad ng kagandahan at pati ang partikularidad nito.
[1]Charles Baudelaire, “The Painter of Modern Life” sa Vincent B. Leitch, Ed., The Norton Anthology of Theory and Criticm (New York: W. W. Norton and Company, 2001) p. 792-802
[2] Ibid. p. 793
[3] Macario Pineda, “Talambuhay ng Aming Nayon” sa Soledad Reyes ed., Ang Ginto sa Makiling at Iba Pang Kuwento (Quezon City: Ateneo de Manila University Press, 1990) p. 63-77
[4] Soledad Reyes, “Introduksiyon,” Ang Ginto sa Makiling at Iba Pang Kuwento. p 32.
[5] Ibid.
[6] Isa siyang indibidwal sa loob ng nayon at hindi lamang isang kolektibong tagapagsalaysay dahil sa simula ng ika-14 na bahagi ng kuwento, “akin” ang panghalip na ginamit ng tagapagsalaysay sa halip ng “amin” na ginagamit sa kabuuan ng kuwento.
[7] Reyes, , “Introduksiyon,” Ang Ginto sa Makiling at Iba Pang Kuwento. P. 30
[8] Baudelaire, “The Painter of Modern Life,” The Norton Anthology of Theory and Criticm. P. 799
[9] Reyes, , “Introduksiyon,” Ang Ginto sa Makiling at Iba Pang Kuwento. P. 32
[10] Baudelaire, “The Painter of Modern Life,” The Norton Anthology of Theory and Criticm. P. 800
“Beauty is made up of an eternal, invariable element, whose quantity it is excessively difficult to determine, and of a relative, circumstantial element, which will be,... ...the age, its fashions, its morals, its emotions.”2
[Binubuo ang kagandahan ng isang eternal at di-nagbabagong elementong napakahirap sukatin, at isang relatibo’t nagbabagong elementong nakabatay sa panahon, sa kani-kanilang panlasa, moralidad at emosyon.]

Lunes, Setyembre 25, 2006
"Salamat at May Wikang Ingles na Magliligtas sa Atin." (Isang Rant)
Kanina raw ay naipasa na ng house of representatives ang batas na pinakukulo nila kung saan iniuutos na gawing "medium of instruction" ang wikang Ingles sa ilang mga baitang sa mga paaralan. Naiinis ako dahil parang hindi nila alam ang kasaysayan ng Ingles sa bansang ito at parang sumisipsip na naman tayo sa Amerika. Huwag nyo sana akong isipin na isang hipokrito dahil ginagamit ko din naman ang Ingles at nagbabasa sa wikang Ingles. Ngunit ang pagpapataw na ito ay isa na namang kawalang-balanse sa ating relasyon sa sarili at sa kolonyal.
Isang retorikang ginagamit nila bilang dahilan sa pagpasa ng batas ay ang pagsagot sa "global realities" na hinaharap ng ating bayan. Ngunit kailangang amin na ang "global realities" na ito ay hindi na pinaiibabawan ng US kundi kasama na rin ang China, India, at Europa. Kung gayon, hindi ang pagtuturo ng Ingles lamang ang makakatulong sa ating bayan kundi ang pagtuturo rin ng mga wika sa Tsina, India, Europa, Hapon at iba pang bansa sa mundong ito na nagiging "globalized".
Masyado nating binibigyang galang ang wikang Ingles nang walang pag-unawa kung ano nga ba talaga ito sa atin bilang isang bayan, isang bansa. Dinala ito dito bilang ISA ng Amerika, upang sakupin ang ating kamalayan gamit ang wika. Ngunit hindi naging lubos na nangibabaw ang Ingles dito dahil hindi nito kayang i-signify ang karansang Filipino, kung hindi ako nagkakamali'y ito ang sinabi ni Rolando Tinio. Naging matunog ang Ingles sa mga manunulat at nakatataas na uri dahil naisakonteksto nila ang Ingles sa Filipinas. Ginagamit nila ang Ingles bilang pagbibigay halaga sa sarili. Ngunit sa batas na ito, nawawala ang ating pagkaunawa sa ating sarili. Sobra ang pagtingin natin sa labas upang mahanap ang solusyon sa problema ng ating loob. At kung titingin rin naman tayo sa labas, kagaya ng sinabi ko, bakit wikang Ingles lamang ang binibigyang pansin natin?
Ano naman ang nagiging papel ng Filipino sa batas na ito? Etsa-puwera na naman ba ang ating mga wika sa sarili nating bayan? Masyadong one-sided ang batas na ganito. May mga tekstong mababalewala sa pagbibigay ng pribilehiyo sa Ingles. Hindi bibigyan ng pansin ng mga mag-aaral ang mga nobela, kuwento, tula, dula, at sanaysay na nakasulat sa Filipino, mga tekstong kung tutuusi'y mas malapit dapat sa ating karanasan bilang bilang Filipino. Mababakya na naman tayo niyan.
Magandang pansinin na hindi natin pinagdududahan ang wikang Ingles. Mahalaga ang Ingles, at maging ang ibang mga banyagang wika, sa ating pag-unawa sa mga bagong kaisipan at kaalaman na nabubuo sa labas ng Filipinas. Ngunit isa itong banyagang wika, at wika pa ating mananakop. Kailangang tanggapin ito na may kritikal na pananaw.
At magiging matanggupay kaya ang pagtataas ng "standards" sa ating mga paaralan dahil lamang sa pagtatalaga ng wikang Ingles bilang medium of instruction? Scapegoat na naman ang "wika" bilang sagot sa pangkalahatang problema ng ating sistemang edukasyon. Panakip butas lamang ang pagdadahilan sa "wika". Sa katotohanan, banat na banat na talaga ang sistema ng edukasyon natin, nakailangan paggugulan ng bilyon-bilyong piso upang itaas ang antas ng ating edukasyon. Ngunit mas madaling magtulak ng batas patungkol sa wika kumpara sa batas patungkol sa budget. Hindi Ingles ang solusyon kundi pera.
At kung maging medium of instruction nga ang Ingles, paano pa ang mass media? Dubbed sa Filipino ang maraming mga palabas na hakot mula sa ibang bansa. Ang balitang primetime, at maging ang karamihan ng mga dokumentaryo'y nasa wikang Filipino. Kung gagaling ang isang tao sa isang wika kailangan niyang magbabad sa wikang iyon. Kaya't kailangan niyang magbasa, manood, at makinig sa mga tekstong Ingles. Na malabong mangyari para sa mga mahihirap. Middle Class, pwede pa.
Yun lang yun. Nainis lang talaga ako sa pagpapataw na ito na obvious namang hindi lubos na pinag-isipan, na tinitingnan lamang ang "buti" ng wika at hindi ang politika at kasaysayan nito.

Sabado, Setyembre 23, 2006
"Diyos ko! Patapos na ang SEM!"
Noong isang linggo nga pala ang kasal ni Nelma, kaklase noong high school. Nalulungkot ako't hindi ako nakapunta sa kasal. Sana nakapunta ako para makita ang ibang mga Ruby '02. Medyo nakakagulat noong marinig ko ang balita na may ikakasal na sa amin. Sa panahon na ito, hindi ko inaasahan na may makakasal sa amin ng ganito kabata. Ewan ko ba. Nararamdaman ko lang siguro ang paglipas ng panahon. Good luck at congratulations kay Nelma at sa kanyang asawa (na hindi ko pa kilala o kung paano sila nagkakilala). Maging maligaya sana sila.
Mukhang sa susunod na linggo pa ang uwi ni Mommy galing Beijing. At mukhang sumama si Daddy. Dapat lang siguro. Hindi sanay si Mommy na walang kasama nang matagal na panahon. Kung saan-saan na pumupunta ang mga magulang ko, ano? Wala naman sa akin kung may pasalubong sila sa para sa akin, basta may kuwento silang maibabahagi habang naghahapunan tungkol sa Beijing.

Lunes, Setyembre 18, 2006
Trip
Paalis pala si Mommy papuntang Beijing sa daating na linggo. Conference daw kuno. Mabuti na rin at may kaunting pahinga siya doon. Meeting-meeting lang at pasyal-pasyal. Kailangan talaga ni Mommy ng pahinga sa totoo lang.
Napanood ko kahapon ang replay ng semi-final ng Ateneo laban sa Adamson. Nakakatuwa. Ang galing ni Bono. Wala akong masabi. Lahat na'y ginawa. Ok lang na hindi maging MVP si JC kung ganoong galing na player nila ibibigay. Never been this excited with the UAAP ever since second year. Wala lang.

Biyernes, Setyembre 15, 2006
untitled
Mahaba-haba ang araw ko ngayon. Kinailangan kong gumising nang maaga para mag-proctor sa klase ni Ma'am Beni kasi may-workshop na ginanap sa Kagawaran (yung Barlaya). Kaya ayun, gulat na gulat ang mga estudyanteng makita ako at may dala-dalang "regalo". Napapangiti lang ako sa kanilang pagmamakaawang huwag nang ituloy ang kanilang exercise. (Sadista ko talaga.) Wala naman akong masyadong ginawa, nakatunganga lang at pinapanood ang mga bata (para bang ang tanda-tanda ko na, di ba?). Nakakatuwang may ibang mga klase'y "kuya" ang tawag sa akin at "sir" naman dun sa iba. Wala lang. :D
Pumunta rin akong Open Mic kanina. Nagbasa ako. Hindi naman talaga ako pumupunta sa mga ganoon para magbasa kundi makinig. Para sa akin, isa malaking tambay ang open mic. Masayang makita ulit ang mga tao, sina Jace, Em, Vittorio, Twinkle, Margie, Ino, atbp. Siyempre, tuwang-tuwa akong makinig sa mga mahahalay. (May bias ba?) Astig din talagang magbasa si Sir Larry, memorized talaga at natural na natural. The best talaga yung stand-up ni Raffy Taruc.
Pahinga ang weekend ngunit may papel na kailangan pang gawin at mga nobelang kailangang basahin.

Martes, Setyembre 12, 2006
Masarap Sigurong Humilata Ngayon
Dalawang gabi na rin akong kulang sa tulog kaya pagod na pagod ako ngayon. Tinapos ko ang paper ko para kay Ma'am Beni (na hindi namin ipinasa kasi gusto ni Ma'am Beni na maging "A" yung mga iyon kaya OK lang). Sunod ay yung report ko para sa klase ni sir Jerry. Tulog lang talaga ang problema ko. Kailangan ko pang pumasok bukas nang maaga kasi magpo-proctor ako kay Ma'am Christine. Hay, gusto ko pa sanang magbasa pero wala na akong lakas.
Linggo, Setyembre 03, 2006
Bookfair!
Dumaan ako kanina sa bookfair. Ang saya! book-gasm talaga. Yun na ang aking belated birthday gift sa sarili ko.
Ang mga nabili ko ay:
1. The Man Who (Thought He) Looked Like Robert Taylor ni Bienvenido Santos
2. Peripheral Vision ni Eric Gamalinda
3. Planet Waves ni Eric Gamalinda
4. Ninay ni Pedro Paterno -> may photocopy ako pero masayang may orig. :D
5. The Sky Over Dimas ni Vicente Groyon III
6. Hunyango sa Bato ni Abdon M. Balde Jr.
7. Dili't Dilim ni Michael M. Coroza
8. Mga Lagot na Liwanag ni Micheal M. Coroza
9. Cubao-Kalaw Kalaw-Cubao ni Tony Perez
Dumaan ako ng Pistang Panitik pero hindi ako nagtagal.
OK, sa susunod ko nababasahin ang mga iyan. Kailangan ko pang magsulat ng paper e.

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)