1. Wisdom
Noong Sabado, pinatanggal ko na ang wisdom tooth ko sa kanan ng panga ko. Iyon lang ang kaisa-isa kong wisdom tooth batay sa X-ray. Pinatanggal ko na agad kasi medyo alangan ang pagtubo. Patabingi. Alas nuwebe nang pumunta kami ni Dad sa dentista. Inabot ng isa't kalahating oras ang operasyon. Minor surgery ang pagpapabunot ng wisdom tooth kaya pahinga lang ako nitong nakalipas na dalawang araw. Medyo paga pa ang panga ko pero hindi na masakit. Abala lang sa pagsasalita at pagkain. Okey lang naman ang klase ko kanina. Nakapagsalita naman ako ng maayos. Nabubulol lang pagminsan. Medyo alangan din ang pagkain ko kasi may tahi pa ang gilagid ko. Kaya mabagal at sa kaliwa lang akong ngumunguya. Tatanggalin pa ang sinulid sa susunod na Sabado.
2. UBOD
(Sorry, Filipino and English writers, Regional Language writers lang ang puwede.)
UBOD Writers Series 2009 Announces Call for Submissions
The National Commission on Culture and the Arts (NCCA), the National Committee on Literary Arts (NCLA) and the Ateneo Institute of Literary Arts and Practice (AILAP) are now accepting manuscripts for the UBOD series 2009. 12 writers who have not released book-length titles will be given a chance to have their first book published under UBOD New Authors Series.
Four manuscripts written in four languages of each of the three major Philippine Island groups: Luzon, Visayas and Mindanao will be chosen. The manuscript should be 40-60 pages in chapbook length. 20-40 poems or 5-10 short fiction. The most exceptional pieces in their manuscript shall be translated into Filipino or English.
Send two copies of the manuscript to the Ateneo Institute of Literary Arts and Practice (AILAP) c/o The Department of Filipino, 3rd Floor Dela Costa Bldg., School of Humanities, Ateneo de Manila University, Loyola Heights, Quezon City 1108. Include a CD of the manuscript and one page curriculum vitae with the author’s name, contact number and e-mail address and 1X1 picture.
Deadline will be on Aug. 15, 2009.
For inquiries, please e-mail ailap@admu.edu.ph or at call 426-6001 loc. 5320-5321.
3. Collected Stories
Natapos kong basahin ang "Collected Stories" ni Gabriel Garcia Marquez pagkatapos ng mahaba-habang panahon. Interesanteng makita ang ebolusyon ng boses ni Marquez kung susundang mabuti ang kalipuan. Kung matapat ang pagsasalin sa Ingles, mapapansin ang maligoy at mabulaklak na estilo niya sa mga nauna niyang mga kuwento noong 50's. Dahan-dahan itong magbabago hanggang sa mas pamilyar na boses ni Marquez na mapakikinggan sa "One Hundred Years of Solitude". Nakakainggit ang proyekto't boses na mabubuo ni Marquez sa higit na bagong mga kuwento sa kalipunan. Ano kaya ang boses at magiging proyekto ko pag tumanda na ako? Magsusulat pa kaya ako? Hay, anxieties.
4. Slaughterhouse 5
Natapos kong basahin ang "Slaughterhouse 5" ni Kurt Vonnegut noong isang linggo. Bagaman maikli lamang itong nobela, nahirapan akong basahin ito pero hindi ko malaman kung bakit. Simple lamang naman ang wika nito. At kahit patalon-talon ang naratibo, pinaghandaan naman ito nang mabuti.
Mala-scifi ang nobela dahil ang pangunahing tauhang si Billy Pilgrim ay kayang maglakbay sa panahon. Kalimita'y hindi niya kontrolado ang pagtalon na nito sa panahon ngunit tinatanggap na lamang niya. Nagsisilbing metapora para sa akin ang paglalakbay ni Billy sa panahon bilang sintomas ng kanyang trauma bilang isang sundalo (at sa nobela nagsimulang lumabas ang kakayahang ito nang nasa kalagitnaan siya ng digmaan). Mas mabigat pa kaysa sa alaala ang nangyayari kay Billy na paglalakbay. Sa pagkatiwalag sa panahon, nananatiling nariyan ang nakaraan. Palaging narito ang nakaraan. At kahit na ang hinaharap ay naririto rin, nasa ngayon, nakikipaglaban ito sa nakaraan pala-palaging naririyan.
Interesante rin para sa akin ang pag-uulit ng katagang "So it goes." sa buong nobela kapag nagsasalaysay ito tungkol sa pagkamatay. Nagmimistulang dasal ang nobela para sa mga namatay. Bagaman nagtutunog cynical o mapagpaubaya sa katotohanan ng kamatayan at ng digmaan, may talim ito, mapatawa ka man o malungkot sa bawat pagsabi ng "So it goes."
5.
Gusto n'yong makita ang wisdom tooth ko?
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento