Kauuwi ko lang kahapon galing ospital. Hinimatay kasi ako noong umaga nang Linggo. Napraning ang mga tao, lalo na ang mga magulang ko. Agad naman nilang sinisi ang aking "kalusugan." Noong Sabado kasi, masama na ang pakiramdam ko. Masakit ang katawan ko at medyo matamlay. Kaya hindi ko napanood ang kalahati ang graduation ni Tetel, kapatid ko.
Hindi ko alam kung bakit ako hinimatay. Maaari raw na dahil sa pagbagsak ng BP ko o ng blood suger ko. (Low blood sugar? Cerda? They don't sound right together.) Kaya sa ospital, binigyan nila ako ng "the works." X-ray, 2D Echo (they used the ultrasound to check my heart), blood testing, at inobserbahan ako nang mga dalawang araw. Wala naman talaga silang nakitang problematiko. Normal na normal naman daw. Medyo mataas lang daw ang uric acid ko pero "within normal" pa naman daw.
At sa tingin ko ngayon, medyo nag-over-react ang mga magulang. May sakit pa rin naman ako, inuubo, sinisipon. Dagdag pa ang masakit na balikat (yun kasi ang nadag-anan ko nang mahulog ako). So, anong nagawa ng ospital para sa akin? Wala. Gumaan lang ang loob ng mga magulang ko't wala silang nakitang "seryoso" sa akin.
Sa loob ng ospital, natapos ko na rin ang nobelang "The Master and Margarita" ni Mikhail Bulgakov. Siguro magandang basahin ko rin ang "Faust" para lubos na maintindihan ang "The Master and Margarita." Pero nakakatuwa at magaling na nobela ang "The Master and Margarita" sa kanyang sarili.
Napanood ko rin ang interview nina Sir Vim at Sir Egay sa NBN4. Nakakatuwa naman. Hindi ko nga lang talaga gusto ang isang host ng palabas.
Kaya ayon. Maliligo pa ako.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento