1.
Nakawala ako ng 1,000 kahapon dahil may butas ang bulsa ko. Bopols ko talaga. Sayang din yun. 2 o 3 libro din iyon.
2.
Dapat talaga pumunta ako sa Block E get-together noong Sabado. No excuses really maliban sa pagsusulat ng papel. Sana nga lumabas na lang ako nun. Ang panget ng papel na ginawa ko.
3.
Kaya nawala ko rin siguro nawala yung 1,000 na yun. Bangag ako kahapon dahil sa kakulangan ng tulog.
4.
Kaya heto, sawa na ako sa paggawa ng papel. Kaya nga lang, may dalawa pa akong papel na hindi naisa-submit kay Sir Mike. Mabuti tapos na ako (halos) sa mga units ko. Kapag napasa ko na ang mga papel na ito kay Sir Mike, pwede na akong mag-compre. Tapos thesis na. Iyon naman talaga ang pinakahihintay ko e, yung thesis. Para makapagsulat na ako ng mga kuwento para doon.
5.
Inaalok naman ako ngayong mga-Law. Ayoko. Mahilig rin lang naman daw akong magbasa. Pero iba naman yata ang babasahin doon kumpara sa binasa't binabasa ko. At sa totoo lang, ayoko nang maging iskolar ng mga magulang ko. Hiyang-hiya na ako.
6.
Medyo pagod pa ako. Naubusan ata ako ng salita dahil sa kakasulat ng papel.
Lunes, Marso 31, 2008
Linggo, Marso 23, 2008
Pagkabuhay
1.
Kahapon, nagkita-kita kami nina Danny, Elmer, Paolo, Aina, Tonet at Carla (na tinatawag ko ngayong "Madam" dahil ilang beses niyang hiniling na baguhin oras namin ng pagkikita). Nagkita kami sa McDo para planuhin ang dalawang bagay. Una ay isang summer outing sa darating Mayo 3 hanggang 4. Hindi pa sigurado kung saan basta sigurado na iyong date na iyon. Ang pangalawa naman ay isang reunion ng section namin noong grade school. Isang dekada na rin ang lumipas. Tatanungin pa rin namin ang iba pang mga dating kaklase kung game sila. Inaasahan namin na matutuloy ito nang mga Hunyo o Hulyo. Pagkatapos noon, kuwentuhan na lang. Tapos na pala ang sem ni Tonet kaya nainggit ako kasi kailangan ko pang bumalik sa Ateneo para magpasa ng mga papel. Hassle talaga ang sched ng taong ito. Vacation mode na sana para sa Holy Week pero may mga papel na kailangan pang gawin. Kaya ito, hindi ko feel na nagpahinga ako.
2.
Noong Huwebes ay nag-Bisita Iglesia kami at pinili naming tapusin iyon sa Tagaytay. Medyo wrong move kasi ang trapik sa Tagaytay. Pero okey lang kasi pagdating ng alas singko'y malamig na simoy ng hangin.
3.
Tulad ng kinagawian, pumunta kaming Binangonan para manood ng prusisyon doon. Tuwang-tuwa din naman ang mga kapatid ko kasi nakita ulit nila ang bunso naming pinsan, si Evan. Kung hahanapin ko ang dahilan kung bakit nahuhumaling ako't nagsusulat palagi tungkol sa mga paglisan, pananahan at paglalakbay, dito siguro ako magsisimula. Taga-Binangonan kasi si Dad kahit na ilang dekada nang malayo doon, malalim ang kanyang ugnayan doon sa bayan na iyon. Marami kasing kapamilya doon, marami ring nakalakihang mga kaibigan si Dad doon. Kaya ang pagkakaranas ko ng tahanan at pamilya, medyo displaced din. Doon kasi sa Binangonan kami madalas magpalipas ng bakasyon noong bata pa. Lahat ng mga pinsan namin, tagaroon. Dito kasi sa San Pablo, wala kaming mga malalapit na kamag-anak. Only child lang si Mama kaya wala kaming mga pinsan dito. Kung mga kamag-anak, taga-ibang bayan o barangay at medyo malayo na rin ang relasyon. Kaya ngayon, nasa Binangonan si Dad at si Tetel, ipagsasayaw daw nila sa Waswas doon. Pinagsasayaw nga nila ako dati pero hindi ko trip. Kahit na tagaroon si Dad, pakiramdam ko pa rin ay tagalabas pa rin ako.

Huwebes, Marso 13, 2008
Ratratan
1.
Pinanood ko ang "10,000 B.C." noong Linggo. Okey lang siyang pop corn movie. HIndi ko maiwasan napaghambingin iyon sa "Apocalypto" dahil tungkol din ito sa isang tribong nilusob para dalhin at gawing alipin sa isang malakas na kaharian. Kung ano man, medyo napakamot lang ako ng ulo dahil sa tono ng tagapagsalaysay at sa visual effects. Hindi ko alam kung nagpapakarealistiko ba ang pelikula o nagpapakaalamat at nagpapakamistikal. Kasi pwede rin namang gawing higit na maalamat at mythic ang buong pelikula. Iyon na rin naman kasi ang tono ng tagapagsalaysay ng pelikula. Kaya nga realismo ang pinararating na dating ng visual effects at hindi isang fantastiko na dating.
2.
Nakabili ako ng kopya ng "Hot Fuzz" kamakailan. Pinagbidahan ito ni Simon Pegg, ang gumawa ng "Shawn of the Dead." Laugh trip ito para sa akin. Ang daming reference sa ibang mga action movies. At napaka-absurd ng gunbattle sa dulo, hindi ko mapigilan ang pagtawa. Hindi ko rin mapigilang tumawa sa montage ng mga kinakasang barili.
3.
Dumalo nga pala ako sa LS Awards for the Arts 2008 kahapon. Narito ang listahan ng mga ginantimpalaan. Naiinis lang ako kasi hindi sila hinaya katulad nitong nakaraang mga taon. Yung hindi sila pinatayo sa gitna ng entablado habang binabasa ang kanilang citation. Unfair! :D
4.
Katatapos ko lang basahin ang "Meadowlands" ni Louise Gluck at "The Sacrifice" ni Frank Bidart para sa klase namin sa Sabado. Nagustuhan ko ang dalawang koleksiyon na ito. Madali akong naka-relate sa "Meadowlands" dahil nabasa ko na ang "The Oddyssey". Karamihan kasi ng mga tula roon ay may alusyon doon. Nalungkot naman ako sa "The Sacrifice". Feeling ko, guilty na rin ako.

Linggo, Marso 02, 2008
Hakbang Pabalik
1.
Pinanood ko ang "Juno" kanina. Nakakatuwa siya. Matalas ang dila ng mga tauhan pero may puso. Kaya nga siguro nanalo ng best original screenplay sa Oscars.
2.
Pinanood ko naman noong Huwebes ang dance concert na bahagi si Tetel, kapatid ko, sa La Salle. Maganda ang auditorium ng La Salle. Mukhang teatro. Kung may ganoon lang na tanghalan ang Ateneo, wasak na wasak na talaga ang mga produksiyon ng TA, Entablado at BlueRep. Bahagi si Tetel ng dance company ng La Salle. Nabanggit ko na siguro dito na kasama siya sa China nang pumunta doon ang dance company. Napanood ko na nang madaming beses sina Tetel at Marol na magsayaw. Pero ngayon ko lang napanood si Tetel na magsayaw bilang bahagi ng dance company na ito. May naratibo ang mga sayaw kaya madaling sundan. Maganda ang buong palabas. Sinasabi ko iyon hindi lang dahil kasama doon si Tetel. Nakakainis lang at ang ingay ng mga nanonood. Karamihan kasi ng mga nanonood ay mga kaklase at kakilala ng mga nagsasayaw. Pero medyo distracting kung isa kang nagsasayaw at masyadong maingay ang mga nanonood.
3.
Noong Lunes, katatapos ko lang basahin ang "Atonement" ni Ian McEwan. Medyo mahaba ang nobelang ito kaya natagalan ako. Gusto ko sanang basahin ang nobela bago ko panoorin ang pelikula. Pero parang ayoko nang panoorin ang pelikula. Dahil ang buong nobela, para sa akin, ay isa ring masalimuot na meditasyon sa sining ng pagsulat at ng nobela at hindi lamang isang simpleng love story. Paano maililipat sa pelikula ang bagay na itong nagustuhan ko sa nobela? Kaya baka ma-disappoint lang ako sa pelikula.

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)