1. Butas
Humilom na ang ginalid ko pagkatapos magpatanggal ng wisdom tooth. Ang problema lang, sumasabit ang pagkain at tinga sa butas na naiwan pagkatapos tanggalin ang wisdom tooth. Kailangan ko tuloy magmumog nang mabuti pagkatapos kumain.
2. Auto
Headline kanina sa ANC na inaprubahan na ng SEC ang joint venture ng Smartmatic at TIM. Kebs. Sa personal na opinyon ko, kahit na automated o hindi ang eleksiyon, marami pa ring nadadaya. Hindi ibig sabihing may kaharap kang makina, mapagkakatiwalaan na iyon. Pala-palaging may tao sa likod ng mga makina. Mariming itinatago ang makinang nasa harapan mo na maaaring hindi mo maintindihan. Iyon ang mapanganib sa automated. Kahit na anong gawing pagtatangkang maging transparent ng sistema, hindi pa rin transparent.
3. Sidenote
Napanood n'yo na ba ang ad ng Comelec na naghihikayat magparehistro ng mga tao? Ang pangit, di ba? Parang high school project. Langya, parang mas maganda pa nga ang ilang mga high school project diyan. Wala lang. Natawa lang ako sa kapangitan ng ad na iyon.
4. Brothers
Natapos ko na ring basahin (sa wakas) ang dambuhalang "Brothers" ni Yu Hua. Napasama sa short list ito noong nakaraang Man Asia Literary Prize kung kailan nanalo si Chuck Syjuco. Tungkol ang nobela sa magkapatid na Song Gang at Baldy Li. Mas pwedeng tawagin silang adoptive brothers dahil hindi naman talaga sila dugong magkapatid. Nang mabalo ang ama ni Song Gang at ina ni Baldy Li, nagpakasal sila at naging "magkapatid" sina Song Gang at Baldy Li. Ngunit hindi lamang ang ugnayang ito ang nagpatatag sa kanilang pagiging magkapatid. Lumaki silang dalawa sa panahon ng Cultural Revolution at ang kanilang karanasan ng pagkaapi at pagkasawi nang mga panahong iyon ang nagbuklod sa kanilang dalawa. Mula sa kanilang kabataan, dadalhin tayo ng nobela sa kanilang pagtanda. Mapapangasawa ni Song Gang ang pinakamagandang dalaga ng bayan nila, si Lin Hong, habang magiging mayaman at makapangyarihan si Baldy Li sa panahon ng pag-ugat ng matinding kapitalismo sa Tsina.
Puno ng irony ang nobela at mula dito nanggagaling ang pagpapatawa. May ibang pagkakataon naman na gumagamit ng slapstick ang nobela para magpatawa. Ngunit malinaw na pinagtatawanan ng nobela ang kakatwang sitwasyon ngayon ng Tsina bilang yumayaman at nagiging makapangyarihang bansa. Interesante rin ang ugnayan ng sekswalidad at pag-unlad. Inilalarawan si Baldy Li bilang malibog na tao habang kabaligtaran naman si Song Gang. Ano ang ugnayan nito sa magkataliwas na kinahinatnan nila sa dulo? May ugnayan ba ang ambisyon at sekswalidad?
Huli tala, may ilang typo akong nasalubong habang binabasa ang nobela. Mukhang minadali ang pagpapalabas ng nobela. Gayundin, may mga pangungusap na medyo awkward. Pero isa itong nakakatawang nobela at mas nag-enjoy ako dito kumpara sa mas seryosong "Wolf Totem".
5. Of Love and Other Demons
Katatapos ko lang basahin ang "Of Love and Other Demons" ni Gabriel Garcia Marquez. Tipikal na Gracia Marquez ang nobela. Tungkol ang nobela sa buhay ni Sierva Maria, anak ng isang marquis, at kung paano siya namatay diumano sa rabis. At iimbestigahan siya bilang posibleng sinasapian ng demonyo. Ngunit lunsaran lamang ang nangyari kay Sierva Maria upang maging lunsaran ng konsepto ng nobela tungkol sa sapi/sanib o possession. At lilitaw ang konsepto na ito sa iba pang mga tauhan ng nobela. Lulong sa droga ang ina ni Sierva, isang literal na pagkasapi ng "masamanng espiritu" ngunit sintomas lang naman talaga ng pagsisisi't lungkot na nauna nang sumapi sa kanya. Madidiskaril ang magandang hinaharap ni Padre Cayetano sa kanyang pag-ibig kay Sierva Maria. Sasabihin pa niya na nasasapian siya ng demonyo dahil sa kanyang pagmamahal. Sinasapian naman ng kapangyarihan ang Obispo at malinaw na makikita ito sa kanyang pagtatangkang i-exorcise si Sierva Maria. Pride naman ang sumasapi kay Abernuncio lalo na ang kanyang kasiguraduhan sa kapangyarihan niyang manggamot. Kaya't hindi lamang iisa ang mukha ng demonyo tulad na hindi lamang iisa ang pangunahing tauhan sa mga akda ni Garcia Marquez.
6. Link
The soil of youth?
Sperm na nilikha sa laboratoryo. Parang gawain ata ito ng DTnL.
Araw-araw na sex, mabuti sa sperm. Ito ang gawain ng TnL.
Top 10 Disaster Stories
Ano ba talagang nangyari sa Roswell?
Dapat bang ituro ang Creative Writing?
Space storms? Meron pala noon.
Isa na namang hakbang tungo sa world domination ng mga robot.
Mailap na usa sa Negros.
Bituing maningning.
Mga kambing sa Taiwan, hindi makatulog. Patay! Ang suspek: wind turbines. Kawawang mga kambing.
Paano maglagay ng 300 DVD sa loob ng iisang disc.
Sex-themed theme park sa Tsina, joke lang pala.
Mas malakas daw ang resistensya ng mga babae kaysa sa mga lalaki.
Mas mukhang bata ang mga nagda-diet na unggoy kaysa sa mga masisiba. Totoo kaya ito para sa mga tao?
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento