1.
Pinanood ko ang "10,000 B.C." noong Linggo. Okey lang siyang pop corn movie. HIndi ko maiwasan napaghambingin iyon sa "Apocalypto" dahil tungkol din ito sa isang tribong nilusob para dalhin at gawing alipin sa isang malakas na kaharian. Kung ano man, medyo napakamot lang ako ng ulo dahil sa tono ng tagapagsalaysay at sa visual effects. Hindi ko alam kung nagpapakarealistiko ba ang pelikula o nagpapakaalamat at nagpapakamistikal. Kasi pwede rin namang gawing higit na maalamat at mythic ang buong pelikula. Iyon na rin naman kasi ang tono ng tagapagsalaysay ng pelikula. Kaya nga realismo ang pinararating na dating ng visual effects at hindi isang fantastiko na dating.
2.
Nakabili ako ng kopya ng "Hot Fuzz" kamakailan. Pinagbidahan ito ni Simon Pegg, ang gumawa ng "Shawn of the Dead." Laugh trip ito para sa akin. Ang daming reference sa ibang mga action movies. At napaka-absurd ng gunbattle sa dulo, hindi ko mapigilan ang pagtawa. Hindi ko rin mapigilang tumawa sa montage ng mga kinakasang barili.
3.
Dumalo nga pala ako sa LS Awards for the Arts 2008 kahapon. Narito ang listahan ng mga ginantimpalaan. Naiinis lang ako kasi hindi sila hinaya katulad nitong nakaraang mga taon. Yung hindi sila pinatayo sa gitna ng entablado habang binabasa ang kanilang citation. Unfair! :D
4.
Katatapos ko lang basahin ang "Meadowlands" ni Louise Gluck at "The Sacrifice" ni Frank Bidart para sa klase namin sa Sabado. Nagustuhan ko ang dalawang koleksiyon na ito. Madali akong naka-relate sa "Meadowlands" dahil nabasa ko na ang "The Oddyssey". Karamihan kasi ng mga tula roon ay may alusyon doon. Nalungkot naman ako sa "The Sacrifice". Feeling ko, guilty na rin ako.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento